I-off Ito: Payo ng Isang Pasyente Tungkol sa Oxygen at Paninigarilyo

'Isang Malaking Pagliyab sa Aking Mukha'

Nabuhay si Gary upang ikuwento ang masakit na kuwento ng pagiging sanhi ng pagsiklab ng apoy sa kanyang oxygen delivery system dahil sa isang sigarilyo. "Nagising ako sa isang malaking pagliyab sa aking mukha," sabi niya.

Sa video sa itaas, ipinaliliwanag ni Gary kung ano ang kanyang naging rutina sa paninigarilyo na may oxygen. "Akala ko ay matalino akong tao na hindi ito mangyayari sa akin," sabi niya. Hindi niya inisip na kailangan niyang i-off ang makina, alisin lang ang tubo mula sa kanyang ilong at "itapon ito sa sahig na malayo sa akin."

Natutuhan ni Gary na hindi iyon sapat, at iba na ang ginagawa niya ngayon. Ini-o-off niya ang makina bago manigarilyo. Inihahandog niya ang kanyang kuwento sa pag-asang hindi ito mangyayari sa ibang tao.

Mga Tip tungkol sa Oxygen at Kaligtasan sa Sunog

  1. Huwag kailanman manigarilyo habang gumagamit ng oxygen
  2. Bigyang-babala ang mga bisita na huwag manigarilyo kapag gumagamit ka ng oxygen
  3. Magpaskil ng mga babala: "Bawal Manigarilyo-Oxygen"
  4. Kailangang alam ng mga kawani ng emergency at mga bisita ang pagkakaroon ng oxygen sa bahay
  5. Panatilihing mayroong malapit na fire extinguisher
  6. Gumamit ng mga smoke detector at panatilihin ang mga ito (suriin ang mga ito at regular na palitan ng mga baterya)
  7. Huwag padaluyin ang tubo ng oxygen o kawad ng kuryente sa ilalim ng mga basahan, kumot, almuhadon, muwebles
  8. Panatilihing 10 talampakan ang layo ng oxygen mula sa anumang pinagmumulan ng init
  9. Dapat ilagay ang oxygen sa mga lugar na may maayos na bentilasyon Huwag itabi sa isang aparador o sa ilalim ng kama.
  10. Dapat gamitin ang oxygen sa isang lugar na may maayos na bentilasyon. Naiipon ito at nagsasama-sama sa paligid ng mga damit, kurtina, kumot.
  11. Alamin kung ano ang nasusunog, at alamin kung ano ang nagsisilbing pinagmumulan ng pagsiklab:
    • Gumamit ng outlet ng kuryente na maayos na naka-ground
    • Maaaring magdiklap ang mga electric appliance at magningas ng sunog dahil sa oxygen
    • Mabilis magningas ang mga aerosol spray, pintura at thinner, Vaseline® at Vicks® VapoRub™

Sa pamamagitan ng aming mga Home Medical Equipment (HME) team, ang VITAS ay nagbibigay ng mga home medical equipment, kasama ang mga tanke ng oxygen, sa aming mga pasyente bilang bahagi ng benepisyo ng Medicare hospice. Nagbibigay din ang aming mga dedikadong miyembro ng team ng pagsasanay at suporta sa paggamit ng kagamitan. 

 

Kunin ang aming oxygen safety guide para sa hospice patients.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.