Hospice, Napakalaki ng Pagbabagong Dala para sa mga Pasyente ng Breast Cancer at Pamilya Nila

Paano Nakatulong ang VITAS

"Noong unang beses kong alagaan ang aking ina, hindi ko alam kung ano ang kinakailangan niya. Hindi ko alam ang gagawin," ayon kay Marneice Wells. "Malamang na hindi ko ito nagawa kung wala ang tulong ng hospice."

Ang ina ni Marneice na si Geraldine Wells ay na-diagnose na may breast cancer noong 2002. Pagkatapos ng mastectomy, sumailalim siya sa radiation at chemotherapy. Bumalik ang cancer noong 2011 at pagdating ng 2015, kumalat ito sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Na-admit si Geraldine sa hospice.

Para kay Marneice, nakakapagod ang pagiging full-time na tagapag-alaga sa kanyang ina habang nagtatrabaho rin nang full time. Umasa siya sa hospice team ng VITAS Healthcare"…hanggang sa pinakamaliit na bagay."

"Nagbigay-daan ang team sa pagtulong sa akin. Sa pagkuha man ng gamot ng aking ina o sa pagsuporta sa akin kapag kailangan ko ng kausap, may umaagapay sa akin 24 oras sa isang araw at tumatawag sa akin kaagad," paliwanag ni Marneice.

Kapag hindi natutulungan ng team si Marneice sa direktang pangangalaga sa pasyente, kasama ang mga gamot sa pananakit, pangangasiwa ng sintomas, oxygen at medikal na kagamitan, idinidirekta nila si Marneice sa mga karagdagang resource, tulad ng Medicaid, iba pang pinansyal na tulong at sa taong makakatulong sa pangangalaga para sa kanyang ina habang nasa trabaho si Marneice.

Isang Napakagaling na Hospice Team

Habang tumitindi ang cancer, tumutulong ang team na pakalmahin ang hindi mapalagay na si Geraldine sa pamamagitan ng lavender scented na aromatherapy. Noong pinahina ng cancer ang kanyang mga kalamnan sa mukha at hindi na makakain ng solid food si Geraldine, tiniyak ng dietician ng team na natatanggap niya ang nutrisyong kinakailangan niya. Noong pinili ni Marneice ang euthanasia para kanyang ina, ginawa itong posible ng team gamit ang portable oxygen pump.

"Minahal ng aking ina ang kanyang team," ayon kay Marneice. "At hindi ko alam ang akinig gagawin kung wala sila. Kung mayroon akong mga tanong o alalahanin, kung kailangan ko ng moral na suporta, tinatawagan ko muna si Charlie (Charlotte Collins, manager ng team)."

Namatay si Geraldine Wells noong Setyembre 9, 2016. Sa kanyang obituary, tiniyak ni Marneice na mababanggit ang VITAS Team #137. Ngayon, nakakatanggap pa rin si Marneice ng tulong mula sa team, sa pamamagitan ng bereavement specialist na nag-aalok sa kanya ng suporta sa kanyang pangungulila.

Noong tinanong siya kung ano ang sasabihin sa taong nasa parehong posisyon, sabi ni Marniece, "Inirerekomenda ko ang hospice. Irerekomenda ko ang VITAS. Sa kanilang tulong, alam kong nagawa ko ang lahat para sa aking ina."

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.