Mga Patnubay sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice para sa End-Stage Renal Disease (ESRD)

I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.

Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage renal disease (ESRD).

Halos 80 porsyento ng Medicare na mga pasyente na nasa dialysis ay na-ospital sa 30 araw bago mamatay; doble ang dami ng mga araw na itinatagal nila sa ospital kung ikukumpara sa mga pasyente na namamatay dahil sa cancer.

Sa tulong ng VITAS, mas maraming mga tao ang nabibigyan ng pagkakataon na mamuhay at mamatay sa kaginhawahan ng bahay. Nakakatulong ang hospice na mabawasan ang pag-o-ospital, mabawasan ang pananakit at mga sintomas, at mapabuti ang kalidad ng buhay. 

Ang plan of care ng hospice para sa sakit sa bato 

Pinagbibigyan-tuon ng plan of care ng hospice para sa end-stage renal disease (ESRD) ang pisikal at sikolohikal na estado ng kalusugan ng pasyente at nagtatangkang mapamahalaan ang malaking saklaw ng iba't-ibang mga sintomas ng kidney failure, kabilang ang:

  • Pananakit
  • Pagkapagod
  • Walang ganang kumain
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pangangati
  • Kahirapan sa paghinga
  • Kahirapang makatulog
  • Pagkabalisa
  • Depresyon

Ang pagtigil ng dialysis, o kaya ang paggawa ng desisyon na laktawan ito nang lahat-lahatan, ay kalimitang isang karanasan na mahirap sa emosyon. Naghahandog ang hospice ng emosyonal at espirituwal na suporta para sa mga pasyente at sa kanilang mga minamahal.

Ang pag-alam kung kailan handa na para sa hospice care ang isang pasyente na may ESRD

Kapag ang isang pasyente ay na-diagnose na mayroong ESRD, ang tanong ng nephrologist o ng namamahalang doktor ay, "Ano ang layunin ng pangangalaga?" Ang layunin ay makapagbigay ng rehabilitative na dialysis upang mapanatili o mapabuti ang kakayahan na makakilos, o kaya upang makapagbigay ng palliative care.

Ang mga pasyente na may ESRD ay nagiging mas malimit na inilalarawan bilang mga tao na mas matatanda ang edad at mayroong maraming magkakasabay na malalang mga karamdaman, at ang dami ng pagkakamatay ay walong beses na mas mataas kung ikukumpara sa pangkalahatang Medicare na populasyon. Ang mga pasyente ng dialysis ay naaangkop para sa palliative care dahil sa mataas na dami sa kanila ay namamatay at dahil sa mataas na dami ng mga sintomas na kanilang pinagdurusahan.

Maraming mga pasyente at pamilya ang pumipili na huwag magsimula o mag-withdraw sa dialysis para sa maraming kadahilanan, lalo na sa mga pasyente na mas matanda kaysa sa 60 taon Ang mga advance na directive at mga resuscitation na directive ay mahalaga upang masiguro na mapagmahal at direktado sa layunin ang palliative care ng mga pasyente na may ESRD.1 Ang paggawa ng mga desisyon na ito ay kalimitang isang karanasan na mahirap sa emosyon. Naghahandog ang hospice ng emosyonal at espirituwal na suporta para sa mga pasyente at sa kanilang mga minamahal.

Mga karaniwang tagapaghiwatig ng end-stage renal disease:

  • Uremia
    • Pagkalito, hindi lubos na alerto
    • Mahirap na ma-kontrol na pagduduwal at pagsusuka
    • Pangkalahatang pangangati
    • Pagkabalisa, "hindi mapakali ang mga binti"
  • Oliguria: dami ng ihing lumabas ay <400 cc/24 oras
  • Intractable hyperkalemia: patuloy na serum potassium >7.0
  • Uremic pericarditis
  • Hepatorenal syndrome
  • Hindi ma-kontrol na sobrang likido

Iba pang mga tagapagpahiwatig at mga sintomas:

  • Tinatanggihan ng pasyente ang dialysis o itinitigil ang dialysis
  • 25%-30% ng mga pasyente na nasa dialysis na humihina ang kalagayan kasama ng iba pang maraming malalang mga karamdaman, tulad ng mga cancer, end-stage na heart disease, end-stage na lung disease
  • Pagbaba ng timbang
  • Paghina ng kakayahang kumilos
  • Paghina ng kakayahang mag-isip
  • Hindi na nakikipagsalamuha sa ibang tao
  • Kirot o sakit na hindi makontrol
  • Malimit na pagduduwal
  • Lumalaganap ang panghihina
  • Orthostatic hypotension
  • Dehydration
  • Lumiliit na dami ng kalamnan
  • Mahinang paggana ng immune system
  • Pagtaas ng dami ng mga impeksyon
  • Ang pagbaba ng dami ng sympathetic response sa mga stressor

Mga resulta sa laboratoryo:

  • Creatine clearance na <10cc/min (<15 cc/min para sa mga diabetic)

AT

  • Serum creatine >8.0 mg/dL (>6.0 mg/dL para sa mga diabetic)

Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.

Sanggunian:

  1. Werb R. "Palliative Care in the Treatment of End-Stage Renal Failure." Primary Care. 38(2):299-309. 

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.