Pag-aalaga sa Panahon ng COVID-19: Maging Magaling Sa 6 Tip na Ito
Sa mga panahon ng krisis tulad ng COVID-19 na pandemic, patuloy na nagbibigay ng pang-araw-araw na pangangalaga ang mga miyembro ng pamilya at malapit na kaibigan.
Ang mga tagapag-alaga ay dapat magkaroon ng mga gawi at estratehiya para mapanatili ang kanilang estado ng kalusugan. Makakatulong ito na malimitahan ang paglipat ng virus at maiwasan ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.
Narito ang ilang pangunahing estratehiya at tip para sa pag-aalaga sa panahon ng COVID-19.
Bawasan ang Pagkalat ng Coronavirus
Sundin ang mga inirerekomendang protokol ng CDC para sa personal na kalinisan at kalinisan ng pasyente gaya rin ng isinasagawa ng VITAS.
Madalas hugasan ang iyong kamay nang hindi kukulangin sa 20 segundo, lalo na:
- Bago, habang, at pagkatapos ng paghahanda ng pagkain
- Pagkatapos gumamit ng banyo, suminga, umubo, o bumahing
- Bago at pagkatapos asikasuhin ang isang taong may karamdaman
Manatiling may alam tungkol sa COVID-19, Pero Huwag Labis-labis
Manatiling may alam sa estado ng COVID-19 sa iyong lugar, pero huwag labis-labis na pag-isipan ito at huwag magkamali na ituring na katotohanan ang opinyon sa social media.
- Ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng mga balitang nakatuon sa pandemic ay posibleng nakakapagod sa pag-iisip at sa emosyon, kaya subukang limitahan ang iyong pagtanggap nito sa partikular na oras o mga dami ng beses bawa't araw.
- Patuloy kang sasabihan ng iyong VITAS team tungkol sa mga pinakamahusay na kasanayan. Huwag mag-atubiling tumawag o magtanong sa panahon ng kanilang mga pagbisita.
Alagaan ang Iyong Sarili
Nakasalalay ang estado ng kalusugan ng iyong pasyente sa iyong kakayahang alagaan ang iyong sarili. Para sa iyong ikabubuti, tiyakin na:
- Kumain nang masustansya at balanseng pagkain
- Magpanatili ng regular na gawi sa pagtulog
- Humanap ng pagkakataong mag-ehersisyo kapag posible
Mag-obserba para sa Mga Senyales ng Sobrang Pagkapagod
Ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga ay puwedeng mangyari sa anumang ugnayan ng tagapag-alaga at pasyente, pero ang panganib ay tumitindi sa mga panahon ng labis na stress.
Puwedeng nakakaranas ka ng sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga kung nararanasan mo ang alinman sa mga problemang ito:
- Kawalan ng pag-asa
- Labis na pagkabalisa
- Mga problema sa pagtulog
- Kahirapang makaya ang pang-araw-araw na mga gawain
Isaalang-alang na magkaroon ng higit pang panahon para sa iyong sarili kapag posible, o kumuha ng break sa loob ng hanggang 5 araw nang may suporta mula sa VITAS respite care (puwede kang makipag-usap sa iyong hospice care team tungkol dito).
Sa paglipas ng panahon, ang pag-aalaga ay maaaring maging pisikal, mental at emosyonal na pagod. Alamin kung paano TUMIGIL kung nakakaramdam ka ng sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.
Maghanap ng Mga Oportunidad para Mag-relax
Malaking responsibilidad ang pag-aalaga, pero hindi dapat ito ganap na kumontrol sa buhay mo. Gamitin ang libreng sandali sa pakikinig sa iyong paboritong musika, pagbabasa, o pagiging abala sa iyong libangan.
Narito ang ilang iba pang opsyon:
- Subukan ang pag-eehersisyo ng kaisipan tulad ng meditation o creative visualization.
- Magdasal.
- Lumabas sa pamamagitan ng paglalakad-lakad sa kapitbahayan (magpanatili nang hindi kukulangin sa 6 talampakang distansya mula sa iba) o pag-aalaga ng hardin.
Manatiling May Koneksyon
Ang social distancing ay hindi nangangahulugan ng ganap na isolation:
- Regular na makipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya para sa mga karaniwang chat at pangangamusta.
- Pag-isipan ang pagsasama-sama sa virtual na paraan, sa pamamagitan man ng panonood ng pelikula sa video chat session o paglalaro online nang magkasama.
- Kung may kasama kang mga mahal sa buhay sa bahay, maghanap ng mga paraan para tulungan at suportahan ang isa't isa.
Sa mga panahong ito ng walang kasiguraduhan, ang mga tagapag-alaga ay nananatiling mahalagang papel para sa mga pasyente ng VITAS at sa mga team na nag-aalaga sa kanila. Manatiling malusog at ligtas habang isinasagawa mo ang iyong mahalagang tungkulin, at ipinapangako naming susuportahan ka namin sa lahat ng paraang magagawa namin.