Pag-uusap Tungkol sa Hospice Sa Iyong Pamilya

I-download ang Gabay

Gabay ng VITAS Hospice sa Pag-uusap ng Pamilya

Paano mo gustong gugulin ang mga huling buwan ng iyong buhay? Isang malaking tanong ito -- at isang bagay na dapat pag-usapan kasama ang iyong pamilya.

Karaniwan, nagsisimula ang pag-uusap kapag ang lahat ay malusog, at may natanong ng "paano kung…?" Puwede ninyong mapag-usapan ang mga bagay tulad ng:

  • Paano kung nagkasakit ka at hindi na tumutugon ang iyong katawan sa paggamot?
  • Paano kung hindi ka na makapagsalita? Sino ang magsasalita para sa iyo at sino ang magpapasya?
  • Paano kung maging comatose ka? Gusto mo bang panatilihin kang buhay ng mga makina sa pamamagitan ng paghinga para sa iyo at pagdadala ng pagkain sa iyong katawan?

Ang isang advance na directive ay isang nakasulat na plano na nagsasaad ng mga uri ng pangangalaga na gusto mo-at hindi mo gusto-sa katapusan ng buhay. Kapag isinulat mo ang iyong mga kahilingan, mabibigyan ng paraan ang iyong mga mga mahal sa buhay na magsagawa ng mga may kabatirang pasya.

Ang Pagpaplano

Kahit hindi makakasali ang pasyente sa pag-uusap dahil masyado nang malubha ang karamdaman, puwede pa ring magplano ang pamilya at mga taong nag-aalala sa pasyente tungkol sa susunod na mangyayari.

Mahirap na gawain ito, at  puwede itong maging nakaka-stress at nakakalungkot. Puwedeng hindi magkasundo ang lahat sa kung ano ang pinakamainam na gawin. Gayunpaman, puwede silang magkasundo na pagtuunan ng pansin ang pinakamainam na interes at ang mga pinahahalagahan ng pasyente. Ang pamamaraang iyon ay magbibigay ng kapanatagan ng isipan para sa lahat.

Paano Magsimula

Kapag pinili ang hospice, mabibigyan ka ng kontrol sa kung paano at saan ka aalagaan kapag malapit na ang iyong katapusan ng buhay​​​​​​​. Ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay makakagawa ng mga may kabatirang opsyon tungkol sa pangangalaga, iyon man ay sa hinaharap o sa ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ibinibigay ng VITAS Healthcare ang libreng gabay sa talakayan sa hospice na ito para tulungan kayong lahat na magkasundo sa mga planong angkop para sa iyo.

Available sa Ingles, Kastila, Mandarin, Vietnamese, at Tagalog

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.