Mga Patnubay sa Pasyente para sa Palliative Care

Ang palliative treatment ay isang natatanging medikal na pangangalaga para sa mga tao na may mga seryosong karamdaman. Nagbibigay ito ng pagsusuri ng mga kalagayan ng sakit, mga rekomendasyon para sa opsyon ng paggagamot ng mga sintomas at pagsasaalang-alang ng alternatibong paggagamot at mga mapagpipiliang pag-aalaga.

Ano Ang mga Layunin ng Palliative Treatment?

Ang layunin ng palliative care ay upang mapabuti ang quality of life ng pasyente at pati na rin ng pamilya. Ang palliative care ay ibinibigay ng isang team ng mga doktor, nurse at iba pang mga espesyalista na nakikipagtulungan sa pangunahing manggagamot ng pasyente at iba pang mga doktor upang makapagbigay ng karagdagang antas ng suporta. Ang palliative care ay naaangkop sa anumang edad at sa anumang yugto ng isang malubhang karamdaman, at maaaring maibigay na kasama ng paggagamot.

Gabay para sa Palliative Care

Binibigyang-tuon ng team ng palliative care na may iba't-ibang mga sangay ng kaalaman ang lahat ng bagay, simula sa pain management, mga krisis ng pananampalataya, kawalan ng timbang, at mga bagay sa komunidad na maaaring magamit. Nakikipagtulungan sila sa mga bago pa lamang na na-diagnose na mga pasyente at yung mga nahihirapan dahil sa mga hindi ninanais na epekto na resulta ng pagpapalunas na mga therapy. Ang ilang mga miyembro ng palliative team ay maaaring board certified sa hospice at palliative treatment; ang iba ay nagre-range mula sa mga kapilyan hanggang sa mga acupuncturist.

Ang palliative na pag-konsulta ng iyong pasyente ay nagbibigay ng napapanahon at natatanging impormasyon na nakatutulong sa pasyente at pamilya na maintindihan kung ano ang benepisyo para sa kanila ng palliative treatment, at tinutulungan kayo na makapagbigay ng pinaka-angkop na pangangalaga.

Sino ang Kwalipikado para sa Palliative Care?

Isaalang-alang ang Isang Palliative Care na Konsultasyon para sa Iyong Pasyente Kung:

  • Ang team sa pag-aalaga, pasyente o pamilya ay nangangailangan ng tulong tungkol sa komplikadong paggawa ng pagpapasya at sa pagkilala ng mga layunin ng pag-aalaga. Ang mga layunin ng pag-aalaga ay nalalaman kapag ang isang medikal na propesyonal ay mayroong tapat at ginagabayang pakikipag-talakayan tungkol sa:
    • Kawalan ng katiyakan tungkol sa prognosis
    • Kawalan ng katiyakan tungkol sa kung nararapat ang mga opsyon sa therapy
    • Kawalan ng katiyakan tungkol sa kalagayan ng katapusan ng buhay at/o kung nararapat ang hospice
    • May mga magkakaibang pananaw tungkol sa pag-aalaga. Narito ang ilang mga halimbawa:
      • Humiling ang pasyente at/o pamilya ng pangangalaga na sa palagay ng team ay hindi epektibo at maaaring magdulot ng mga hindi matagumpay na kinalalabasan.
      • May mga kasalungatan sa mga DNR na order.
      • Ang pagkilala ng limitadong epekto ng artificial na pagpapakain at pagbibigay ng tubig sa katawan sa isang may kapansanan sa pag-iisip, may malubhang sakit o namamatay na pasyente.
      • Ang pagkabalisa ng pamilya ay nagreresulta sa posibleng hindi normal na paggawa ng desisyon para sa ibang tao.
    • Ang pagkakaroon ng isang hangganan na sitwasyon na maaaring nagpapahiwatig ng karagdagang pagsama ng kalagayan:
      • Isang bagong diagnosis ng sakit na nagdudulot ng maagang pagkamatay
      • Humihinang kakayahan na makagalaw na may paghina ng kakayahan na makumpleto ang mga gawain para sa pang-araw-araw na pamumuhay
      • Walang tigil, hindi maipaliwanag na kawalan ng timbang
      • Ang pag-admit sa ospital galing sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga
    • Ang mga kalagayan na ito ay naroroon:
      • Metastatic cancer na kasama ng hindi matagumpay na maraming mga kurso ng paggagamot
      • Mga neurologic na komplikasyon ng cancer
      • Mga metastases sa utak
      • Napipipi ang spinal cord
      • Carcinomatous meningitis
      • Advanced lung disease na may malimit na paglala
      • Advanced cardiac disease na nangangailangan ng pagsasaalang-alang ng LVAD o IV na mga pressor
      • Advanced renal disease na lumalala kahit na may dialysis
      • Neurodegenerative na sakit isinasaalang-alang ang mga feeding tube o ventilator na suporta
      • Anoxic encephalopathy
      • Stroke na nag-resulta ng pagkabawas ng kakayahang gumalaw nang 50 porsyento, itinuturing na nakalilimita ng buhay
      • Catastrophic multiple trauma
      • Ang patuloy na paggamit ng ventilator

    Kinalalagyan ng Pangangalaga

    Nagbago na ang palliative care simula noong una na pang-ospital lamang na modelo hanggang sa ngayon na maaari nang makita sa maraming mga kalagayan ng outpatient na pangangalaga. Sa bahay, maaari itong pang-suportang pangangalaga na modelo. Ang pagkakaroon ng naturang mga opsyon ay depende sa suporta ng mga medical provider at/o sakop ng insurance. Sinusuportahan ng VITAS Healthcare ang maraming mga modelo at kinalalagyan ng pangangalaga.

Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung papaano kayo matutulungan ng VITAS na mapangalagaan ang inyong pasyente.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.