Ano ang Adult Failure to Thrive (AFTT)?
Ang adult failure to thrive (AFTT) ay ang pagkakaroon ng isa o higit pang mga medikal na kundisyon, na karaniwan sa mga nakakatanda at mahihinang pasyente, na naglalagay sa kanila sa panganib ng lalong paghina. Gayunpaman, ang AFTT ay hindi isang partikular na diagnosis na puwedeng magsilbing dahilan para sa isang referral sa hospice care.
Para tukuyin ang failure to thrive, tinitingnan ng mga eksperto sa kalusugan ang mga pangunahing salik, kasama ang mahinang gana sa pagkain, pagbaba ng timbang, labis na pagkapagod, at pangkalahatang paghina sa kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad.
Ang mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay (activity of daily living, ADL) na ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang pasyente na magdamit, kumain at uminom, maligo, ligtas na pumunta mula sa isang lokasyon papunta sa isa pa, maglinis ng sarili, at magbanyo nang sarili, nang walang tulong mula sa iba.1
Habang dahan-dahan silang nawawalan ng kakayahang alagaan ang kanilang sarili, tinutukoy ang mga nasa hustong gulang na ito bilang failing to thrive. Sa karaniwan, ang mga pasyenteng may AFTT ay posibleng may dati nang medikal na kundisyon, pero walang partikular na paghina ng organ system kung saan posible silang maging kwalipikado para sa Medicare Hospice Benefit dahil sa prognosis para sa isang malubhang karamdaman.
Bakit Hindi isang Diagnosis ang AFTT?
Ang AFTT ay itinuturing na koleksyon ng mga sintomas o senyales ng paghina, sa halip na isang partikular na diagnosis. Karaniwan itong nakikita sa mga nakakatanda na mayroon nang sakit, humaharap sa mga kahirapan ng iba pang hindi partikular na medikal na kundisyon, o nakararanas ng tumitinding pagkawala ng kakayahang magsagawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad.
Kasama sa mga pinaka-karaniwang mga salik na nauugnay sa AFTT ang:
- Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, kahit sa may sapat na nutrisyon o suporta sa nutrisyon
- Isang 40% o mas mababa pang score sa Palliative Care Performance Scale, isang pagbabago ng Karnofsky Performance Status2, na tumutukoy sa mga pasyente batay sa kanilang mga kakayahang makagawa, mula sa ganap na gumagana (100%-80%) hanggang sa hindi nakakapagtrabaho ngunit naaasikaso ang mga pinaka-karaniwang personal na pangangailangan (70%-50%) hanggang sa may malubhang sakit/baldado/nasa ospital, at nangangailangan ng ganap na tulong (40%-10%)2
Para sa Medicare coding, ang AFTT at "debility" ay itinatala bilang ICD-9-CM/ICD-10-CM na mga code.
Admission sa Hospice para sa Failure to Thrive
Dahil ang AFTT ay hindi isang partikular na diagnosis, hindi ito tinatanggap bilang isang lehitimong dahilan para sa ma-admit ang pasyente sa hospice care.
Karaniwan, ang mga dalubhasa sa hospice ay nagbibigay ng ibang mga tanong para matukoy ang pagiging karapat-dapat sa hospice, gaya ng: "Ang pasyente bang may dati nang malubhang karamdaman ay gumugugol ng mahigit sa 50% ng kanilang gising na oras na nagpapahinga (hal., nakaupo o nakahiga).
Kung oo, ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman ay maaaring magsilbing batayan para sa isang admission sa hospice care sa mga pasyenteng nagpapakita rin ng mga katangian ng AFTT.
Sino ang Kwalipikado para sa Hospice Care?
Sa pangkalahatan, ang mga psyente ay kwalipikado para sa hospice care kung:
- Natukoy ng isang doktor na mayroon siyang malubhang karamdaman at may prognosis na 6 buwan o mas maikli pa, kung magiging normal ang pagdaloy ng sakit
- Pinili ng pasyente at/o pamilya ang pangangalaga na nakatuon sa kaginhawahan, sa halip na pangangalagang nakatuon sa paglunas
Karaniwang inire-refer ang mga pasyente sa hospice care kung mayroon silang malubhang cancer, sakit sa puso, sakit sa baga, Alzheimer's disease/dementia, end-stage na sakit sa atay o sakit sa bato, sepsis, o ibang pang malulubhang mga karamdaman.
1Stanford University School of Medicine, Palliative Care. Adult Failure to Thrive. Nakuha mula sa: https://palliative.stanford.edu/home-hospice-home-care-of-the-dying-patient/common-terminal-diagnoses/adult-failure-to-thrive/
2National Palliative Care Research Center. Karnofsky Performance Scale Status Scale Ratings Definition. Nakuha mula sa http://www.npcrc.org/files/news/karnofsky_performance_scale.pdf