VITAS Advantage: Case Study tungkol sa High-Acuity na Pangangalaga para sa mga Doktor
Case Study: Pasyenteng may Malalang Sakit na Alzheimer
Si RK* ay isang 87 taong gulang na babaeng may malalang sakit na Alzheimer at dalawang beses nang na-ospital dahil sa pneumonia. Nakakaranas din siya ng pangangapos ng paghinga at aspiration pneumonia sa bahay, kung saan ang kanyang anak na babae ang kanyang pangunahing tagapag-alaga. Sa parehong araw na telehealth na pagpupulong, pinag-usapan ng doctor ni RK at ng anak niya ang mga advance na directive at layunin ng pangangalaga ng pasyente; at nagkasundo sila sa agarang pagpapasuri sa hospice ng VITAS.
Sa loob ng dalawang oras, nasuri si RK ng hospice admissions nurse at na-admit sa VITAS para sa hospice care sa bahay, alinsunod sa mga kahilingan ni RK na iwasan ang agresibong pangangalaga kapag malapit na sa katapusan ng buhay. Nagpadala ang VITAS ng isang hospital bed, pressure mattress, mga gamot/supply, at iba pang mga kagamitan na nauugnay sa diagnosis sa bahay noon ding araw na iyon.
Sa susunod na 3 linggo, tumanggap si RK ng mga regular na pagbisita mula sa isang hospice aide, respiratory therapist, at registered nurse par mapamahalaan ang kanyang mga sintomas at ma-adjust ng mga gamot. Pinamahalaan ng isang doctor ng hospice ang kanyang indibidwal na plano ng pangangalaga. May mga ilang beses na isinakatuparan ang mga pansamantalang shift ng VITAS Intensive Comfort Care® para matugunan ang mga paglala na may kasamang dehydration, delirium/pagkabalisa, kahirapang lumunok, at lagnat. May social worker at chaplain na linggo-linggong bumibisita upang makapagbigay ng sikolohiko't espiritwal na suporta sa anak na babae ni RK at nang matulungan siya sa pagluluksa bago ang kamatayan dahil sa patuloy na paghina ng kalagayan ng kanyang ina.
Sa ikaapat na linggo ng hospice care, tahimik na namayapa si RK sa bahay, sa piling ng kanyang anak na nasa tabi niya.
*Tinutukoy ng mga inisyal na ito ang isang hindi makikilalang pasyente at ginagamit lamang para sa mga layunin ng pagbibigay ng impormasyon.
Kabilang sa mga Kalimitang Nagaganap sa End-of-Life Care ay ang Lumilimit na Pagiging Komplikado ng mga Pangangailangan sa Pangangalaga at ang Pagtaas ng Dami ng Paggamit sa Hospice
Tampok ang mga kamakailang trend sa paraan ng pagkamatay ng mga Amerikano ang isang pagsusuri ng data sa epidemiology at mga pattern sa pangangalaga sa katapusan ng buhay ang nakalathala sa Health Affairs. Kasama sa mga pangunahing napag-alaman ang pagtaas ng multimorbidity sa mga Amerikano, na siyang nakakaapekto sa kanilang end-of-life care.
Ang multimorbidity, na kasabay sa mga limitasyon sa paggalaw, gaya ng pagiging mahina at cognitive na kapansanan, ay itinuturing na ngayong pangunahing tagapagpahiwatig sa pagiging komplikasyon ng end-of-life care ng pasyente-at isa nang karaniwang kahirapan para sa mga healthcare providers, ayon sa pananaliksik. Ang multimorbidity sa mga malapit nang mamatay na mga pasyente ay posibleng magresulta sa mga nagsasalungat na rekomendasyon sa paggamot, mas mataas na gastos, mas matinding problema sa mga pamilyang tagapag-alaga, at mas agresibong pangangalaga-gaya ng pagkaka-admit sa ospital at ICU, na puwedeng kasalungat sa mga layunin ng pangangalaga ng pasyente at pamilya.
BInigyang-diin ng mga may-akda na mahalaga para sa mga healthcare providers na matugunan at maisaalang-alang ang paggamot ng mga comorbid condition ng pasyente. Ayon sa kanila, ang pangangalagang nakatuon lang sa kinakailangan para sa pangunahing diagnosis ng pasyente sa katapusan ng buhay ay "hindi nakakatugon sa mga kinakailangang resource at pagkaeksperto ng mga healthcare providers at tagapag-alaga sa pag-aalaga sa kanila."
Ang isa pang pangunahing nagaganap na tinukoy ng team ng pananaliksik ay mas maraming mga Amerikano ang namamatay sa bahay o sa pasilidad ng inpatient na hospice, at mas kaunti ang namamatay sa ospital.
Ipinapakita ng pananaliksik na mas ninanais ng karamihan ng mga Amerikano na mamatay sa bahay at maiwasan ang intensive care sa katapusan ng buhay. "Ang mga paglipat sa ospital sa katapusan ng buhay ay maaaring humantong sa mga hindi nakatutulong na interbensyon, mga medikal na pagkakamali, mga pinsala, dumaraming kapansanan, paglubha ng paggalaw, at hindi magandang reakasyon para sa mga pasyente," pagtutukoy ng mga may-akda.
Tumaas ang paggamit sa hospice mula sa humigit-kumulang na 10% ng mga namatay sa mga dekada ng 1990s patungo sa humigit-kumulang na 50% noong 2014. Mula sa 1999 hanggang sa 2015:
- Bumaba ang proporsyon ng mga taong na namatay sa ospital mula sa mahigit na 50% patungo sa 30%.
- Tumaas ang porsyento ng namatay sa bahay mula sa wala pang 25% patungo sa 30%.
- Tumaas ang proporsyon ng namatay sa inpatient na pasilidad ng hospice mula sa 0% patungo sa 8%.
Bagama't mas marami nang mga Amerikano ang pumupunta sa hospice, iniulat ng mga may-akda na madalas ginagamit ang hospice bilang "pandagdag lamang," kapag malapit na ang araw ng pagkamatay, pagkatapos ng paggamit ng lahat ng iba pang serbisyo ng pangkalusugan na tinutukoy ng patindi nang patinding agresibong pangangalaga.
"Ang nagbabagong epidemiology na ito para doon sa mga nasa huling bahagi ng kanilang buhay ay nagbibigay ng mga bagong tungkulin sa Medicare hospice benefit para masiguro na mayroong mataas na kalidad na end-of-life care," ayon sa mga may-akda, na siyang humihimok din para sa mas malawakang kaalaman ukol sa mga komplikadong pangangailangan sa end-of-life care at mas maagang referral sa hospice ng mga pasyente, para makuha ng mga pasyente ang kumpletong pangangalaga na galing sa iba't ibang mga disiplina na naibibigay ng hospice.
Ang VITAS Advantage: Mga Mas Matataas na Antas ng Pangangalaga na Tumutugon sa Paglubha ng Sakit
Sinusuportahan ng VITAS ang mga doktor na ang mga pasyenteng kuwalipikado sa hospice ay nangangailangan ng mga mas mataas na antas ng pangangalaga para mapamahalaan ang paglubha at pagtindi ng sakit kapag medikal na kinakailangan. Ang Intensive Comfort Care® ay nagbibigay ng klinikal na suporta sa bahay ng pasyente sa mga shift ng pangangalaga ayon sa mga alituntunin ng Medicare. Ang isang maikling pananatili sa lugar para sa mga inpatient, na may staff na nakahandang 24/7/365, ay mayroon din kapag hindi kayang makontrol ang mga sintomas sa bahay.
Ang mga karagdagang antas ng pangangalaga na ito ay sumusuporta sa mga pasyente at doktor sa pamamagitan ng:
- Pagsiguro na ang natatanggap na end-of-life care ng mga pasyente ay iyong gusto nila
- Pagbawas ng mga hindi kinakailangan o hindi gustong interbensyon at agresibong pangangalaga para sa mga pasyente na gustong mamatay na may pangangalagang nakatuon sa kaginhawahan lamang sa bahay o sa saanmang kanilang gustong kinalalagyan
- Paghahatid ng mga komplikadong modality sa mga pasyenteng nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga sa kanilang gustong lugar na kinalalagyan, kasama ang mga gamot na nakatuon sa kaginhawahan, pamamahala ng pananakit at fluid, respiratory therapy, mga antibiotics, gamot sa puso, atbp.
- Pagbawas ng mga pag-admit/muling ma-admit sa ospital at ED at ng pagkamatay sa ospital
Pinagmulan: Aldridge, M. & Bradley, E. (2017) Epidemiology and Patterns of Care at the End of Life: Rising Complexity, Shifts in Care Patters and Sites of Death. Health Affairs, 38(9), 937-943. DOI: 10.1200/ JCO.18.02235