Patrick Hale

Chief Information Officer

Si Patrick D. Hale ay ang executive vice president at chief information officer ng VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care.

Patrick Hale

Pinangangasiwaan ni Patrick ang lahat ng aspeto ng mga malakihang IT operation. Ang kanyang 20- taon ng karanasan ay nagbunga ng maraming business vertical, kabilang ang healthcare, paggawa, parmasyutiko, serbisyo sa pananalapi, retail at pamahalaan.

Sumali si Patrick sa VITAS noong 2013 bilang isang pangunahing miyembro ng senior management team na matagumpay na nagpatakbo ng organisasyon sa pamamagitan ng mabilis at tuloy-tuloy na paglaki. Pinangangasiwaan niya ang lahat ng mga aspeto ng teknolohiya at cybersecurity ng VITAS, at responsable rin sa Care Connection Center, isang nationwide na VITAS call center na naghahatid ng mga serbisyo ng admission at after-hours na clinical care.

Kilala bilang pionner sa mga mobile solution, hinubog nina Patrick at ng kanyang team ang isang partnership sa Apple, AT&T at VMware na naghatid ng mga mobile solution sa teknolohiya sa mga kamay ng higit sa 8,000 na manggagamot ng VITAS. Pinahihintulutan ng iMobility project ang VITAS na magbigay ng ligtas, mobile-supported na hospice care, mga komunikasyon, mga order at mga reseta mula sa bedside ng pasyente. Nabigyan ng proyektong ito ang VITAS ng worldwide na parangal ng 2018 Process Excellence Network Award (PEX) para sa process improvement project na pinagana ng teknolohiya. Noong 2017, pinarangalan si Patrick bilang CIO ng Taon, ng South Florida Business Journal.

Bago sumali sa VITAS, nagsilbi siya bilang chief technology officer ng Sparrow Health System, ang nangungunang tagapagbigay ng healthcare sa mid-Michigan para sa cancer, pediatrics, neurology, trauma at neonatal intensive care. Sa Sparrow, na sumuporta sa halos 500,000 mga outpatient procedure at 100,000 emergency room visit kada taon, pinamunuan niya ang paglipat ng teknolohiya sa mga elektronikong medical record na nagdala ng ospital sa Stage 6 ng makabuluhang paggamit sa loob ng isang taon. Sa ilalim ng IT leadership ni Patrick, ang Sparrow Health ay pinangalanang "Nangungunang Healthcare Industry Innovator" sa 2012 InformationWeek 500, isang pagraranggo sa mundo ng mga tech-savvy na kumpanya (22nd overall 2009, 16th overall sa 2012).

Bilang unang chief technology officer para sa Estado ng Michigan, pinamahalaan ni Patrick ang taunang $165 milyong budget, pinamahalaan ang lahat ng mga aspeto ng imprastruktura ng IT at arkitektura ng enterprise para sa 19 sangay ng departamento, at nagbigay ng estratehikong pananaw at pagpapatakbo sa higit sa 700 empleyado.

Ang isang kilalang pinuno ng kaisipan, nagsisilbi si Patrick sa mga executive advisory board para sa parehong AT&T at VMWare. Regular siyang inaanyayahang magsalita sa mga nangungunang pambansang kumpirensya at mga kaganapan, kasama na ang CIO Summit ng pamahalaan, ang National Association of State CIOs, at ang CIO Leadership Network.

Lagi rin siyang kasama sa mga pambansang grupo na nagtatrabaho upang isulong ang healthcare sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nag-co char si Patrick sa komite ng HIT sa South Florida and Healthcare Association, nagsilbi bilang miyembro ng board para sa Healthcare Information and Management Systems Society (HIMSS) at miyembro ng College of Healthcare Information Management Executives.

Nagtapos si Patrick ng bachelor's degree sa communication arts and sciences mula sa Michigan State University.