Papaano Gumamit ng Oxygen sa Bahay sa Ligtas na Pamamaraan
Intindihin at Respetohin ang Lakas ng Oxygen
Ang oxygen ay nakapalibot sa atin; nakakatulong ito sa atin na mabuhay sa mundo. Ngunit kung niresetahan ka ng concentrated oxygen na therapy, na siyang ipinadala sa pamamagitan ng cylinder, concentrator o likido na nakalagay sa isang lalagyan, kinakailangan mong maunawaan at respetuhin ang lakas ng oxygen.
40 taon nang nagbibigay ng oxygen na therapy ang VITAS Healthcare sa mga pasyente. Alam namin kung papaano ito nakapagbibigay-buhay. Alam namin kung papaano pangalagaan ang kagamitan. Alam namin kung papaano turuan ang mga pasyente at ang kanilang mga pamilya kung papaano ito ligtas at responsableng gamitin.
Ang pang-medikal na oxygen ay walang kulay, walang amoy at walang lasa-madali itong ipag-walang-bahala bilang "katulad din ito ng hangin na hinihinga natin." Hindi ito katulad ng hangin na hinihinga natin!
Panoorin ang Aming mga Demonstrasyon, mga Video Tungkol sa Kung "Papaano Gawin", at mga Pagpapahayag
Mga Demonstrasyon: Ang mga Panganib ng Oxygen at Paninigarilyo
Tingnan kung papaano ginawa ng isang pang-medikal na oxygen ang isang umuusok na sigarilyo sa isang nakamamatay na sunog. Mga Demonstrasyon >
Papaano Gumamit ng Oxygen Tank Valve
Kino-kontrol ng valve ang oxygen, at kailangang kontrolin ng gumagamit ang valve. Ang pinakamahalagang bagay dito ay ang pagpapakawala ng oxygen sa pamamagitan ng isang mabagal at hindi nanginginig na kamay. Gamitin ang valve >
Papaano Magtago ng mga Oxygen Tank
Gamitin nang maingat! Kailangang nakapirmi ang oxygen tank sa isang rack o lalagyan na patayo sa lahat ng panahon. Papaano itago >
Paano Magbyahe nang May Oxygen sa Iyong Kotse
Huwag ipagduduyan-duyan, huwag pagugulungin, ilagay sa lugar na may maraming sariwang hangin na nakakapasok: Huwag hahayaan na maging isang panganib ang oxygen tank. Magbyahe na may kasamang oxygen >
I-off Ito: Payo ng Isang Pasyente tungkol sa Oxygen at Paninigarilyo
Nagkukwento ang isang pasyente tungkol sa kanyang pagkakamali tungkol sa oxygen at paninigarilyo: "Noong nagising ako, may malaking sunog na sa mukha ko." Pagpapahayag >