Modelo ng Pangangalaga ng VITAS para sa Sakit na Alzheimer at Dementia
Ano ang Mayroon sa Treatment sa Hospice para sa Sakit na Alzheimer at Dementia?
Ang modelo ng pangangalaga ng VITAS para sa mga pasyenteng may sakit na Alzheimer at iba pang uri ng dementia ay nakatuon sa pagpapahupa ng pananakit, pamamahala ng mahihirap na mga sintomas, at pagpapahusay ng kalidad ng buhay (hal. agitasyon, pagiging agresibo, pagiging hindi mapakali, pagkabalisa, problema sa pagtulog, atbp.) at mga komplikasyon, pagpapahusay ng kalidad ng buhay, at pagbibigay ng lubos na kinakailangang karagdagang antas ng suporta para sa mga pasyente at sa kanilang pamilya.
Kung walang therapy na makapagpapagaling sa paghina ng pag-iisip at pisikal na katawan na kaugnay sa sakit na Alzheimer at mga nauugnay na dementia, nakatuon ang hospice care sa pagtulong para masuportahan ang kakayahan sa paggalaw at pag-iisip ng isang pasyente habang humihina ang mga ito bilang bahagi ng natural na paglubha ng sakit, kasama ang pagsusuri at pagmamahala ng karaniwang mga komplikasyon na nauugnay sa sakit.
Tinutugunan ng mga plano ng pangangalaga ng VITAS ang mga kahirapan sa pagkain/paglunok, humihinang kalagayan ng nutrisyon, pabalik-balik na mga impeksyon kasama ang pulmonya/aspiration pneumonia, sa urinary tract, at sepsis, mga pressure sore, lagnat, mga bali baywang ang iba pang mga bali ng buto, at tumitinding pagkalito/pagka-dedeliryo.
Bumubuo ang VITAS ng nakaangkop na pangangalaga para sa maraming mga uri ng dementia, kasama ang:
- Alzheimer’s disease
- Vascular dementia
- Lewy body disease
- Frontotemporal lobar degeneration
- Mixed dementia (mayroong maraming etiology)
- Parkinson’s disease dementia
Kasama sa pangangalaga ang 24/7 na klinikal na suporta at pangangalagang ibinibigay sa kinalalagyan na ninanais ng pasyente/pamilya. Sa pamamagitan ng regular na naka-schedule na mga pagbisita, ang mga miyembro ng isang interdisciplinary care team ay nagbibigay ng klinikal at psychosocial na suporta para matugunan ang mga pangangailangan ng pasyente at pamilya.
Mga Komplikadong Modality para sa Sakit na Alzheimer at Dementia
May mga resource at pagkaeksperto ang VITAS para makapagbigay ng mga komplikadong modality sa anumang lugar kung saan nagaganap ang pangangalaga, kasama rito ang bahay ng pasyente, pasilidad ng pangangalaga, pasilidad ng assisted living, residensyal na pasilidad ng pangangalaga para sa nakakatanda, o inpatient bed.
- Mga oral at parenteral antibiotic para labanan ang mga impeksyon (hal., impeksyon sa pulmonya, balat, at urinary tract)
- Nutrisyonal na pagpapayo at pamamahala ng PEG tube
- Mga espesyalisadong kutson at pangangalaga ng sugat
- Mga pag-uusap sa mga layunin ng pangangalaga, kasama ang mga nauugnay sa artificial na pagpapakain/hydration at mga do-not-resuscitate na pagpapasiya
- Pharmacological at hindi pharmacological na pamamahala ng mga pang-ugali at psychological na mga sintomas (pagkabahala, pagkabalisa, terminal restlessness, pagdedeliryo)
- Mga serbisyo na pang-therapy, kasama ang PT/OT/Speech para makatulong na matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng pasyente kapag malapit sa katapusan ng buhay
- Mga alternatibong therapy gaya ng masahe, musika, reminiscence, at paw pals, para karagdagang masuportahan ang kalidad ng buhay
Pangangasiwa ng mga dedikadong Doktor
Ang mga layunin sa pangangalaga ng VITAS ay sinusubaybayan ng aming 700+ na mga doktor, kung saan mahigit sa 50 ang sertipikado ng board sa hospice at palliative treatment.
Pinamamahalaan nila ang mga pakikipag-ugnayan sa pangunahing doktor ng pangangalaga, pagbisita sa bahay, pakikipag-uusap tungkol sa mga layunin ng pangangalaga, pagkonsulta sa espesyalista, pagtutugma ng gamot, at palliative care ng pasyente.
Home Medical Equipment at mga Supply
Nagpapanatili ang VITAS ng sarili nitong sangay ng home medical equipment (HME), na siyang nagbibigay-daan sa 24/7 na pag-deliver ng kagamitan at mga supply para masuportahan ang plano ng pangangalaga ng pasyenteng may Alzheimer's/dementia sa kinalalagyan na kanilang ninanais.
Ang mga sumusunod na supply at kagamitan ay maaaring maipadala sa iyong pasyente sa anumang kinatatayuan:
- Hospital bed at mga espesyalisadong kutson
- Mga Activities of Daily Living (ADL) na aparatong pangtulong, gaya ng mga walker, arinola (bedside commode), mesa sa ibabaw ng kama (over-bed tables), at ligtas na pagbuhat ng pasyente (safety lifts)
- Incontinence supplies
- Mga supply sa pangangalaga ng sugat
- Oxygen at mga non-invasive na ventilation device
Kung handa na ang iyong pasyente para sa hospice, naka-handang tumulong ang VITAS. I-refer na ngayon ang iyong pasyente sa VITAS at makikipag-ugnayan sa iyo ang isang espesyalista sa admission sa loob ng ilang minuto. Palagi kaming available.