Ano ang Pangwakas na Pagkabalisa?

Ang pangwakas na pagkabalisa ay isang sintomas na nararanasan ng maraming pasyente sa katapusan ng buhay. Karaniwan itong nagpapakita bilang kawalan ng kakayahang magpahinga/mag-relax, emosyonal na pagkabalisa, at/o lumalalang pagkalito. Ang matinding pagkabalisa ay minsang tinutukoy bilang agitation.

Ang pagkilala at pagtugon sa pangwakas na pagkabalisa ay makakatulong na matiyak na ang mga huling sandali ng pasyente ay mapayapa at comfortable hangga't maaari. Nagbibigay din ito sa mga tagapag-alaga ng mga instrumento upang makatulong na pamahalaan itong potensyal na nakababahalang sintomas.

Ano ang Nagdudulot ng Pangwakas na Pagkabalisa?

Ang mga nag-aambag sa pangwakas na pagkabalisa ay hindi palaging matutukoy. Ang ilang mga kilalang dahilan ay kinabibilangan ng:

  • Sakit o kakulangan sa ginhawa
  • Pangangapos ng paghinga
  • Lagnat
  • Batayang impeksyon
  • Mga side effect ng gamot (lalo na ang anticholinergics)
  • Hirap dumumi
  • Kawalan ng kakayahang umihi
  • Hindi natutugunang mga pisikal na pangangailangan (gutom, uhaw, pagiging marumi​​​​​​​)
  • Labis o hindi sapat na sigla
  • Emosyonal o espirituwal na pagkabahala​​​​​​​
  • Mga likas na pagbabago habang nagsa-shutdown ang mga sistema ng katawan

Mga Senyales na Dapat Hanapin ng mga Tagapag-alaga

Ang mga senyales ng pangwakas na pagkabalisa ay maaaring kabilangan ng:

  • Pagkalito o disorientasyon
  • Kawalan ng kakayahang matahimik
  • Hindi mapakali, pag-uga, pamimilipit, o iba pang paulit-ulit na paggalaw
  • Hirap sa pagtulog o kawalan ng kakayahang matulog
  • Mga hindi karaniwang pag-uugali, tulad ng kawalang-galang
  • Paghugot o paghila sa mga kumot ng kama o sinusubukang bumangon sa kama
  • Umiiyak, sumisigaw, o umuungol na hindi alam ang dahilan
  • Mga ekspresyon ng kawalan ng ginhawa, gaya ng pagngiwi o mukhang nagulat/naalarma

Kung Anong Gagawin ng Hospice Team

Ang mga hospice team ay sinanay na kilalanin ang mga maagang senyales at magbigay ng comfort sa pamamagitan ng gamot, pagsasaayos sa kapaligiran, at emotional support. Maaaring tasahin ng hospice team ang mga sintomas ng pasyente upang matukoy kung mayroong pinagbabatayan na sanhi ng pagkabalisa.

Maaaring kabilang dito ang pagsusuri sa mga antas ng pananakit, epekto ng medikasyon, o hindi natutugunan na mga pangangailangan.

Kung Ano ang Magagawa ng Mga Tagapag-alaga

1. Lumikha ng Kalmadong Kapaligiran

  • Subukang panatilihin ang isang inaasahan, pamilyar na gawain.
  • Bawasan ang liwanag ng mga ilaw upang mabawasan ang labis na sigla (panatilihin ang medyo madilim na ilaw sa gabi).
  • Bawasan ang ingay (hal., patayin ang TV, pahinain ang boses).
  • Magpatugtog ng mahinahon, nakakapawi na musika o malumanay na ingay.
  • Alisin ang mga hindi kinakailangang pagkagambala o kalat sa silid.
  • Palibutan ang pasyente ng pamilyar at nakakaaliw na mga bagay (hal., mga larawan, kumot).
  • Limitahan ang bilang ng mga bisita at tagal ng mga pagbisita.

2. Tugunan ang Pisikal na Comfort

  • Magbigay ng mga gamot ayon sa itinuro.
  • Tukuyin kung ang pasyente ay may sakit/kakulangan sa ginhawa, nilalagnat, o nahihirapang huminga.
  • Ayusin ang mga unan o muling iposisyon ang pasyente para sa comfort.
  • Siguraduhing malinis at hindi basa ang pasyente (hal., magpalit ng punda o damit kung kinakailangan).
  • ​​​​​​​Mag-alok ng maliliit na higop ng tubig o ice chips kung naaangkop.

3. Magbigay ng Emosyonal na Katiyakan

  • Magsalita sa mahinahon at magandang tono.
  • Gumamit ng simple at nakakapanatag na mga parirala tulad ng, "Ikaw ay ligtas, nandito ako sa tabi mo."
  • Pagtibayin ang damdamin ng pasyente; iwasan ang pagtatalo o pag-aayos ng kalituhan.

4.Gumamit ng Mga Teknik sa Pagpapakalma

  • Gabayan ang pasyente na kung maaari ay huminga nang mabagal at malalim.
  • Gumamit ng aromatherapy na may mga nakakakalmang amoy kung ang pasyente ay hindi sensitibo sa mga amoy.
  • Magbasa ng mga paboritong kuwento, panalangin, o kumanta/humimig ng mga pamilyar na kanta.
  • Gumamit ng malamig na tela sa noo o banayad na masahe upang mabawasan ang tensyon kung sila ay makikinig.
  • Dahan-dahang haplusin ang kanilang mga kamay o noo upang magbigay ng comfort.

5. Makipag-ugnayan sa Team ng Hospice

Kung ang iyong mahal sa buhay ay isang pasyente ng VITAS, agad na makipag-ugnayan sa amin kung:

  • Ang iyong minamahal ay nagiging pisikal na agresibo o nanlalaban.
  • Hindi ka makapagbigay ng mga iniresetang gamot.
  • May napansin kang bago o biglaang pagbabago sa mga sintomas o kalagayan ng pasyente.
  • Maaari ka ring makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang karaniwang kahilingan, kabilang ang:
  • Gusto mong humiling ng pagbisita sa sinumang miyembro ng hospice team.
  • Nahihirapan ka at kailangan mo ng kausap.
  • Gusto mong talakayin ang mga komplementaryong therapy, tulad ng musika o masahe.

Mga Bagay na Madalas Itanong

Ano ang pangwakas na pagkabalisa?

Ang pangwakas na pagkabalisa ay isang sintomas na nararanasan ng maraming pasyente sa katapusan ng buhay. Karaniwan itong nagpapakita bilang kawalan ng kakayahang magpahinga/mag-relax, emosyonal na pagkabalisa, at/o lumalalang pagkalito. Ang matinding pagkabalisa ay minsang tinutukoy bilang agitation.

Anong dapat kong gawin kung ang pasyente ay hindi mapakali sa gabi?

Subukang lumikha ng kalmado, tahimik na kapaligiran at makipag-ugnayan sa hospice team kung magpapatuloy ang agitation.

Maaari bang maiwasan ang pangwakas na pagkabalisa?

Bagama't maaaring hindi ito palaging maiiwasan, ang maagap na pangangalaga at isang kalmadong kapaligiran ay maaaring makatulong na mabawasan ang kalubhaan nito.

Gaano katagal ang pangwakas na pagkabalisa?

Karaniwang nangyayari ang terminal na pagkabalisa sa mga huling araw hanggang sa mga huling oras ng buhay, kahit na natatangi ang bawat pasyente. Sa ilang bihirang kaso, maaari itong lumitaw sa linggo bago ang kamatayan at maaaring magpatuloy nang paulit-ulit.

Normal na magtaka at mag-alala sa kung ano ang mangyayari habang ang kalagayan ng mahal mo sa buhay ay umuusad at malapit na sa katapusan ng buhay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.