Pangungulila sa ating Mga Ina

Pagbabahagi ng Mga Anak ng Alaala ng Pagkawala

"Kapag namatay ang isang ina, hindi natatapos ang pagluluksa ng isang anak na babae," ayon kay Hope Edleman, may-akda ng 1994 aklat na Motherless Daughters, ang isa sa mga unang aklat na sumuri sa emosyonal na paglalakbay na pinagdadaanan ng isang babaeng namatayan ng ina.

Para sa karamihan ng mga babae, ang kanilang mga ina ay nagbibigay ng proteksyon, suporta, at karunungan mula sa pagkapanganak, sa panahon ng kabataan at hanggang sa pagiging nasa hustong gulang. Kapag nagkakaroon ng malalaking sandali sa kanilang mga buhay-pagtatapos, pagpapakasal, pagkakaanak-lumalapit ang karamihan ng mga babae sa kanilang mga ina para sa payo at direksyon. Ang pagpanaw ng isang ina ay maaaring ituring na isang permanenteng pagkawala ng pinakamahalagang tao sa buhay ng isang anak na babae.

Pagkawala ng Gabay sa Buhay

"Pinakamatalik kong kaibigan ang aking ina. At kahit nakatira siya sa Chicago at nasa Atlanta ako, nag-uusap kami araw-araw," ayon kay Carla Kalip, na namatayan ng ina noong 2001. "Siya ang aking hero at 'she-ro,' hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin ng kanyang walang kapantay na pagmamahal."

"Ang pakiramdam, saloobin, kagustuhan, at gawi ng isang anak na babae ay iniimpluwensyahan ng kanyang ina," ayon kay Bonchek, MD, isang sikolohistang may espesyalidad at pangungulila at pagkawala. "Walang natatanging mahalaga sa anak kaysa sa kanyang ina, na tumutulong sa anak na babaeng buuin ang imahe ng kanyang sarili. Maaaring tapusin ng kamatayan ang buhay, ngunit hindi nito tinatapos ang ugnayan."¹

"Magkaugnay pa rin kami. Hindi ko sinasabing nangungulila ako, ang sinasabi ko ay may nawala sa akin na napakahalaga sa akin, at iyon ang aking ina," ayon kay Earline Walker, na namatayan ng ina noong 2006. "Talagang nagpapasalamat ako na naging bahagi siya ng buhay ko."

Iniaalok ng VITAS ang Mga Kaganapan sa "Missing Our Mothers, Daughters Remember"

Simula ng pagkaka-publish ng Motherless Daughters, naglabasan sa buong bansa ang mga support at social group para sa mga babaeng namatayan ng ina. Maraming grupo ang kasalukuyan at nagsasagawa ng aktibidad buong taon, habang ang iba naman ay nagsasama-sama tuwing holidays, lalo na sa Araw ng Mga Ina.

Ang VITAS Healthcare ay nag-aalok ng espesyal na kaganapang tinatawag na "Missing Our Mothers, Daughters Remember" bilang bahagi ng bereavement services na ibinibigay ng organisasyon ng hospice sa mga pamilya ng mga pasyente nito. Isinasagawa sa iba't ibang panahon sa buong taon sa iba't ibang lokasyon ng VITAS sa buong mundo, kinikilala ng kaganapan ang natatanging ugnayan sa mga ina at anak na babae. Iniimbitahan nila ang lahat ng babae sa lugar na namatayan ng ina, na magpalipas ng oras kasama ang isa't isa. Sa kaganapan, ang mga dumalo ay nagsasalu-salong kumain, nakikinig sa isang tagapagsalita, at nagbabahagi ng mga kwento at larawan ng kanilang ina.

"Natatangi para sa isang organisasyon na kilalanin ang papel ng ina at mag-alok ng oportunidad para sa mga anak na babae na magsama-sama at kilalanin ang kanilang ina sa ganitong paraan," ayon kay Carla, na sumali sa isang kaganapan ng "Missing Our Mothers" sa Atlanta. "Ito ay nakakaantig, emosyonal, maraming ngiti at luha, ngunit masaya rin."

Para malaman kung nagsasagawa ng kaganapang "Missing Our Mothers, Daughters Remember" sa iyong lugar, tumawag sa VITAS sa 888.649.6670.

¹http://lisabadams.com/2011/05/25/when-daughters-grieve-the-death-of-their-mothers

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.