Hospice para sa End-Stage na Cancer sa Baga

Kung binabasa mo ito, malamang na ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay kasalukuyang dumaranas ng mga emosyonal at pisikal na kahirapang kaugnay ng terminal na cancer sa baga. Habang papalapit na sa mga huling yugto ng cancer sa baga ang mga pasyente, lubos na nagiging mahalaga na maghanap ng pangangalagang maaaring makatugon sa kanilang nakapagpapahirap na mga sintomas at nagbibigay-prayoridad sa kaginhawahan.

Ang pagdating sa desisyon na lumipat mula sa medical care patungo sa pangangasiwa ng sintomas na tanging ang interdisciplinary hospice care lamang ang makapagbibigay ay nangangailangan ng isang lubos na may-kaalamang pagsasaalang-alang.

Ano ang mga Sintomas ng End-Stage na Cancer sa Baga?

Ang may-kaalamang desisyon kung kailan handa na ang pasyente para sa hospice care ay nagsisimula sa pagkakaunawa ng mga sintomas ng end-stage na cancer sa baga. Kabilang sa mga sintomas na ito ang:

  • Pangangapos ng paghinga
  • Pananakit
  • Pag-ubo
  • Nahihirapang makapag-concentrate
  • Pagkalito
  • Labis na kahinaan at pagkapagod
  • Hindi interesadong kumain o uminom
  • Pagkabalisa
  • May kumakalampag sa lalamunan o sa itaas na bahagi ng dibdib kapag humihinga
  • Mabilis na paghinga o mga pagtigil nang sandali sa pagitan ng mga paghinga

Bilang karagdagan pa sa mga sintomas na ito, ang mga pasyente ay maaari ding magpakita ng isa o higit pang Mga Klinikal na Palatandaan ng Pagkamatay. Para sa karagdagang impormasyon sa pagtukoy kung narating na ng pasyenteng may cancer ang mga huling yugto ng pagsulong ng kanilang sakit at handa na siya para sa hospice, basahin ang aming Mga Patnubay sa Pagiging Karapat-dapat sa Hospice para sa mga Pasyenteng may End-Stage Cancer.

Nagbibigay ang hospice ng kontrol sa pangangalaga sa katapusan ng buhay. Simulan na ngayon ang talakayan.

Paano Sinusuportahan ng Hospice ang mga Pasyenteng May End-Stage na Cancer sa Baga?

Ang mga huling yugto ng cancer sa baga ay maaaring magdulot ng kahirapan sa mga pasyente, ngunit mayroong pag-asa. Ito ang panahon na kung saan ang hospice interdisciplinary care team ay tutulong upang makapagbigay ng lubos na kinakailangang pisikal, espirituwal, at sikolohikal na panlipunang suporta sa mga pasyente at pamilya.

Naghahandog ang hospice ng mga sumusunod na serbisyo para sa mga pasyenteng dumaranas ng end-stage na cancer sa baga:

  • Coordinated na pag-aalaga sa bawat antas-Ang pagbuo ng isang plano ng pangangalaga kasama ng payo at pahintulot ng oncologist ng pasyente o ng iba pang mga doktor. Sa lingguhang mga pagpupulong, sinusuri ng team ang pisikal, pangkaisipan, at espirituwal na kalagayan ng pasyente pati na rin ang anumang mga pangangailangan o pag-aalala na mayroon ang pamilya. Bilang karagdagan pa, nakikipagtulungan at nag-susupply ang hospice ng lahat ng gamot, medical supply, at kagamitan na may kaugnayan sa diagnosis upang masiguro na ang mga pasyente ay mayroong lahat ng kanilang kinakailangan.
  • Pain management at pagkontrol ng sintomas-Nagpapakadalubhasa ang hospice sa pangangasiwa ng pananakit ng mga pasyente at sa pagkontrol ng kanilang mga sintomas upang sila ay makapag-enjoy sa buhay at manatiling may kontrol sa mga pang-araw-araw na desisyon hangga't maaari. Kung maging malala ang mga sintomas, may isang antas ng pangangalaga na tinatawag na continuous na paggagamot na magbibigay ng mga shift ng pangangasiwa ng matinding sintomas sa tabing-kama ng pasyente nang hanggang sa 24 oras/araw alinsunod sa mga alituntunin ng Medicare.
  • Emosyonal at espirituwal na tulong-Ang diagnosis na terminal na cancer sa baga ay maaaring magdulot ng malalakas na damdamin o pagkakaroon ng mga espiritwal na katanungan. Ang Hospice ay may mga mapagkukunan upang matulungan ang mga pasyente na mapanatili ang kanilang emosyonal at espirituwal na estado ng kalusugan.
  • Mga serbisyo na ibinibigay saanmang lugar na itinutuing na pasyente ang kanyang tahanan-Naghahandog ang VITAS ng pangangalaga para sa mga pasyente saanman sila nakatira-sa kanilang bahay, mga pasilidad ng pangangalaga na pangmatagalan​​​​​​​, o sa mga assisted living community. Kapag ang mga sintomas ay naging lubos na mahirap na mapangasiwaan sa bahay, ang mga inpatient hospice care na serbisyo ay nakapagbibigay ng pangangalaga sa lahat ng oras hanggang sa ang pasyente ay maaari nang makabalik sa bahay.

Paano Sinusuportahan ng Hospice ang mga Pamilya ng Pasyenteng May End-Stage na Cancer sa Baga?

Ang emosyonal at pisikal na kahirapang kalimitang nararanasan bilang resulta ng pag-aalaga ng isang mahal sa buhay na nasa kalagitnaan ng mga huling yugto ng cancer sa baga ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa mga taong pinakamalapit sa kanya. Mayroong maraming mahihirap na mga desisyong pangkalusugan at pananalapi na bahagi ng pagiging isang tagapag-alaga. Ang mga desisyong ito, kasama ng pagkakaunawa na oras na para ilipat ang binibigyang-tuon ng medikal na pangangalaga, ay maaaring halos na hindi makayanan.

Maaaring makapagbigay ng kaginhawahan ang hospice sa mga tagapangalaga sa pamamagitan ng suporta sa maraming paraan:

  • Edukasyon at pagsasanay ng tagapag-alaga-Mahalaga ang tagapag-alaga ng pamilya sa pagtulong sa pag-aalaga ng hospice team para sa pasyente. Maaaring mapawi ng hospice ang mga alalahanin ng pamilya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanila ng kung ano ang maaaring mangyari at kung paano aalagaan ang kanilang minamahal sa pagsapit ng mga sintomas at magiging mahirap ang komunikasyon.
  • Tulong sa mahihirap na desisyon-Tinutulungan ng hospice team ang mga pamilya na maproseso ang mahihirap na mga desisyong makaaapekto sa kalagayan at kalidad ng buhay ng pasyente.
  • Emosyonal at espirituwal na suporta-Ang mga tagapag-alaga ay nagpapanatili ng kanilang emosyon, ngunit kailangan nila ng outlet upang maipahayag ang kanilang mga damdamin Sinusuportahan ng hospice care ang mga nag-aalaga sa pasyente, dinadalhan ng mga kinakailangan mula sa labas, isang taong makikinig, o balikat na masasandalan​​​​​​​.
  • Tulong sa pananalapi-Kahit na ang hospice services ay sakop ng Medicare, Medicaid/Medi-Cal at ng mga pribadong insurers, ang mga pamilya ay maaaring magkaroon ng mga alalahanin sa pananalapi dahil sa malawak na sakit. Maaaring matulungan ng mga social worker ang mga pamilya para sa financial planning at paghahanap ng tulong na pampinansiyal habang nasa hospice care ang pasyente. Matapos ang kamatayan, maaari nilang tulungan ang mga nagdadalamhating pamilya na makahanap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng mga serbisyo ng tao, kung kinakailangan.
  • Respite care-Ang pag-aalaga sa isang mahal sa buhay na may end-stage na karamdaman ay maaaring magdulot ng matinding stress. Nag-aalok ang hospice ng hanggang limang araw ng pag-aalaga sa inpatient para sa pasyente kapag ang tagapag-alaga ay kailangang umalis.
  • Mga serbisyo sa pangungulila-Nakikipagtulungan ang hospice team sa mga namatayan ng kanilang mahal sa buhay nang hanggang sa 13 buwan pagkatapos ng isang pagkamatay upang matulungan silang maipahayag at makayanan ang pangungulila sa kanilang sariling paraan, na siyang nagreresulta sa isang malusog na pangungulila.

Gaano Katagal Inaabot ang Huling Yugto ng Cancer sa Baga?

Kasama sa pagsusuri ng prognosis ng isang tao na nakarating sa mga huling yugto ng cancer sa baga ang pagkakaunawa na ang mga pagpapasiyang ito ay maaaring magbago. Mahalagang tandaan na ang mga pasyente ay maaaring mabuhay nang mga maka-ilang linggo, buwan, o kahit taon matapos na sila ay ma-diagnose. Ayon sa American Cancer Society, kapag narating ng mga pasyente ang stage 4 ng cancer sa baga, sila ay may mga 6 porsiyento na posibleng mabuhay nang 5 taon kung ikukumpara sa isang tao na walang ganitong uri ng cancer.1

Ang pagbibigay sa mga pasyente ng kaginhawahan sa kalagitnaan ng mahalagang panahon na ito sa kanilang buhay sa maaaring magdulot ng makabuluhang kaibahan. Nabibigyan nito ang mga pasyente ng pagkakataon na gugulin ang kanilang natitirang mga araw nang may karangalan, na napaliligiran ng mga taong higit na nagmamalasakit sa kanila, at sa lugar na kanilang ninanais.

1Lung cancer survival rates. 5-Year Survival Rates for Lung Cancer. (n.d.). Kinuha noong Marso 6, 2023, mula sa https://www.cancer.org/cancer/lung-cancer/detection-diagnosis-staging/survival-rates.html 

Tawagan ang VITAS upang higit na malaman pa ang tungkol sa hospice at palliative care options.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.