Ano ang Inaasahan Kapag Sinisimulan ang Hospice sa Bahay
Ang ilan sa mga pamilya ay alangan na may mga hindi kilalang tao na mag-aalaga sa kanilang minamahal sa kanilang bahay. Maaaring ang pakiramdam ng isang matapat na tagapag-alaga ay siya ay may mahirap na trabaho na magaling naman niyang nagagawa, ngunit ngayon ang hospice team ay dumating at sila na ngayon ang gagawa ng tungkulin na iyon. O kaya naman ay kanilang iniisip na ipinagwawalang-galang ng hospice team ang kanilang pagkapribado, tulad ng mga bumbero na pumapasok sa isang nasusunog na bahay!
Kapag Hospice ang Pag-uusapan, Ikaw ang May Kontrol
Para sa kalimitan ng panahon, ang iyong hospice team-sa pangkalahatang pananalita, isang doktor, nurse, hospice aide, social worker, chaplain, boluntaryo at tagapatnubay sa pangungulila sa pagpanaw ng tao-ay isa-isang darating sa takdang panahon na iyong pinagsang-ayunan. Naroroon sila upang mapangalagaan ang iyong minamahal, hindi para pumalit sa iyo. Titingin sila sa iyo para sa gabay at sa kasabay na panahon mayroon silang mga sagot na iyong kailangan. Magiging banayad sila at sigurado ang pakiramdam sa pasyente. Sa bawat pagbisita nila, magiging mas mabuti ang sitwasyon. Sa kalaunan ay matatagpuan ninyo na ikinasasabik ninyo ang pagdating ng bawat isang miyembro ng team.
Pangangalaga ng Hospice sa Bahay: Ano ang Dapat Asahan
Oras na ang kinakailangang mga papeles ay napirmahan na at ang order para ma-admit ay natanggap, ang pasyente ay opisyal nang na-admit sa hospice care. Makikipag-talakayan ang hospice team sa doktor ng pasyente at sa doktor ng hospice upang mapag-usapan ang medikal na kasaysayan, kasalukuyang pisikal na mga sintomas at life expectancy.
- Ang chaplain at social worker ng team ay bibisita upang magdagdag ng emosyonal, psychosocial at espirituwal na pagtatasa sa plan of care
- Naka-schedule ang mga regular na pagbisita ng bawat isang miyembro ng team
- Ipapadala ang anumang kinakailangang home medical equipment
- Ipapadala ang anumang kinakailangang gamot
- Tatanggap ka ng impormasyon upang matulungan mong mapamahalaan ang mga sintomas ng pasyente, kahit na magbago ang mga iyon, at upang ma-contact ang hospice team kung mayroon kang tanong o kung kinakailangang mag-schedule ng isang bisita
Maghanap ng libreng Support Group para sa Tagapag-alaga >
Isinasaalang-alang ng Aming Hospice Team ang Lahat ng mga Pananaw
Isinasaalang-alang ng iyong hospice team ang lahat ng input-mula sa pasyente at pamilya, mula sa mga doktor at mula sa medikal na pagsusuri-upang makagawa ng plan of care para sa pasyente. Ang planong iyon ay pinag-aaralan sa lingguhang pagtitipon ng team at binabago base sa kalagayan ng pasyente.
At ang pinakamaganda sa lahat, ang pasyente at ang pamilya ang nasa gitna ng pangkat ng hospice. Kayo ang mga eksperto sa kung ano ang iyong gusto at kinakailangan; inaasahan ng pangkat na iyong ibahagi ang impormasyon na ito upang kanilang malaman kung ano ang pinakamabuting paraan upang mapangalagaan ka.