Mga Panuntunan sa Hospice para sa End-Stage na HIV at AIDS

I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.

Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage na HIV at AIDS.

Ang pag-unlad ng bagong antiretroviral na mga ahente at ang kakayahan na mas mabuting mapamahalaan ang mapagsamantalang impeksyon ay ang dahilan kung bakit nagbago ang AIDS mula sa isang nakamamatay na karamdaman papunta sa isang malubhang karamdaman. Mas marami nang mga pasyente ang namumuhay na may HIV/AIDS. Kahit ang mga pasyente na nagpapakita ng mababang dami ng CD4 at mataas na viral load na siyang hindi kailanman nagamot ng antiviral therapy ay kinakailangang suriin ng isang espesyalista sa HIV sa halip na i-refer sa isang hospice. Maaaring mabago ng kurso ng paggagamot ang pagsulong ng karamdaman.

Ang mga pasyente na nasa End-stage na HIV/AIDS ay, sa pangkalahatan, mas bata kung ikukumpara sa karaniwang pasyente ng hospice ngunit sa kalimitan ay may mga sakit na nakikita sa mas matatandang mga pasyente na walang HIV; sinasabi na sila ay "tumatanda nang maaga." Ang pagkakaroon ng dalawang malalang sakit na itinalaga bilang karamdamang walang lunas ay maaaring anal o cervical cancer, lymphoma, advanced coronary disease, atbp. Ngunit ang alinman sa pangmatagalang HIV o isang side effect ng antiretroviral na gamot ay nailagay ang pasyente sa isang mas mataas na panganib na magkaroon ng karamdamang walang lunas.

Ano mga panuntunan sa pagiging karapat-dapat sa Hospice para sa mga pasyente na mayroong End-Stage na HIV/AIDS?

Ang mga pasyente ay itinuturing na nasa pagtatapos na yugto na ng kanilang karamdaman (ang life expectancy ay anim na buwan o kulang pa) kung nakakamit nila ang mga sumusunod (1 at 2 ay kinakailangang dapat mayroon; ang mga factor mula sa 3 ay magdaragdag ng pansuportang dokumentasyon):

1. CD4+ count <25 cells/mm3 o patuloy na viral load na >100,000 copies/ml, at isa pa sa mga sumusunod:

  • CNS lymphoma
  • Hindi nagamot o hindi tumutugon sa paggagamot; lubos na namamayat (kawalan ng 33% ng lean body mass)
  • Mycobacterium avium complex (MAC) bacteremia, hindi nagamot, hindi tumutugon sa paggagamot o tinanggihan ang paggagamot
  • Lumalalang multifocal leukoencephalopathy
  • Systemic lymphoma na mayroong advanced HIV na sakit at bahagyang tumugon sa chemotherapy
  • Ang Visceral Kaposi's sarcoma ay hindi tumutugon sa therapy
  • Ang pagpalya ng bato kapag walang dialysis
  • Cryptosporidium na impeksyon
  • Ang Toxoplasmosis ay hindi tumutugon sa therapy
  • Cytomegalovirus (CMV) na impeksyon

2. Mas mababang katayuan ng pagganap ng <50 base sa pagsukat ng Karnofsky Performance Status (KPS) na scale

3. Sinusuportahan ng dokumentasyon ang sumusunod na mga kadahilanan ng Pagiging karapat-dapat sa hospice care:

  • Isang taon na malubhang patuloy na diarrhea
  • Patuloy na serum albumin <2.5
  • Kasabay, aktibong substance abuse
  • Edad >50 taon
  • Kawalan ng antiretroviral, chemotherapeutic at prophylactic na drug therapy na may partikular na kaugnayan sa HIV na sakit
  • Advanced AIDS dementia complex
  • Toxoplasmosis
  • Congestive heart failure, may sintomas kapag namamahinga

May ilang mga pasyente na hindi katugma sa mga panuntunan sa itaas ngunit maaari pa ring karapat-dapat para sa hospice care dahil sa iba pang mga comorbidities o mabilis na pagbagsak ng kanilang kalagayan. Ang pagsakop sa mga pasyenteng ito ay maaaring aprubahan sa isang indibidwal na pagsasaalang-alang na batayan.

Ang sanhi ng kamatayan ng mga pasyente na may HIV na impeksyon sa kapanahunan ng HAART ay nagiging mas lalong malamang na isang malalang medical condition tulad ng malubhang sakit sa atay o ang pagkakaroon ng cancer, na may kasabay na pagbaba sa kahalagahan ng mga tradisyonal na mapagsamantalang mga impeksyon (OIs - opportunistic infections).

Sa mga pasyente na nasa panghuling yugto ng HIV na impeksyon na nasa isang HIV na palliative care na programa, ang sumusunod na tatlong katangian ay mas nakapagbibigay ng pagtataya ng pagkamatay kung ikukumpara sa mga tradisyonal na pabago-bagong HIV na prognosis:

  • Mas mababang katayuan ng pagganap ng base sa pagsukat ng Karnovsky Performance Status scale
  • Kahirapan sa mga gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay (activities of daily living - ADLs)
  • Edad >65

Comorbid na mga medical condition at mga kadahilanang may kaugnayan sa pinaiksing life expectancy:

  • Hepatitis B
  • Hepatitis C
  • Tumatanda na ang edad
  • Kasaysayan ng paninigarilyo
  • End-stage na pagpalya ng organ
  • Diyabetis
  • Mga cancer na walang kaugnayan sa AIDS (tulad ng cancer sa baga, Hodgkin's lymphoma)
  • Paggamit ng drugs sa pamamagitan ng IV
  • Heart disease
  • Patuloy na mababang CD4 (<25 cells/mm3)
  • Mataas ang viral load kahit na may combination therapy
  • Pagpalya ng optimized therapy at walang epekto o pagpalya ng maraming mga gamot
  • Ang pagnanais na tanggihan ang anumang karagdagang therapy
  • Lubos-lubusang pamamayat
  • Progressive multifocal leukoencephalopathy (PML)
  • Hindi tumutugon na Kaposi's sarcoma na may kaugnayang organ
  • End-stage ng sakit sa organ
  • Patuloy na diarrhea >1 taon
  • Nais nang mamatay ng pasyente

Diagnostic na mga pag-aaral:

Sa panahon na bago sumapit ang HAART, ang CD4 na dami ng mga cell <25 cells/mm3 at ang HIV viral load na mas mataas sa 100,000 copies/ml ay may kaugnayan sa mas mataas na dami ng mga namamatay. Sa panahon na pagkalipas ng pagsapit ng HAART, ang porporsyon ng mga namatay na naiuugnay sa mga hindi AIDS na sakit ay tumaas.

Ang mga pasyente na namamatay dahil sa mga sanhi na hindi dulot ng AIDS ay naipakita na mayroong mas mataas na CD4 na dami ng mga cell at mas matagal na panahong ginugol sa pagtanggap ng HAART.

Mahalagang siguraduhin na ang mga pasyente na may HIV na impeksyon ay mabigyan ng pagkakataon na makita ng isang espesyalista sa HIV at alukin ng mga antiretroviral na gamot.

Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.

Mga Sanggunian

Crum NF, Riffernburgh RH, Wegner S, et al. Comparisons of causes of death and mortality rates among HIV-infected persons: analysis of the pre-, early and late

HAART (highly active antiretroviral therapy) eras. J Acquire Immune Defic Syndr. 2006; 41: 194-200.

DenOuden, Paul. AAHIVM Fundamentals of HIV Medicine. 2007 edition. AAHIVM. USA; 2007: 335-346.

Moore J, et al. Severe adverse life events and depressive symptoms among women with, or at risk for, HIV infection in four cities in the United States of America.

AIDS 13:2459-68, 1999.

National Hospice Organization. Standards and accreditation Committee: Medical Guidelines Task Force. Medical Guidelines for Determining Prognosis in Selected

Non-Cancer Diseases. Arlington, VA: National Hospice Organization, 1996.

Palella FJ Jr, Baker RK, Moorman AC, Chmiel J, Wook K, Homberg SD; HIV outpatient study investigators. Mortality in the highly active antiretroviral therapy era: changing causes of death and disease in the HIV outpatient study. J Acquir Immune Defic Syndr. 2007 Mar 1; 44(3): 364.

Sansone GR, Frengley JD. Impact of HAART on causes of death or persons with late-stage AIDS. J Urban Health. 2000;77:166-175.

Shen JM, Blank A, Selwyn PA. Predictors of mortality for patients with advanced disease in an HIV palliative care program. J Acquir Immune Defic Syndr. 2005 Dec 1; 40(4): 445-7.

Welsh K, Morse A, and the Adult Spectrum of Disease Project in New Orleans. The clinical profile of end-stage AIDS in the era of highly active antiretroviral therapy.

AIDS Patient CARE STDS. 2002; 16:75-81.

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.