Ang Aasahan Mula sa isang Hospice Admissions Visit

Bago magsimula ang hospice care, kokonsultahin ng isang admissions specialist ng VITAS ang pasyente, ang kanyang pamilya o ang isang legal na itinakdang tagapagpasya, at ang kasalukuyang doktor ng pasyente para matukoy ang pagiging karapat-dapat at mga pangangailangan.

Higit sa lahat, pagkakataon ito para masagot ang iyong mga katanungan.

Anong Mga Dokumento ang Kailangan Ko para sa Hospice Admission?

Kung magpapakonsulta ka para sa pag-admit para sa iyong sarili o para sa iyong mahal sa buhay, tiyaking dalhin ang mga sumusunod na dokumentasyon.

Dala mo dapat ang mga dokumentong ito ng pasyente:

  • Mga kasalukuyang card sa medikal na coverage (kasama ang Medicare Beneficiary Identifier (MBI) card, pribadong insurance, Medicaid/Medi-Cal, TRICARE, atbp.)
  • Photo ID na ibinibigay ng estado o pasaporte
  • Mga kopya ng anumang advance na directive, kasama ang living will, Five Wishes, Durable Power of Attorney para sa Pangangalagang Pangkalusugan, at Do Not Resuscitate Order
  • Impormasyon tungkol sa mga gamot at dosis
  • Isang listahan ng medikal na kagamitang ginagamit ng pasyente
  • Impormasyon sa mga miyembro ng kawani ng ahensya ng home health na nakasama na ng pasyente
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa sinumang mahal sa buhay na dapat makatanggap ng mga update tungkol sa pasyente
Isang halimbawang card

Halimbawa ng Medicare Insurance Card na may naka-highlight na Medicare Beneficiary Identifier.

Ang Konsultasyon para sa Hospice Admissions

Ang karamihan ng pag-admit sa hospice ay nagsisimula sa isang referral mula sa doktor, case manager, o social worker ng pasyente pagkatapos makatanggap ng pasyente ng prognosis na anim na buwan pababa.

Sa puntong ito, posibleng alam na o posibleng hindi pa alam ng pasyente at ng kanyang pamilya ang prognosis, kaya ang unang pagkikipag-usap tungkol sa end-of-life care ay madalas na nagsisimula sa isang admissions specialist ng VITAS, karaniwang isang nurse o admissions liaison. Ibibigay ng indibidwal na ito sa pasyente at pamilya ang lahat ng impormasyong kailangan nila tungkol sa mga opsyon sa pangangalaga, ang saklaw ng isang serbisyo sa hospice, at ang mga responsibilidad ng tagapag-alaga ng pasyente.

Ang Paglipat sa Hospice

Kapag sumang-ayon na ang pasyente at pamilya niya na hospice care ang tamang opsyon, makikipag-ugnayan ang VITAS sa doktor ng pasyente para sa anumang karagdagang talaan o dokumentong medikal. Kung nagsimula ang proseso ng pag-admit sa referral ng doktor, posibleng naihanda na ng VITAS ang mga dokumentong ito.

Kapag nakumpirma ang prognosis ng pasyente mula sa kanyang doktor, dapat pahintulutan ng pasyente (o ng kanyang legal na kinatawan) ang pagtanggap ng palliative na end-of-life care at pahintuin ang paggagamot. Sa loob lang ng ilang oras, maaaring ilipat ang isang karapat-dapat na pasyente mula sa isang ospital, emergency department, o care facility patungo sa pagsisimula ng hospice care ng VITAS sa bahay, saanman ang itinuturing niyang tahanan.

Mula sa simula hanggang dulo, ang pasyente at ang kanyang pamilya ang sentro ng hospice team. Bahagi sila ng pangangalaga sa pasyente sa buong proseso ng pag-admit at sa buong serbisyo ng hospice, at tumutulong sila sa pagbuo ng plano sa pangangalaga.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.