Isang manggagamot na may hawak na stethoscope na nakalapat sa dibdib ng pasyente

Handa na ba ang inyong pasyente para sa hospice?

Modelo ng VITAS Care para sa Malubhang Sakit sa Puso

Ano ang Nauugnay sa Paggamot sa Hospice para sa Malubhang Sakit sa Puso?

Naghahandog ang VITAS ng high-acuity na pangangalaga at mga komplikadong modality para mapamahalaan ang kahit na  pinakamahirap na mga sintomas na nauugnay sa malubhang sakit sa puso at congestive heart failure, kasama ang angina, pagiging hindi mapakali, pangangapos ng hininga, edema, labis na pagkapagod, pangkalahatang pananakit, at pagduruwal/pagsusuka.

Kabilang sa plan of care ng VITAS para sa malubhang sakit sa puso ang 24/7 na klinikal na suporta at isang naka-base sa tahanan na modelo ng pangangalaga na may mga pagbisita ng isang interdisciplinary care team na nagbibigay ng klinikal at psychosocial na suporta para matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente at ng pamilya.

Mga Komplikadong Modality para sa Malubhang Sakit sa Puso

May mga resource at pagkadalubhasa ang VITAS para makapagbigay ng mga komplikadong modality sa anumang kinalalagyan ng pangangalaga, kabilang sa bahay ng pasyente, sa pasilidad ng pangangalaga, sa assisted living facility, sa residensyal na pasilidad ng pangangalaga para sa nakakatanda, o sa inpatient na kama.

  • Ang tuloy-tuloy na mga gamot sa puso - kasama ang mga beta-blocker, ace inhibiter, vasodilator, at diuretic - ay sumusuporta sa kaginhawahan ng pasyente, kahit man hindi na paggaling ang layunin dito.
  • Ang high-flow oxygen therapy ay nagbibigay ng karagdagang ginhawa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng respiratory support na higit pa sa tradisyonal na oxygen therapy.
  • Nagbibigay-daan ang inotrope therapy sa heart contractility para mapabuti ang quality of life.
  • Ang mga IV/Subcutaneous diuretic ay tumutulong sa mga pasyente na magpanatili ng balanse ng fluid para mapamahalaan ang congestion at edema.
  • Ang mga karagdagang serbisyo sa therapy, gaya ng physical, occupational, at speech therapy, ay nakakatulong na matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng pasyente na nasa malapit na sa katapusan ng buhay.
  • Ang pagpapayo sa nutrisyon ay nagbibigay ng payo sa mga pasyente at tagapag-alaga tungkol sa mga alituntunin sa diyeta na makakatulong sa pangangasiwa ng sintomas.
  • Sinusuportahan ng respiratory therapy mula sa isang lisensyadong respiratory therapist ang cardio-pulmonary na plano ng pangangalaga at mga layunin sa pangangalaga ng pasyente.
  • Patuloy na suporta sa mga pasyenteng may mga implantable cardioverter defibrillator (AICD/ICD) at mga ventricular assist device (VAD).

Pagsubaybay ng mga Dedikadong Doktor sa Hospice

Ang mga layunin sa pangangalaga ng VITAS ay sinusubaybayan ng aming 700+ na mga doktor, kung saan mahigit sa 50 ang sertipikado ng board sa hospice at palliative medicine.

Pinamamahalaan nila ang pakikipag-ugnayan sa pangunahing doktor ng pangangalaga, pagbisita sa bahay, pag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga, pagkonsulta ng dalubhasa, pagtutugma ng gamot, at palliative care ng pasyente.

Home Medical Equipment at mga Supply

Nagpapanatili ang VITAS ng sarili nitong sangay ng home medical equipment (HME), na nagbibigay-daan sa 24/7 na paghahatid ng kagamitan at mga supply para masuportahan ang plano ng pangangalaga ng pasyenteng may malubhang sakit sa puso o congestive heart failure sa isang kinalalagyan na kanilang ninanais.

Ang mga sumusunod na supply at kagamitan ay maaaring maipadala sa iyong pasyente sa anumang kinatatayuan:

  • Oxygen, kasama ang high-flow, mga nasal cannula, at saka tubing
  • Mga non-invasive na ventilation device
  • Mga nebulizer para sa pagpapadala ng aerosolized na medication
  • Hospital bed
  • Espesyalisadong mattress para maiwasan ang pagkakaroon ng mga pressure sore
  • Mga ADL assist na device gaya ng mga walker at commode
  • Incontinence supplies
  • Mga supply sa pangangalaga ng sugat

Kung handa na para sa hospice ang iyong pasyenteng may malubhang sakit sa puso, nakahandang tumulong ang VITAS. I-refer na ngayon ang iyong pasyente sa VITAS at makikipag-ugnayan sa iyo ang isang espesyalista sa admission sa loob ng mga ilang minuto. Palagi kaming available.

Handa na ba ang pasyente para sa hospice care?

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.