Paghahanap kay Mom sa Mother's Day
"Bagama't alam naming wala na ang aming ina, mayroon pa rin kaming kaugnayan sa kanya."
Tulad ng pagpukaw ng Mother's Day ng mga damdamin ng galak at pasasalamat para sa ilang tao, maaari itong magsilbi bilang isang pagmumulan ng pagkawala ng mahal sa buhay at pangungulila para sa mga taong ang mga ina o itinuturing na ina ay hindi na buhay.
"Kapag walang ina ang isang tao at siya ay nangungulila, puwedeng magdulot ang Araw ng Mga Ina ng sakit, halos isa itong paalala na isang taon na ang nakalipas o 10 taon o 20 taon o kahit 50 taon simula noong nawala siya," sabi ni Diane Deese, vice president ng community affairs para sa VITAS.
"Pinakamatalik kong kaibigan ang aking ina. At kahit nakatira siya sa Chicago at nasa Atlanta ako, nag-uusap kami araw-araw," ayon kay Carla Kalip, na namatayan ng ina noong 2001. "Siya ang aking hero at 'she-ro,' hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin ng kanyang walang kapantay na pagmamahal."
Maraming lokasyon ng VITAS Healthcare ang nagdaraos ng mga kaganapan sa Araw ng Mga Ina bilang bahagi ng mga serbisyo sa pangungulila sa pagpanaw ng isang tao na ibinibigay namin para sa mga pamilya ng pasyente. Simula noong 2007, kasama na sa mga kaganapang ito ang programang "Missing Our Mothers, Daughters Remember", na kumikilala sa natatanging ugnayan ng mga magulang at anak na babae.
Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Araw ng Mga Ina
Ang isang sa pinakamagandang paraan para mabigyan ng bagong kahulugan ang Araw ng Mga Ina ay para palawakin ang kahulugan ng "ina" para isama ang mga kababaihang tumayo bilang ina- mga lola, tiya, pinsan, tagapayo, kaibigan, guro, nag-ampon na ina, kahit sinuman na naging mapagkalinga sa mga positibong pamamaraan.
"Maaaring makakatulong kung parangalan mo sa Araw ng Mga Ina ang taong naging parang ina sa iyo, isang taong prinotektahan at sinuportahan ka," ayon kay Deese. "Bagama't alam naming wala na ang aming ina, mayroon pa rin kaming ugnayan sa kanya, batay sa mga alaala, pinagbabahagiang nakaraan, at dahil nararamdaman pa rin namin ang kanyang presensya at suporta."
Kasama sa iba pang tip sa paglampas rito ay ang:
- Pagkukwento at pagbabagi ng mga alaala ng iyong Ina sa iba
- Paggawa ng mga espesyal na craft, photo album, o scrap para maalala ang iyong Ina
- Pagluluto o pagbabahagi ng mga espesyal na lutuin ng iyong Ina
- Pagsulat ng liham para sa iyong Ina, o pagsusulat sa journal tungkol sa kanya
- Pag-meditate habang "naglalakad-lakad" papunta sa libingan ng iyong Ina
- Pagbasa ng mga kwento at tula tungkol sa mga ina
- Pagbibigay ng donasyon sa kawanggawa o pagboboluntaryo para sa kanya
- Paghahanap ng paghilom para sa mga hindi nalutas na isyu sa pamamagitan ng pagpunta sa isang grief support group