Mga Panuntunan sa Pagiging Karapat-dapat ng Hospice para sa End-Stage CHF at iba pang Heart Disease
I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.
Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage na CHF at iba pang heart disease.
Ang Heart Disease ay lubhang naiiba sa iba pang mga karamdaman sa pamamaraan at paggamot nito. Tinutugunan ng hospice care para sa mas malubhang cardiac disease ang maraming sintomas, kasama ang pangangapos ng paghinga, pananakit ng dibdib, panghihina, unti-unting pagkawala ng kakayahang gumalaw, at ang pamamahala sa fluid status.
Kailan Maaaring Karapat-dapat sa Hospice Services ang Iyong Pasyente na may Heart Disease?
Ang pasyente ay karapat-dapat sa Hospice Care kung ang Doctor ay gumawa ng klinikong pagpapasiya na ang itatagal ng buhay ay anim na buwan o mas maikli pa kung ang sakit ay papunta sa inaasahang mangyayari.
Mga kadahilanan ng peligro ng sakit na comorbid:
- Alta presyon
- Diyabetis
- Sakit sa Puso
- Family history sa cardiomyopathy
- Mga naunang atake sa puso
- Heart disease sanhi ng balbula
Mga pag-uuri ng sakit na End-stage ng mga pasyente na nararapat sa hospice
Mga katangian ng end-stage na congestive heart disease
- New York Heart Association (NYHA) Class III kung mayroon man sa mga sumusunod na sintomas sa panahon ng hindi normal na aktibidad (iyon ay, ang pasyente ay kumportable lamang kapag nagpapahinga):
- Pagkapagod
- Mabilis na pagtibok ng puso
- Angina o hirap sa paghinga na may ehersisyo
- NYHA Class IV na naihahayag ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:
- Hirap sa paghinga at/o iba pang mga sintomas na nakapahinga o may kaunting pagkilos
- Walang kakayahang gawin ang pisikal na aktibidad nang hindi nahihirapan sa paghinga at/o iba pang mga sintomas
- Kung isinasagawa ang pisikal na aktibidad, lumala ang hirap sa paghinga at/o iba pang mga sintomas
- Ang pasyente ay binibigyan ng pinakamahusay ng gamutan para sa congestive heart failure na may diuretics at vasodilator, tulad ng mga inhibitor ng ACE, o sila ay pinangangasiwaan ng pinakamainam na paggagamot at walang magagamit na mga opsyon sa operasyon.
Kadahilanan ng peligro ng Comorbid na heart disease
- Alta presyon
- Diyabetis
- Sakit sa Puso
- Family history sa cardiomyopathy
- Mga naunang atake sa puso
- Heart disease sanhi ng balbula
Mga katangian ng end-stage na sakit sa puso na sanhi ng mga ugat
- Ang pasyente ay madalas o paulit-ulit ang sumpong ng angina pectoris nang nakapahinga o may kaunting pagkilos.
- Ang pasyente ay may sintomas sa kabila ng karaniwang nitrate na therapy.
- Hindi kailangan ng pasyente (o tinatanggihan nito) ang mga invasive procedure, tulad ng percutaneous angioplasty o bypass na operasyon sa puso na sanhi ng mga ugat.
Mga kadahilanan ng comorbid:
- Patuloy at/o talamak na mga palatandaan at sintomas ng congestive heart failure
- Ang pagkakaroon ng sintomas ng hindi regular o normal na tibok ng puso dulot ng isang sanhi na nagmumula sa ibabaw ng ventricle (symptomatic supraventricular arrhythmias) kahit na sumailalim ng matinding paggagamot upang malabanan ang arrhythma
- Kasaysayan ng cardiac arrest at resuscitation
- Kasaysayan ng syncope mula sa anumang sanhi
- Cardiogenic embolism sa utak
- Kasabay na sakit na HIV
- Pagpalya ng bato
- COPD
- Cardiovascular accident (CVA, o stroke)
- Pagpalya ng atay
- Cancer
- Dementia
- Paninigarilyo
- Diyabetis
- Alta presyon
- Mataas na kolesterol
- Sakit sa puso sanhi ng mga ugat
- Edad > 75 taon
Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.