Paano Magbyahe nang May Oxygen sa Iyong Kotse
Kailangan ng mga Oxygen Tank ang Espesyal na Pag-iingat Kapag Nagbibyahe
Karamihan sa mga hospice patient ay nangangailangang gamitin ang medical-grade oxygen tanks, na kailangan ng espesyal na kalinga kapag inililipat sa kotse.
Sundin ang mga hakbang na ito upang siguraduhin ang kaligtasan ng iyong sarili at sa mga nakapaligid sa iyo:
- Upang mailipat ang oxygen cylinder, itali ito nang mabuti sa sahig ng back seat.
- Dapat bukas ang bintana ng kotse upang maiwasang maipon sa loob ang oxygen at init; iwanang bukas nang isang pulgada o dalawa ang bintana.
- Huwag kailanman ilipat ang oxygen sa trunk ng kotse o likuran ng truck. Kapag nagkaroon ng banggaan sa may puwitan, maaaring sumabog ang oxygen cylinder, makakapinsala sa mga taong nasa loob at kahit sa labas ng sasakyan.
Sa pamamagitan ng aming mga Home Medical Equipment (HME) team, ang VITAS ay nagbibigay ng mga home medical equipment, kasama ang mga tanke ng oxygen, sa aming mga pasyente bilang bahagi ng benepisyo ng Medicare hospice. Nagbibigay din ang aming mga dedikadong miyembro ng team ng pagsasanay at suporta sa paggamit ng kagamitan.