Nakahiga sa kama ang isang lalaki na may IV at oxygen mask

VITAS Advantage: Case Study tungkol sa 24/7/365 na Suporta sa Pangangalaga para sa mga Doktor

Ang mga Hospice Services ay 'Dapat Maging Higit pa sa mga Available na Resource ng Komunidad'

Natagpuan ng isang pag-aaral sa Australia noong 2020 na nagbibigay ang hospice care ng malinaw na mga benepisyo sa mga pasyenteng may cancer habang malapit na sila sa katapusan ng buhay, kabilang ang pinabuting kalidad ng buhay para sa mga pasyente at sa kanilang mga pamilya, pinahusay na pagkontrol ng sintomas, at higit pang panahon na bukod pa sa inpatient na pangangalaga.

Ayon sa kanila, ang mga hospice services ay dapat  maging "higit pa sa mga available na resource ng komunidad" para mapanatili ang mga pasyente sa kanilang mas ninanais na kinalalagyan ng pangangalaga at para masuportahan ang mga tagapag-alaga. Ayon sa mga napag-alaman sa pag-aaral, ang mga serbisyo na gaya ng 24/7/365 na availability para sa pangangasiwa ng sintomas at patuloy na edukasyong ng tagapag-alaga ay "mas malamang na maging mas klinikal na naaangkop at magdudulot ng mga mas kakaunting pagbisita sa ospital, mas maikling pananatili doon, at mas maikling panahon sa mga intensive care unit kapag nasa hospice."

Nag-uulat din ang mga tagapag-alaga ng mas mababang antas ng depresyon at pinahusay na kakayahang "makapagpatuloy sa buhay pagkatapos ng pagkamatay ng pasyente" kung nakatanggap sila ng benepisyo mula sa patuloy na suporta mula sa isang hospice team na binubuo ng iba't-ibang mga disiplina.

Sa pamamagitan ng mapag-suportang end-of-life care, napapanatili ang mga pasyente kung saan nila at ng kanilang provider ng hospice na ginugusto: sa bahay, habang napaliligiran ng kasanayan at kaginhawahan.

Nagbibigay ang VITAS ng 24/7/365 na klinikal na suporta sa dalawang partikular na pamamaraan:

  • Nagbibigay ang Telecare sa mga tagapag-alaga at healthcare providers ng 24/7/365 na access sa mga manggagamot ng VITAS na nakakapag-triage at nakakapag-pamahala ng mga sintomas sa pamamagitan ng telepono o nagpapadala ng manggagamot sa tabing-kama, kung kinakailangan, upang malutas ang mga krisis
  • Kabilang sa Intensive Comfort Care® ang continuous na paggagamot na ibinibigay ng mga nurse o aide sa tabing-kama nang hanggang sa 24 oras alinsunod sa mga alituntunin ng Medicare para mapamahalaan ang mga matitinding sintomas at pananakit.

Source: Currow, D., Agar, M., & Philllips, J. (2020). Role of Hospice Care at the End of Life for People with Cancer. Journal of Clinical Oncology, 38(9), 937-943. DOI: 10.1200/ JCO.18.02235

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.