Pinagagaan ng Hospice ang mga Sintomas ng mga Pasyente na may End-Stage o Lubhang Malala nang COPD
Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) ang pangkalahatang pangalan para sa pinaka-karaniwang uri ng karamdaman sa paghinga na hindi cancer. Maaaring makatulong na mapaginhawa ng hospice care ang mga sintomas na may kaugnayan sa mga kundisyon na ito, kabilang ang malubhang bronchitis, emphysema, malubhang asthma, bronchiectasis, pulmonary fibrosis, cystic fibrosis at end-stage na tuberculosis.
Makakatulong ang Hospice
Kung ikaw ay tagapag-alaga para sa isang tao na may lung disease, maaaring nag-iisip ka kung papaano makakatulong ang hospice. Ang pagtanggap ng tulong mula sa isang hospice provider ay nangangahulugan na ang iyong minamahal ay hindi na tatanggap ng mga paggagamot na kung saan may mga instrumentong ipinapasok sa loob ng katawan o kaya mga paggagamot na nakapagliligtas ng buhay. Sa halip, itutuon ang pangangalaga sa pagpapaginhawa ng mga sintomas na may kaugnayan sa end-stage na COPD, tulad ng dyspnea (pangangapos ng paghinga) at ang pagkabalisa na idinudulot nito. Sa karaniwan, kabilang dito ang kombinasyon ng mga gamot, natatanging kagamitan at mga therapy sa paghinga.
Medikal na Kagamitan
Ihahanda ng iyong hospice care provider ang lahat ng mga kagamitan na kakailanganin ng iyong minamahal upang makahinga nang mas mabuti, tulad ng CPAP na unit, oxygen concentrator, mga cylinder at mga canulas para sa ilong. Ang kagamitan na ito ay hindi lamang makatutulong sa iyong minamahal na makahinga, ngunit mapapanatili rin nito na maayos na mabigyan ng oxygen ang kanyang dugo.
Hospice sa Bahay
Maaaring mabigyan ng hospice ang mga pasyente na may COPD kahit saan man nakatira ang iyong mahal sa buhay, kahit man ito ay sa isang nursing home, assisted living facility o pribadong bahay. Ang ilan sa mga hospice provider ay naghahandog ng 24-oras na pagtugon sa mga emergency sa paghinga kailanman mangyari ang mga ito. Maaari ka ring makipag-tulungan sa iyong hospice provider upang makagawa ng isang plano bago magka-emergency na alinsunod sa kagustuhan ng iyong minamahal. Ang pinakamahalagang layunin ay upang mapanatiling kumportable ang mga pasyente na may COPD at mabigyan sila ng pagkakataon na kumportableng mamuhay at mamatay nang may karangalan sa anumang pamamaraan na kanilang pinili.