Sinusuri ng isang doctor ang impormasyon sa tablet

VITAS Advantage: Case Study tungkol sa 24/7/365 na Suporta sa Pangangalaga para sa mga Ospital

Iniibsan ng Hospice ang Problema sa Sintomas Sa Pamamagitan ng 24/7/365 na Propesyonal na Pangangalaga

Sa isang pagsusuri ng mga pag-aaral tungkol sa end-of-life care para sa mga pasyenteng may cancer, inisa-isa ng mga may-akda ng ulat sa Journal of Clinical Oncology ang mga paraan kung paano natutulungan ng hospice ang mga pasyenteng may malubhang cancer at ang kanilang mga tagapag-alaga.

"Pinapahusay ng hospice care ang pagkontrol ng sintomas sa mga problemang madalas sa katapusan ng buhay," paliwanag ng mga mananaliksik. Ang paggamot ng sintomas para sa mga pasyenteng may malubhang cancer na malapit na sa katapusan ng buhay ay karaniwang may kaugnayan sa pagtugon ng isa o higit pang karaniwang sintomas, gaya ng:

  • Pangangapos ng Hininga
  • Pagkapagod
  • Pananakit
  • Deliryo

"Ang mabisang analgesia ay karaniwang ang priyoridad para sa mga pasyente at sa kanilang mga pamilya kaysa sa anumang iba pang sintomas," ayon sa kanila, habang idinaragdag ang katunayan na nagpapakita na nagbibigay ang hospice ng mabisang pain management sa mga pasyente, lalo na kapag 24/7/365 na available ang nasabing pangangalaga.

Ang pagdedeliryo, kasama ng mga pagbabago sa cognition, halusinasyon, at problema sa mga gawi sa pagtulog/paggising, ay puwedeng gamutin sa pamamagitan ng mahusay na nursing care, paggamot ng anumang mga magagamot na sanhi, wastong hydration at nutrisyon, at suporta para matulungang magabayan ang pasyente, ayon sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng mapag-suportang end-of-life care, napapanatili ang mga pasyente kung saan nila at ng kanilang provider ng hospice na ginugusto: sa bahay, habang napaliligiran ng kasanayan at kaginhawahan.

Mas malamang na magsasabi ang mga pasyente tungkol sa higit pang mga isyu kapag ang kanilang team sa pag-aalaga ay may kasamang isang grupo ng mga dalubhasa, gaya ng sitwasyon sa hospice multidisciplinary team approach, paliwanang ng mga may-akda. "[D]ahil sa karamihan ng mga pangangailangan ng pasyente sa katapusan ng buhay, mahalaga ang pagtutulungan ng mga ilang health professional para makamit ang posibleng pinakamahusay na mga resulta para sa pasyente."

Ang VITAS ay nagbibigay ng 24/7/365 na klinikal na suporta sa mga mahahalagang pamamaraan:

Pinagmulan: Currow, D., Agar, M., & Phillips, J. (2020). Role of Hospice Care at the End of Life for People with Cancer. Journal of Clinical Oncology, 38(9), 937-943. DOI: 10.1200/ JCO.18.02235

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.