Mga Panuntunan ng Pagiging Karapat-dapat ng Hospice para sa Walang Lunas na Liver Disease
I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.
Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage na liver disease.
Ang "Liver Disease" ay sumasaklaw sa maraming sakit at karamdaman na nagiging sanhi ng hindi paggana ng wasto ng atay o pagtigil nito sa paggana. Ang sakit sa tiyan, paninilaw ng balat o mata, o hindi normal na mga resulta ng mga test sa atay ay nagpapahiwatig ng Liver Disease.
Ang End-stage na Liver Disease (ESLD) ay isang kalagayang hindi na bubuti na humahantong sa napipintong ganap na pagpalya ng atay. Ang pag-abuso sa alkohol ay isang pangunahing sanhi ng ESLD sa Estados Unidos at karamihan sa mga bansa sa Kanluran. Ang Cirrhosis, viral hepatitis, sakit na namamana, cancer sa atay, autoimmune disorder, labis na katabaan, at mga toxin at gamot ay maaaring maging mga kadahilanan ng ESLD at pagpalya ng atay.
Kung wala ang liver transplant, ang mga pasyente na may sakit na End-stage Liver Disease ay hindi na tatagal pa ang buhay. Sila at ang kanilang mga tagapag-alaga ay nahaharap sa malalaking pisikal at psychosocial na hamon.
Kailan Maaaring Karapat-dapat sa Hospice Services ang mga Pasyente mong may Liver Disease?
Maaaring gumamit ang mga doktor ng mga klinikal na panuntunan upang malaman kung sino sa mga pasyente ang nasa huling anim na buwan ng liver disease. Pagdating sa end-of-life care, ang mga pasyente ay nararapat na pisyolohikal at sikolohikal na handa na sa hospice.
Sa pangkalahatan, nangangahulugang ang mga pasyenteng may liver disease ay nararapat sa Hospice Care kung, sa kabila ng sapat na pangangasiwa ng medikal, hindi matanggal na sintomas ng malubhang sakit sa atay, tulad ng ascites, hepatic encephalopathy o paulit-ulit na pagdurugo ng varicella, at tumutugon sa marami sa mga sumusunod na panuntunan:
- Maraming beses nang na-confine sa ospital, bumisita sa ED o dagdag na paggamit ng iba pang serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan
- Sunud-sunod na pagsusuri ng doctor, laboratoryo o pag-aaral ng sakit naaalinsunod sa paglala ng sakit
- Marami pang aktibong malubhang sakit
Hirap sa Pagkilos:
- Pagkawala ng pagkilos na walang tulong
- Pagbaba ng timbang o/at pagkawala ng ganang kumain
- Hindi makapagtrabaho
- Nakaupo o nakahiga lang madalas
- Naguguluhan, humihina ang kakayahang mag-isip
Mga sintomas na lumalala na hindi natutugunan ng medikal na pangangasiwa, o dahil sa hindi pagsunod ng pasyente, kabilang ang:
- Ascites, hindi pag-iwas sa sodium at diuretics, lalo na kung may kasamang likas na peritonitis na bakterya
- Hepatic encephalopathy na hindi tumutugon sa limitasyon sa protina at medikal na pangangasiwa
- Ang paulit-ulit na pagdurugo sa varicella sa kabila ng mga therapeutic intervention
- Hepatorenal syndrome
Mga tagapagpahiwatig sa laboratoryo:
- Ang protime ay mas mahaba ng limang segundo kaysa control o INR > 1.5
- Serum albumin ≤ 2.5 g/dL
Iba pang mga kadahilanan:
- Ang pasyente ng transplant ay hindi nagtagumpay sa transplant at ang pasyente ay hindi karapat-dapat para sa o tumanggi sa isa pang transplant
- Lumalalang malnutrisyon
- Lumiliit na muscle na may pinahinang lakas at tibay
- Patuloy na pag-inom ng alak (>80g ethanol bawat araw)
- Positibo sa HBsAg
Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.
Sanggunian:
Wright JB, Kinzbrunner BM: "Predicting Prognosis:How to Decide when End-of-life care Is Needed." Chapter 1 in Kinzbrunner BM, Policzer J:End-of-life care: A Practical Guide. New York: McGraw Hill, 2011. Print.