Mga Alituntunin sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice para sa Mga Neurological Disease
I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.
Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may mga end-stage na neurological disease.
Kailan magiging handa para sa hospice care ang iyong pasyente na may neurological disease?
Ang mga neurological disease gaya ng coma, stroke, Parkinson's disease, at multiple sclerosis ay mga kundisyong nakakapagpabago ng buhay na maaaring humantong sa permanenteng panghihina ng nervous system.
Ang mga pasyenteng may mga neurological disease ay maaaring karapat-dapat para sa hospice kapag nararanasan nila ang mga sumusunod na senyales o sintomas:
- Matinding kahirapan sa paghinga, na kapansin-pansin sa pamamagitan ng kawalan ng kakayahang maalis ang mga respiratory secretion, hindi nawawalang ubo, o pabalik-balik na aspiration pneumonia
- Tumitinding pangangapos ng paghinga, kahit walang ginagawa o may nakakabit na oxygen
- Kawalan ng kakayahang lumunok ng likido o malambot na pagkain nang hindi nabubulunan o nauubo; paghantong sa pangunahing puree na diyeta
- Pamamalagi sa karamihan ng pagkakataon sa isang kwarto, upuan, o kama
- Halos hindi maunawaang pagsasalita
- Patuloy na pagbaba ng timbang
- Kawalan ng kakayahang mapamahalaan ang karamihan ng mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay
Bukod pa rito, nagiging karapat-dapat sa hospice ang mga pasyenteng may mga neurological disease kapag nakakaranas sila ng patuloy na pagbaba ng antas ng klinikal o functional na katayuan sa paglipas ng panahon, na humahantong sa hindi magandang prognosis.
Kasama sa mga intercurrent illness na nauugnay sa neurological disease ang mga sumusunod:
- Pulmonya
- Sepsis
- Upper urinary tract infection o iba pang impeksyon, kahit na mayroong antibiotic therapy
- Hindi normal/kawalan ng pagtugon mula sa utak, pagtugon sa pamamagitan ng pagsasalita, o withdrawal na pagtugon sa sakit
Sa pangkalahatan, ang mga pasyenteng karapat-dapat para sa hospice ay ipinapalagay may prognosis na anim na buwan o mas mababa pa kung magpapatuloy sa normal na daloy ang sakit. Kapag hindi na posibleng magkaroon ng pagbuti, o kapag nakapagpasya nang huwag ipagpatuloy ang paggamit ng feeding tube o ventilator/suporta sa paghinga, dapat isaalang-alang ang hospice care.
Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.
Sanggunian:
- National Hospice and Palliative Care Organization. (2018). NHPCO Facts and Figures: 2018 Edition.Nakuha sa: https://www.nhpco.org/wp-content/uploads/2019/07/2018_NHPCO_Facts_Figures.pdf
- Parkinson's Foundation. (2019). Understanding Parkinson's - Statistics. Nakuha sa: https://www.parkinson.org/Understanding-Parkinsons/Statistics
- National Multiple Sclerosis Society. (2019). MS FAQs. Nakuha sa: https://www.nationalmssociety.org/What-is-MS/MS-FAQ-s
- Temel, et a. (2010). Early palliative care for patients with metastatic non-small-cell lung cancer. New England Journal of Medicine, 363(8), 733-742.