Modelo ng VITAS Care para sa Advanced Lung Disease at COPD

Ano ang Kaugnay sa Hospice sa Paggamot para sa COPD?

Naghahandog ang VITAS ng high-acuity na pangangalaga at mga komplikadong modality para mapamahalaan ang kahit na pinaka-agresibong mga sintomas na nauugnay sa chronic pulmonary disease, kabilang ang kahirapan sa paghinga, tachycardia, at hindi gumagaling na bronchitis at pneumonia.

Kasama sa plan of care ng VITAS para sa malubhang lung disease ang 24/7 na klinikal na suporta at modelo ng pangangalaga sa bahay na may mga pagbisita ng interdisciplinary care team na nagbibigay ng klinikal at psychosocial na suporta para matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente at pamilya.

Mga Komplikadong Modality para sa Advanced Lung Disease/COPD

Sa pamamagitan ng aming bukas na formulary at komplikadong plano ng medikal na pamamamahala ng paggagamot, matitiyak ng VITAS na mananatiling kumportable ang iyong mga pasyente habang nakakamit din ang kanilang mga layunin sa pangangalaga sa anumang kinalalagyan ng pangangalaga-kasama na dito ang bahay ng pasyente, pasilidad sa pangangalaga, o assisted living facility.

  • Pinabubuti ng mga bronchodilator ang paghinga sa pamamagitan ng pagluwag ng mga kalamnan ng baga at pagpapalaki ng mga daluyan ng hangin.
  • Ang high-flow oxygen therapy ay nagbibigay ng karagdagang ginhawa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng respiratory support na higit pa sa tradisyonal na oxygen therapy.
  • Ang CPAP at BiPAP na therapy ay tumutulong sa paghinga sa pamamagitan ng pagbabago ng pressure sa daluyan ng hangin para sa mga pasyenteng nangangailangan ng respiratory support.
  • Puwedeng ibigay ang mga antibiotic sa pamamagitan ng mga parenteral na rota para malabanan ang mga impeksyong kaugnay sa advanced lung disease/COPD.
  • Sinusuportahan ng respiratory therapy mula sa isang lisensyadong respiratory therapist ang cardio-pulmonary na plano ng pangangalaga at mga layunin sa pangangalaga ng pasyente, kabilang ang:
    • Non-invasive na bentilasyon para tulungan o palitan ang kusang paghinga
    • Mahabaging pag-alis ng ventilator para makapagbigay ng pinakamalaking antas ng kaginhawahan bilang paghahanda sa kamatayan
  • Mga therapy na serbisyo kasama ang physical, occupational, speech, at massage ay tumutulong na matugunan ang mga natatanging pangangailangan kapag malapit na ang katapusan ng buhay.

Pangangasiwa ng mga dedikadong Doktor

Ang mga layunin sa pangangalaga ng VITAS ay sinusubaybayan ng aming 700+ na mga doktor, kung saan mahigit sa 50 ang sertipikado ng board sa hospice at palliative treatment.

Pinamamahalaan nila ang pakikipag-ugnayan sa pangunahing doktor ng pangangalaga, pagbisita sa bahay, pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga, pagkonsulta ng dalubhasa, pagtutugma ng gamot, at palliative care ng pasyente.

Home Medical Equipment at mga Supply

Inihahatid ng VITAS ang ospital sa iyong mga pasyente sa pamamagitan ng mga home medical equipment at supply na 100% nasasaklawan ng Medicare Hospice Benefit, at hindi mula sa sariling bulsa ng iyong mga pasyente. Hindi kinakailangan ng VITAS ang O2 SATs para makapagbigay ng oxygen sa mga pasyente

Pinapanatili ng VITAS ang sarili nitong home medical equipment (HME) division*, at nagtatag ng mga ugnayan sa mga kapartner na HME sa komunidad, na nagbibigay-daan sa 24/7 na paghahatid para suportahan ang plano sa pangangalaga ng pasyenteng may malubhang lung disease o COPD.

Ang mga sumusunod na supply at kagamitan ay maipapadala sa iyong pasyente sa anumang piniling kinalalagyan ng pangangalaga:

  • Oxygen
  • Mga non-invasive na ventilation device
  • Mga nebulizer para sa pagpapadala ng aerosolized na medication
  • Hospital bed
  • Mga espesyalisadong mattress para maiwasan ang mga pressure sore
  • Mga ADL assist na device gaya ng mga walker at commode
  • Incontinence supplies
  • Mga supply sa pangangalaga ng sugat

Kung handa na ang iyong pasyente para sa hospice, naka-handang tumulong ang VITAS. I-refer na ngayon ang iyong pasyente sa VITAS at makikipag-ugnayan sa iyo ang isang espesyalista sa admission sa loob ng ilang minuto. Palagi kaming available.

*Maaaring partikular sa programa. Pakitingnan sa iyong programa.

Handa na ba ang pasyente para sa hospice care?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.