Kapag Tapos na ang Dialysis: Paano Mapapagaan ang mga Sintomas ng Kidney Failure sa Pamamagitan ng Hospice Care
Sa pagtatapos ng 2009, mahigit sa 871,000 mga tao ay ginamot para sa kidney failure, na siyang tinatawag din na end-stage renal disease.* Ang ilan sa mga pasyente na may kidney failure ay tumanggap ng transplant. Pinili ng marami sa kanila na magpa-dialysis, na pagka-minsan ay inaabot nang maraming taon ang kanilang tinatanggap na paggagamot na ito. Matapos ang ilang panahon, maaaring hilingin ng mga pasyente na nais na nilang itigil ang dialysis dahil kanilang napagpasyahan na hindi na ito nakakatulong na mapabuti o kahit man lang mapanatili ang kanilang quality of life. Ito ang punto na kung saan isinasaalang-alang ng mga pasyente at pamilya ang hospice.
Ang unang tanong na mayroon ang mga pamilyang ito ay, gaano katagal mabubuhay ang isang tao na may kidney failure kapag hindi magpa-dialysis? Iba-iba ang sagot depende sa pasyente, sa natitirang kakayahan ng kidney, gaano kalala ang mga sintomas at ang pangkalahatang medical condition ng pasyente.
Hospice Care at Kidney Failure
Napapabuti ng hospice ang kalidad ng buhay ng pasyente habang kino-kontrol ang mga sintomas. Habang nakikipagtulungan sa nephrologist o iba pang doktor ng pasyente, magsasagawa ng plan of care ang hospice na kung saan pamamahalaan nito ang mga sintomas ng kidney failure, kabilang ang pananakit at paninigas ng kasukasuan bilang resulta ng likido doon, pagkapagod, kawalan ng ganang kumain at pagduduwal, pangangati (pruritus), kahirapang huminga at matulog, pagkabalisa at depression. Kabilang pa dito, naghahandog ang hospice ng mga bagay na maaaring makatulong sa mga pasyente at kanilang mga minamahal na mapanatili ang kanilang emosyonal at espirituwal na estado ng kalusugan, at pati na rin magbigay ng edukasyon at pagsasanay para sa tagapag-alaga.
Hospice Care sa Bahay
Bagama't ginugugol ng marami sa mga pasyente na may kidney failure ang kanilang mga huling araw sa ospital, yung mga tao na pinili ang hospice care ay kalimitang may opsiyon na tumanggap ng pangangalaga sa anumang lugar na kanilang itinuturing na bahay, maging ito man ay isang pribadong tirahan, assisted living community o nursing home. Ang isa sa pinakamagaling na mga benepisyo ng hospice ay ang seguridad na kasama ng kaalaman na mayroong medical support na matatanggap sa anumang panahon kung ito ay kinakailangan.
Ang layunin ng hospice ay upang mapawi ang pagdurusa, makapagbigay ng kaginhawahan, mapanatili ang karangalan at hikayatin ang pagkakaroon ng closure para sa mga pasyente at mga pamilya.
Kahit sino ay maaaring magtanong tungkol sa hospice services. Ang pasyente, ang pamilya ng pasyente o ang pangunahing doktor ay maaaring humiling ng isang pagsusuri upang makita kung ang hospice ay isang naaangkop na opsyon para sa pangangalaga.
*National Kidney and Urologic Diseases Information Clearinghouse. Isang serbisyo ng National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases, National Institutes of Health, NIH Publication No. 12-3895, Hunyo 2012.