Mga Panuntunan sa Mga Admission ng Hospice para sa Dementia at Sakit na Alzheimer's
I-download ang PDF ng mga Panuntunang ito.
Ikaw ba ay pasyente, miyembro ng pamilya, o tagapag-alaga? Matuto pa tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa mga pasyenteng may end-stage na dementia at Alzheimer's.
Kailan handa ang iyong pasyenteng may dementia para sa hospice care?
Ang sakit ng Alzheimer at iba pang mga lumalalang dementia ay nagbabago ng buhay at sa kalaunan ay nakamamatay na kung saan hindi magagamit ang curative therapy. Ang mga pasyente na may dementia o Alzheimer ay karapat-dapat para sa hospice care kapag nagpakita ng lahat ng mga sumusunod na katangian:1
- Hindi makalakad nang walang tulong
- Hindi makapagbihis nang walang tulong
- Hindi makaligo nang maayos
- Kawalan ng kontrol ng bituka at pantog
- Hindi magawang magsalita o makipag-usap nang may kabuluhan (ang kakayahang magsalita ay limitado sa halos kalahating dosena o mas kaunti na naiintindihan at iba't ibang salita)
Ang pag-iisip na ang dementia bilang karamdamang walang lunas kung saan ang mga pasyente ay nabubuhay pa ng taon sa halip na buwan, ay nagpapahintulot sa mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan na mag-pokus ng malinaw at agresibo sa isang palliative care na plano.2
Ang mga sakit na lumalabas habang may advanced na dementia ay kinabibilangan ng:
- Aspiration pneumonia
- Pyelonephritis o impeksyon sa upper urinary tract
- Septicemia
- Mga decubitus ulcer, marami, stage 3-4
- Paulit-ulit na lagnat pagkaraan ng antibiotics
Kahinaan sa pagkain:
- Hirap sa paglunok o pagtangging kumain
- Kung tumatanggap ng artipisyal na suporta sa nutrisyon (NG o G-tube, TPN), ang pasyente ay magpapakita ng patuloy na pagbaba ng timbang sa kabila ng mga pagpapakain.
- Kakulangan sa Protein calorie:
- Pagbaba ng timbang ng mahigit 11% o
- BMI<18 o
- Albumin <3.1
Ang mga co-morbid na kondisyon na nakakapagpahina nang matindi ng kalusugan at pagkilos ng pasyenteng may dementia:
- Congestive Heart disease o cardiovascular disease
- COPD o restrictive lung disease
- Cerebrovascular disease, kabilang ang stroke
- Diabetes mellitus
- Hindi maayos na bato
- Malignancy
Inihahandog ng VITAS ang mga patnubay na ito bilang isang nakatutulong na aparato. Ang mga ito ay hindi inilalaan bilang kapalit sa propesyonal na pagpapasiya ng isang doktor.
Sanggunian:
- Diagnosis, Management and Treatment of Dementia. American Medical Association, 1999.
- Reisberg B: Dementia: A Systematic Approach to Identifying Reversible Causes. Geriatrics, 41:30, 1986.
Adapted from Stuart B, Herbst L, Kinzbrunner BM, et al: Medical Guidelines for Determining Prognosis in Selected Non-Cancer Diseases. 2nd edition. Virginia: National Hospice Organization, 1996.