Hospice Care para sa End-Stage na Pancreatic Cancer

Kapag ang pancreatic cancer ay umabot na sa huling yugto nito, madalas na humaharap ang mga pamilya sa mga mahihirap na desisyon at matinding emosyon. Ang hospice care para sa huling yugto ng pancreatic cancer ay nag-aalok ng comfort, dignidad, at suporta, na tumutulong sa mga pasyente na mabuhay nang mapayapa at may kabuluhan sa kanilang mga huling araw.

Sa pamamagitan ng ekspertong pangangasiwa ng sintomas at sakit, mapagmalasakit na pangangalaga, at gabay sa bawat hakbang, ang hospice ay nagbibigay din sa mga pamilya ng emosyonal at praktikal na suporta na kailangan nila para maramdaman nilang hindi sila mag-isa at maging mas kumpiyansa sa pangangalaga sa kanilang mahal sa buhay.

Ano ang End-Stage na Pancreatic Cancer?

Ang pancreatic cancer ay nagsisimula sa mga tisyu ng pancreas, isang organ na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at regulasyon ng asukal sa dugo. Dahil ang maaagang sintomas ay madalas na hindi halata o napagkakamalan para sa iba pang mga kondisyon, ang sakit ay madalas na natutukoy sa mas huling yugto.

Karaniwang tinutukoy ang end-stage na pancreatic cancer ay bilang Stage IV, kapag ang kanser ay kumalat na sa ibang mga organ gaya ng atay, baga o lining ng tiyan, at ang mga paggamot ay hindi na epektibo. Sa puntong ito, ang pangangalaga ay nakatuon sa comfort, pagpapagaan ng sintomas, at emotional support para sa parehong mga pasyente at kanilang mga pamilya.

  • Stage 0: Ang mga abnormal na selula ay matatagpuan lamang sa lining o balat ng pancreas (carcinoma in situ).
  • Stage I: Ang cancer ay nasa loob ng pancreas at maaaring alisin sa pamamagitan ng operasyon.
  • Stage II: Ang cancer ay kumalat sa mga kalapit na tisyu o lymph node.
  • Stage III: Ang cancer ay nakakaapekto sa mga pangunahing daluyan ng dugo o mas maraming mga lymph node, na madalas na nagpapahirap sa operasyon.
  • Stage IV: Ang cancer ay kumalat sa malalayong organ tulad ng atay o baga.

Mga Palatandaan at Sintomas ng End-Stage na Pancreatic Cancer

Sa mga huling yugto ng pancreatic cancer, maaaring maging mas halata ang mga sintomas. Ang pangangasiwa sa mga sintomas ay ang pangunahing layunin ng hospice care. Maaaring kabilang sa mga sintomas ng end-stage na pancreatic cancer ang:

  • Matinding sakit sa tiyan o likod: Ito ay kadalasang sanhi ng tumor na dumadagan sa mga kalapit na organ at nerbiyos o nerves.
  • Makabuluhang pagbaba ng timbang at kawalan ng gana: Nagreresulta ito sa mga pagbabago sa metabolismo at kahirapan sa pagtunaw ng pagkain.
  • Pagkapagod at panghihina: Ang labis na pagkapagod ay karaniwan. Maaaring ubusin ng cancer ang mga reserbang enerhiya ng katawan.
  • Paninilaw: Ang paninilaw ng balat at mga mata ay nangyayari kapag ang tumor ay humaharang sa bile duct, na nagiging sanhi ng bilirubin sa katawan..
  • Mga pagbabago sa gawi sa pagdumi: Maaaring kabilang dito ang maputla o matabang na dumi, maitim na ihi, constipation o pagtatae dahil sa pagkagambala sa digestive system.
  • Hirap sa pagkain o paglunok Maaaring magpahirap sa pagkain ang pagduduwal, pagsusuka o pakiramdam ng pagkabusog dahil sa laki ng tumor.
  • Pagbabara sa bituka na hindi matatanggal ng operasyon

Timeline ng End-Stage na Pancreatic Cancer

Kapag humantong na ang pancreatic cancer sa huling yugto nito, madalas na nagtataka ang mga pasyente at pamilya kung ano ang aasahan sa mga darating na araw at linggo. Bagama't kakaiba ang bawat karanasan, ang pag-unawa sa karaniwang progreso ng mga sintomas ay makakatulong na maging emosyonal at praktikal na handa ang mga mahal sa buhay. Ipinapakita ng tsart sa ibaba ang pangkalahatang pananaw kung paano maaaring lumaganap ang sakit, mula sa mga maagang senyales ng panghihina hanggang sa mga huling oras, na nagbibigay ng kaliwanagan at gabay sa mahirap at personal na panahon.

Timeframe o panahon Ano ang Dapat Asahan
Ilang Buwan Bago Mangyari Nabawasang gana, nadagdagan ang pagkaantok, pagkawala ng interes sa paligid, paglala ng sakit at pagduduwal, nakikitang pagbaba ng timbang, pag-iwas sa pakikisalamuha, nabawasan ang aktibidad, nabawasan ang komunikasyon, pagmumuni-muni.
Ilang Linggo Bago Mangyari Matinding pagkapagod, pagkalito, pag-iwas sa pakikisalamuha Maaaring makisali ang mga pasyente sa pagsusuri ng buhay at magtuon ng pansin sa pagpaplano sa libing, na syang maglalantad ng kanilang emosyonal na estado.
2-6 (na) Araw Kadalasan ay nakaratay sa kama, hindi gaanong tumutugon sa mga nakikita at tunog, mga pagbabago sa mukha lalo na sa paligid ng bibig at ilong, hindi regular na mga pattern ng paghinga, mga pupil na hindi tumutugon sa liwanag (ibig sabihin ang mga mata ay hindi tumutugon gaya ng karaniwan nitong ginagawa).
Wala pang 2 (na) araw Ang paghinga na parang dumadagundong o lumalaguklok sa lalamunan (tinatawag na "death rattle"), paghinto ng paghinga sa maikling panahon, kakaunti o walang ihi, walang pulso sa pulsohan, mga mata na nananatiling nakabukas at hindi ganap na maipikit, mga ungol kapag humihinga o sinusubukang magsalita, lagnat.

Kailan Kwalipikado ang Isang May Pancreatic Cancer para sa Hospice Care?

Ang isang taong may end-stage na pancreatic cancer ay kwalipikado para sa hospice carekapag natukoy ng isang doktor na ang kanilang life expectancy ay anim na buwan o mas mababa kung ang sakit ay magpapatuloy sa normal nitong takbo. Magkakaiba ang bawat pasyente, at iba-iba ang mga sintomas, ngunit may ilang palatandaan na karaniwang nagpapahiwatig na ang pancreatic cancer ay nasa malalang yugto at ang pasyente ay kwalipikado para sa hospice:

  • Mabilis na nanghihina ang pasyente.
  • Ang cancer ay kumalat na sa ibang mga organ (Stage IV).
  • Ang paggamot ay hindi na epektibo o hindi na kayang tiisin.
  • Mayroong kapansin-pansing pagbaba sa pisikal na kakayahan at ang pasyente ay nangangailangan ng tulong sa pang-araw-araw na gawain.

Tawagan ang VITAS Healthcare sa 800.582.9533 para makipag-usap sa aming team tungkol sa pag-iskedyul ng pagtatasa ng pagiging kwalipikado sa hospice.

Paano Makakatulong ang Hospice na Magbigay ng Comfort sa Mga Pasyente

Kapag ang pancreatic cancer ay umabot na sa huling yugto nito, ang hospice care ay nagiging mahalagang pinagmumulan ng comfort, na tumutulong sa mga pasyente na pangasiwaan ang pananakit, pagduduwal, pagkapagod, at iba pang nakababahalang sintomas. Ang isang interdisciplinary hospice team, kabilang ang mga doktor, nurse, social worker, chaplain at sinanay na mga boluntaryo, ay nagtutulungan upang tugunan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na mga pangangailangan ng pasyente at ng kanilang mga mahal sa buhay. Tinitiyak ng pinagsama-samang pamamaraan na ito na ang pangangalaga ay iniaangkop sa indibidwal at tumutugon sa pangangailangan, na nagbibigay-daan sa mga pasyente na igugol ang kanilang natitirang oras ng mapayapa at napapalibutan ng suporta. Nakakatanggap din ang mga pamilya ng gabay at pagpapayo, na tumutulong sa kanila na maging mas kumpiyansa at hindi gaanong nag-iisa sa panahon ng matinding emosyonal na karanasan na ito.

Kailan Dapat Dumulog para sa Suporta ng Hospice Care

Para matanggap ang buong benepisyo ng hospice care para sa pancreatic cancer, pinakamainam na makipag-ugnayan sa sandaling maging kwalipikado ang isang pasyente (kadalasan kapag ang life expectancy ay anim na buwan o mas mababa). Ang yugtong ito ay maaaring napakahirap, ngunit hindi ito kailangang harapin ng mga pasyente at pamilya nang mag-isa. Ang paghingi ng impormasyon ay isang tanda ng lakas at may malasakit na hakbang patungo sa pagtiyak ng comfort, dignidad at suporta.

Kapag na-enroll na ang isang pasyente sa hospice, available ang team sa pag-aalaga ng 24/7/365 upang magbigay ng suporta. Ang pagiging available sa lahat ng oras ay nagbibigay ng kapanatagan sa mga pasyente at sa kanilang mga pamilya.

Ang VITAS ay may mga kinatawan na available ​​​​​para sa mga admission sa hospice sa lahat ng oras. Tawagan kami sa 800.582.9533.

Mga Bagay na Madalas Itanong

Ano ang average na life expectancy ng may stage 4 na pancreatic cancer?

Bagama't nag-iiba ito para sa bawat tao, ang average na life expectancy para sa stage IV na pancreatic cancer ay karaniwang nasusukat sa mga buwan. Ang hospice care ay nakatuon sa paggawa ng panahon na ito nang kasing-comfortable hangga't maaari.

Ang Stage IV na pancreatic cancer ay nangangahulugan na ang sakit ay kumalat sa malalayong organ gaya ng atay, baga o lining ng tiyan. Ayon sa American Cancer Society, ang 5 (na) taon na relatibong survival rate para sa malayong yugto na pancreatic cancer ay humigit-kumulang 3%, ibig sabihin, karamihan sa mga pasyente ay nabubuhay ng ilang linggo hanggang ilang buwan pagkatapos ng diagnosis, depende sa pangkalahatang kalusugan at tugon sa palliative care.

Ano ang nangyayari sa huling yugto ng pancreatic cancer?

Sa huling yugto ng pancreatic cancer, ang mga pasyente ay kadalasang nakakaranas ng matinding pagkapagod, matinding pananakit, pagbaba ng timbang at mga isyu sa pagtunaw ng pagkain. Maaaring mas madalas silang matulog at mas mababa ang interes sa pagkain o pag-inom habang nagsisimulang bumagal ang katawan, kabilang ang kawalan ng kakayahang kumain o tiisin ang pagkain.

Ano ang mga stage ng pancreatic cancer?

Ang pancreatic cancer ay isinasaayos mula Stage 0 hanggang Stage IV, batay sa kung gaano kalawak ang pagkalat ng cancer:

  • Stage 0: Ang mga abnormal na selula ay matatagpuan lamang sa lining ng pancreas (carcinoma in situ).
  • Stage I: Ang cancer ay nasa loob ng pancreas at maaaring alisin sa pamamagitan ng operasyon.
  • Stage II: Ang cancer ay kumalat sa mga kalapit na tisyu o lymph node.
  • Stage III: Ang cancer ay nakakaapekto sa mga pangunahing daluyan ng dugo o mas maraming mga lymph node, na madalas na nagpapahirap sa operasyon.
  • Stage IV: Ang cancer ay kumalat sa malalayong organ tulad ng atay o baga.

Sanggunian:

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.