Mga FAQ tungkol sa Coronavirus (COVID-19) at Hospice
Ang coronavirus (COVID-19) na outbreak ay nagpapakita ng mahirap at walang kasiguraduhang panahon para sa mga doktor, pasyente, at pamilya sa mga komunidad sa buong bansa.
Bilang leading provider at pinagkakatiwalaang resource para sa end-of-life care, ganap na nakatutok ang VITAS sa pangako nitong pagbibigay ng napapanahon at madaling maunawaang impormasyon tungkol sa virus, sa epekto nito, at sa aming umuunlad na organisasyonal na pagtugon sa sitwasyon.
Ang mga bagay na madalas itanong na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangkaligtasang protocol para sa mga staff, pasyente, at pamilya sa aming mga pasilidad sa ilalim ng aming pangangalaga.
Habang nagbabago ang sitwasyon at habang nagbabago ang pangangasiwa namin sa COVID-19, babaguhin ang FAQ na ito para maipakita ang pinakabagong impormasyong available sa amin.
- Tumatanggap ba ang VITAS ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19? Ang aming mga miyembro ng team ay sanay at handang magbigay ng pangangalaga kung magre-refer ka ng pasyenteng kwalipikado sa hospice na may COVID-19.
- Nangangailangan ba ng pagpapaospital ang mga pasyente sa hospice na may nalalaman o pinaghihinalaang impeksyon sa COVID-19? Ang COVID-19, tulad ng anumang iba pang impeksyon, ay nangangailangan ng indibidwal na pamamaraan para sa pangangalaga.
- Tutulong ba ang team sa pag-aalaga ng VITAS para mapaginhawa ang mga sintomas ng coronavirus sa isang nahawang pasyente? Ang mga team sa pag-aalaga ng VITAS ay mga eksperto sa pamamahala ng mga sintomas na karaniwang nararanasan kapag malapit na ang katapusan ng buhay.
- Mas mataas ba ang tsansa ng mga mas matatandang pasyente na magkaroon ng COVID-19? Ang mga mas matatandang nasa hustong gulang ay nananatili sa mas mataas na panganib ng pagkakahawa sa COVID-19.
- Paano ligtas na mabibisita ng mga staff ng VITAS ang mga pasyente sa panahon ng COVID-19 na pandemic? Ang VITAS staff ay patuloy na susunod sa mga itinalagang screening protocol para masuri ang mga panganib ng pagkalat ng impeksyon sa bawat pakikipag-ugnayan sa pasyente.
- Magsasara ba ang ilang pasilidad ng hospice o ganap bang naka-quarantine ang mga ito dahil sa coronavirus? Ang bawat pasilidad ay nagtatakda ng sarili nitong status batay sa mga direksyon ng pang-estado/lokal na departamento ng kalusugan o sa kasalukuyang sitwasyon ng mga ito.
-
Ano ang ginagawa ng VITAS para matiyak na ligtas ang mga pasyente kung tumatanggap sila ng hospice care sa kanilang mga bahay sa panahon ng coronavirus na outbreak?
Sumusunod kami sa mga pangkaligtasang alituntunin mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), at pang-estado/lokal na departamento ng kalusugan.
- Ano ang mga dapat isaalang-alang kapag nag-aalaga para sa isang pasyente sa hospice sa kanyang bahay sa coronavirus na outbreak? Sa mga panahon ng krisis tulad ng COVID-19 na pandemic, patuloy na nagbibigay ng pang-araw-araw na pangangalaga ang mga miyembro ng pamilya at malapit na kaibigan. Ang mga tagapag-alaga ay dapat magkaroon ng mga gawi at estratehiya para mapanatili ang kanilang estado ng kalusugan. Makakatulong ito na malimitahan ang paglipat ng virus at maiwasan ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.
- Nagsusuri ba ang VITAS para sa COVID-19? Para sa mga pasyente, sinusunod ng VITAS ang mga rekomendasyon mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CMS) at pang-estado/lokal na departamento ng kalusugan na nakabatay sa maraming salik tulad ng pagiging availabile ng test, mga alalahanin ng pasilidad, at ang epekto ng resulta ng test na makapagpapabago sa plano ng pangangalaga.
- Sa coronavirus na outbreak, makakatulong ba ang VITAS sa mga pangangailangan ng karagdagang supply para sa mga pasyente at pamilya-mga bagay tulad ng mga wipe, incontinence supply, guwantes, at face mask? Gaya ng nakasanayan, gagawin ng mga miyembro ng aming team ang lahat ng magagawa namin para matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga pasyente at pamilya.
- Aalagaan ba ng mga miyembro ng VITAS team ng mga pasyente sa mga pasilidad na hindi pumapayag sa mga pamilya na bumisita dahil sa coronavirus? Ayon sa gabay mula sa Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), hinihiling sa mga pasilidad na tiyaking natatanggap ng mga residente ang kinakailangang pangangalaga sa katapusan ng buhay, na kung saan kasama ang hospice. Ang rekomendasyong ito ay nagbibigay-daan sa hospice staff na bumisita at mangalaga sa mga pasyente sa mga pasilidad.
- Kung tumatanggap ang isang pasyente ng hospice care sa isang pasilidad sa panahon ng COVID-19 na pandemic, puwede bang pumasok ang mga miyembro ng pamilya sa pasilidad kasama ang VITAS team? Susunod ang mga miyembro ng VITAS team sa lahat ng mga alituntuning inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), at mga lokal at pang-estadong departamento ng kalusugan. Sumusunod din ang VITAS sa lahat ng iminandato ng pasilidad na panuntunan sa pagbisita.
- Magiging bukas ba ang inyong mga inpatient hospice unit (IPU) sa mga limitadong oras o lilimitahan ba ang bilang ng mga bisita sa panahon ng coronavirus na outbreak? Nagbibigay ang mga IPU ng VITAS ng 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo na pangangalaga. Isinasama ng VITAS ang gabay na ibinigay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) sa mga ospital at nursing home para malimitahan ang potensyal na pagkalat ng COVID-19.
- Puwede bang bisitahin ng isang social worker o kapilyan ng VITAS ang aming mahal sa buhay na isang pasyente sa panahon ng coronavirus outbreak? Ang mga miyembro ng VITAS team-kabilang ang mga doktor, nurse, aide, social worker, chaplain, at bereavement specialist-ay sumusunod sa lahat ng mga pangkaligtasang alituntunin ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), at mga pang-estado/lokal na departamento sa kalusugan. Sinusunod din nila ang iminandato ng pasilidad na mga panuntunan tungkol sa pagbisita.
- Humihiling ba ang mga pasilidad kung saan ang mga pasyente ay tumatanggap ng hospice care ng COVID-19 testing o resulta sa laboratoryo para sa mga pasyenteng nagpapakita ng mga sintomas? Ang mga desisyon tungkol sa COVID-19 testing sa isang pasilidad ay isinasagawa ng pasilidad na iyon, depende sa sitwasyon.
- Puwede pa rin ba akong mag-volunteer para sa VITAS sa panahon ng coronavirus na pandemic? Aktibo pa rin kaming nagre-recruit ng mga volunteer sa VITAS. Puwede kang gumawa ng pagbabago mula sa kaginahawahan ng iyong bahay.