Paraan Upang Maiwasan ng mga Tagapag-alaga ang Sakit sa Puso

Heart disease ang nangungunang dahilan ng pagkamatay sa mga babae, na mas malaki pa sa bilang ng namamatay dahil sa lahat ng uri ng cancer. Ito ang dahilan kung bakit nakipagtulungan ang VITAS Healthcare sa American Heart Association para magtaguyod ng kaalaman tungkol sa heart disease nang sa gayon ay mabuhay nang mas malusog at mas matagal ang mga tagapag-alaga.

Bilang isang tagapag-alaga, ginagamit mo ang karamihan ng iyong panahon upang mapangalagaan ang mga nakapalibot sa iyo, at madaling mapabayaan ang kalusugan ng iyong puso. Kapag nakokompromiso mo ang iyong kalusugan, nakokompromiso mo rin ang pag-aalagang ibinibigay mo sa mga nakapaligid sa iyo.

Magsimula sa pamamagitan ng Pagkontrol

Ang kaalaman ay kapangyarihan, at unang hakbang sa pag-unawa ng iyong kasaysayan ng inyong pamilya sa heart disease ay ang pa-unawa sa iyong mga peligro. 

Malaki ang ginagampanang papel ng paraan ng pamumuhay sa heart disease prevention. Tiyaking napapamahalaan mo ang tindi ng iyong stress, nagkakaroon ka ng mas mahusay na gawi sa pagkain, at nakakapag-ehersisyo ka nang 20 minuto kada araw. 

Hindi ka nag-iisa sa iyong paglalakbay tungo sa kalusugan ng puso. Ang American Heart Association ang iyong resource para sa kalusugan ng puso

Infographic sa Kalusugan ng Puso mula sa VITAS

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.