Mga Panuntunan ng Pagiging Karapat dapat ng Hospice para sa mga Pasyenteng may cancer na nasa end-stage na

I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.

Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makatutulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage na cancer.

Bagama't ang layunin ng isang cancer patient ay pangmatagalang kontrol sa malignancy at pagbalik sa kalusugan, maaaring magkaroon ng pagkakataon na hindi na makontrol ang cancer o kapag hindi naaayon ang pagtugon sa gamot.

Ganap na nakatuon ang hospice care para sa isang cancer patient sa quality of life at idinisenyo ito upang tugunan ang maraming iba't ibang isyu, kasama ang pananakit, pagbaba ng timbang, at paglubha ng iba pang sintomas. Nagbibigay ang VITAS ng emosyonal at ispiritwal na suporta na hinahanap ng mga cancer patient at ng kanilang mahal sa buhay, kung saan nakaangkop ang lahat sa mga pangangailangan ng pasyente. 

Kailan Karapat-dapat sa Hospice Care ang Iyong Cancer Patient

Sa oncology, ang pinakamalaking tagatantya ng pagiging karapat-dapat sa hospice ay ang functional status ng pasyente, na tinutukoy gamit ang sukatan ng Eastern Cooperative Oncology Group (ECOG) o ng Palliative Performance Scale (PPS)

Dahil iba't iba ang partikular na prognosis sa bawat pasyente, iminumungkahi namin ang paggamit ng mga salik na ito bilang pangkalahatang gabay.

ECOG Score para sa Functional Status

Gamit ang ECOG scale, humigit-kumulang na nauugnay ang isang median survival na tatlong buwan sa score na >3. Sa pangkalahatan, masusuportahan ng ECOG score na 2 ang pagiging karapat-dapat para sa hospice services.

0: Walang sintomas (Asymptomatic)
1: May sintomas pero ganap na nakakalakad (Symptomatic)
2: Symptomatic, <50% nasa kama sa araw
3: Symptomatic, >50% nasa kama pero d-nakaratay
4: Nakaratay
5: Kamatayan

Tanungin ang Pasyente Tungkol sa Functional Status

Ang pinakasimpleng pamamaraan upang masuri ang abilidad na functionality ay tanungin ang mga pasyente: Paano mo ginugugol ang iyong oras? Gaano karaming oras ang ginugol mo na nakaupo o nakahiga?

Kung ang >50% ng oras ng pasyente ay iginugugol sa pag-upo o paghiga, at kung mas tumatagal ang oras na ito, matatantya mo ang prognosis sa tatlong buwan pababa. Umiikli pa ang survival time habang nagkakaroon ng mga pisikal na sintomas-lalo na ang dyspnea, kung pangalawa ito sa cancer.

Palliative Performance Scale para sa Functional Status

Karaniwan, posibleng maging kwalipikado sa hospice ang isang cancer patient na may score na 70% o mas mababa sa Palliative Performance Scale

Karaniwan, ang mga pasyenteng ito ay:

  • Hindi nakakagawa ng normal na aktibidad o normal na trabaho
  • Hindi nakakagalaw o nakakalipat ng pwesto; gumugugol ng mahigit sa 50% ng kanilang oras sa kama, usupan, o sa iisang kwarto
  • Nagpapakita ng patunay ng malubhang sakit
  • Nakakagawa lang ng limitadong pangangalaga sa sarili
  • Mas kaunti na ang nakukuhang nutrisyon 

Mga Pagsasaalang-alang ng Hospice para sa Mga Pasyenteng Tumatanggap ng Anti-Tumor Therapy

Sa VITAS, may mga partikular na pagsasaalang-alang para sa mga cancer patient na tumatanggap ng anti-tumor therapy. Kapag kinakailangan, sinusuportahan ng VITAS ang mga palliative na paggamot na nakatuon sa quality of life, kasama ang:

  • Mga intravenous fluid o artipisyal na nutrisyon/hydration para matugunan ang pananakit
  • Radiation at hormonal therapy para maibsan ang pananakit/sintomas 

Ang hospice care para sa mga pasyenteng tumatanggap ng chemotherapy ay nangangailangan ng talakayan sa pagitan ng nag-refer na doktor at isang medical director ng VITAS. Ang oncologic immunotherapy ay hindi katumbas ng hospice care.

Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.

Ano ang nauugnay sa paggamot sa hospice para sa malubhang cancer?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.