VITAS Advantage: Case Study tungkol sa 24/7/365 na Suporta sa Pangangalaga para sa mga Senior Living Community
Case Study ng VITAS: Residenteng may Malubhang Sakit na Alzheimer
Si KW* ay isang 88 taong gulang na residente sa isang nursing home na mayroong malubhang sakit na Alzheimer. Inilabas siya mula sa ospital kamakailan dahil sa mga komplikasyong sanhi ng aspiration pneumonia. Hindi nagtagal, nakakaranas si KW ng hirap sa paghinga, pagkabalisa, at lagnat sa kalagitnaan ng gabi.
Dahil nagdulot ng matinding pagkabalisa ang pinaka-kamakailang pagpapaospital kay KW, parehong iminungkahi ng kanyang pangunahing manggagamot at director of nursing (DON) ng pasilidad sa kanyang anak na si George, na posibleng kuwalipikado ang kanyang ina para sa hospice services.
Sumang-ayon si George sa isang konsultasyon, at ini-refer ng DON si KW sa VITAS. Sa 2:30 a.m., isang admissions nurse ng VITAS ang dumating sa nursing home para makipag-ugnayan kay George.
Oras na nalaman na ni George na pagtutuunan ng pansin ng plano ng pangangalaga ng VITAS ang pagiging comfortable ng kanyang ina, at pinakamahalaga ang kanyang mga layunin, hiling, at pinahahalagahan, sumang-ayon siya sa isang hospice evaluation. Pagkatapos kumunsulta ang nurse ng VITAS sa doctor ng kanyang team, napatunayang si KW ay kuwalipikado sa hospice, at siya ay inilipat nang walang sagabal sa mga serbisyo ng VITAS habang nananatili sa pasilidad.
Sa loob ng dalawang araw sa unang linggo sa enrollment ni KW sa hospice, nakikipag-ugnayan ang mga nurse ng pasilidad sa mga klinikal na staff ng VITAS para sa dalawampu't apat na oras na pamamahala ng mga sintomas ni KW (hal., paghahatid ng O2 at pagsisimula ng gamot para mapahupa ang pangangapos ng paghinga at lagnat). Ang continuous na paggagamot ng VITAS (Intensive Comfort Care®, o ICC) ay nagbibigay ng mga pansamantalang shift ng pangangalaga nang hanggang sa 24 oras kapag kinakailangan, alinsunod sa mga ipinag-aatas ng Medicare.
Noong na-stabilize na ang mga sintomas ni KW, patuloy siyang nakatanggap ng mga hospice services sa karaniwang antas ng pangangalaga, sa pamamagitan ng mga madalas na pagbisita mula sa interdisciplinary team ng VITAS sa pakikipagtulungan ng klinikal na staff ng pasilidad. Dalawang beses habang naroroon si KW, kumunsulta ang mga miyembro ng staff sa 24/7/365 na Telecare line ng VITAS tungkol sa mga tanong na may kaugnayan sa kanyang plano sa pangangalaga. Pagkalipas ng 28 araw, payapa siyang pumanaw habang si George ay nasa kanyang tabi.
*Ang mga inisyal na ito ay kumakatawan ng isang residenteng hindi makikilala at ginagamit para sa layunin ng edukasyon lamang.
Nakakakita ang mga Pamilya ng Halaga sa 24/7 na Access sa mga Hospice Team
Sa isang pag-aaral ng mga mas matandang pasyenteng may malubhang dementia, nalaman ng mga mananaliksik na nauugnay ang hospice care sa kapansin-pansing paghusay ng pangangasiwa ng sintomas, sa kahirapan ng tagapag-alaga, at sa kasiyahan sa pangangalaga para sa mga kalahok na pamilya.
Ayon sa mga may-akda ng pag-aaral, "binanggit ng lahat ng mga pamilya na ang programa (ng hospice) ay nagbigay sa kanila ng pakiramdam na sila ay sinusuportahan at irerekomenda nila ito sa iba." Maraming tagapag-alaga ang nagsabi na "naramdaman nilang mas kumportable sila sa pag-aalaga ng kanilang mahal sa buhay, na nabawasan ang paghihirap, at mas marami silang natutunan tungkol sa landas ng dementia."
Binanggit ng mga pamilya na ang dalawampu't apat na oras na access sa multidisciplinary team ng hospice at ang propesyonalismo ng team ang pinakamahalagang mga aspeto ng hospice care. Partikular dito, malaki ang pasasalamat nila sa mga miyembro ng staff na available sa telepono 24/7 at nagsagawa ng mga karagdagang pagbisita ayon sa pangangailangan.
Sa isang pag-aaral sa Israel, ang social worker ng hospice na sumalubong sa pamilya sa panahon ng admission ay nagpanatili ng malapit na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng telepono at mga follow-up na pagbisita. Sinuri ang bawat pasyente para sa kakayahang lumunok at potensyal na kahirapan sa paghinga, at ang isang tagapaglaan ng espiritwal na pangangalaga ay bumisita ayon sa pangangailangan.
Bilang pagbubuod, iniulat ng mga pamilya na natulungan sila ng hospice team na mapahusay ang quality of life ng pasyente at mabawasan ang kahirapan ng tagapag-alaga.
Nagbibigay ang VITAS ng 24/7/365 na klinikal na suporta sa mga naninirahan sa mga senior living community sa mahahalagang paraan:
- Ang dalawampu't apat na oras na availability ng hospice staff ng VITAS ay nagpapanatili sa reimbursement/payment stream ng iyong organisasyon para sa mga serbisyong hindi kaugnay sa hospice at sinusuportahan nito ang pagtanda ng pasyente sa kanyang kinatatayuan sa pamamagitan ng pagbigay ng maraming mapagpipiliang mga hospice services-medikal, emosyonal, at espiritwal-nang direkta sa iyong residente. Ang pag-iwas sa paglipat sa ibang lugar sa katapusan ng buhay ay nakatutulong sa emosyon at pananalapi ng residente/pamilya.
- Kapag nag-refer ka sa VITAS, makasisiguro ka na masasagot ng mga clinician ng Telecare ang anumang tanong mula sa iyong staff, residente, at kanilang pamilya o tagapag-alaga. Kapag medikal na kinakailangan, maaaring pumunta ang isang manggagamot ng VITAS sa tabing-kama upang matugunan at mapahupa ang isang residenteng nagpapakita ng mga sintomas, sinisiguro nito na ang iyong staff ay palaging mayroong tauhan na makatutulong kung sakaling may komplikadong mga medikal na pangangailangang maganap.
- Oras na magsimula nang tumanggap ng mga serbisyo ng VITAS ang isang residente, ang mga lumilitaw na kundisyon ay malimit na maaaring maasikaso sa isang paraan na hindi nangangailangan ng mga pang-emergency na hakbang. Ang prayoridad ng VITAS ay ang pagbibigay ng mataas na kalidad na pangangala, pagsusuporta sa iyong staff, at pagpapanatili na hindi mapapunta sa ED ang iyong mga residente upang makatulong na mapanatili ang iyong mga positibong ugnayan sa mga nagre-refer na ospital.
Source: Sternberg, S., Sabar, R., & Bentur, N. (2019). Home Hospice for Older People with Advanced Dementia: A Pilot Project. Israel Journal of Health Policy Research, 8(1), 42. DOI: 10.1186/s13584-019-0304-x