Mga Support Group sa Pangungulila: Malayuan, Virtual, at Online
Ang mga support group ng Vitas Healthcare ay nagbibigay ng impormasyon at gabay sa mga nakakaranas ng pangungulila at lumbay.
Naghahandog kami ng iba't ibang libreng support group sa pamamagitan ng telepono at video support group sa pamamagitan ng Zoom, para tumulong na matugunan ang mga pangangailangan ng mga tagapag-alaga. Ang mga support group na ito ay inihahandog ng VITAS Bereavement Services.
Kabilang sa mga inihahandog namin ang patuloy na mga support group, at pati na rin mga mapagpipiliang support group na inaabot nang 6 linggo o 14 linggo ang tagal ng sesyon. Paki-tingnan muli sa hinaharap, dahil malimit kaming nagdaragdag ng mga bagong grupo.
Kasalukuyang Patuloy na mga Support Group
Ang mga ito ay linggo-linggong ginaganap sa Zoom, at tumatagal nang 60 minuto bawat isa:
- LGBTQ+ at Pangungulila: Tuwing Martes (6:30 pm ET / 5:30 pm CT / 3:30 pm PT)
- Grupo de Apoyo General para Hispanoparlantes: Tuwing Miyerkules (8 pm ET / 7 pm CT / 5 pm PT)
Ito ay buwan-buwang ginaganap sa pamamagitan ng telepono, at inaabot nang 60 minuto ang bawat sesyon:
- Mga Kalalakihan at Pangungulila: Ika-1 Biyernes (1 pm ET / 12 pm CT / 10 am PT)
Kung gusto mong sumali sa isang video support group sa Zoom, puwede mong tingnan ang mga tagubiling ito. Wala kaming mga support group sa telepono at Zoom sa tatlong pederal na holiday na mga ito: Thanksgiving Day, Christmas Day, at New Year's Day.