Pananagutan sa Pamayanan
Sa VITAS Healthcare, naniniwala kami na kalakip ng aming katayuan bilang pinakamalaking provider ng end-of-life care sa bansa, ay ang mga mahahalagang pananagutan. Tamang-tama ang sinasabi ng isa sa apat na Values o pinahahalagahan namin sa VITAS na naglalarawan sa aming kumpanya: "Proud ako na maging maging instrumento ng pagbabago." Simula pa nang itinatag ito noong 1978, ang VITAS ay instrumento na ng pagbabago sa end-of-life care sa pamamagitan ng pamumuno nito, sa charitable care at edukasyon.
Ang pananagutan sa pamayanan ng kumpanya ay nagsisimula sa responsable nitong pamumuno. Katulad ng karamihan sa mga founding members ng hospice movement sa United States, ang VITAS ay nagsimula bilang isang non-profit organization. Ngunit agad naming napagtanto na ang sa non-profit na status namin, hindi kami maka-access sa kapital na kailangan namin upang matugunan ang mabilis na pagdami ng mga pasyente na may taning na ang buhay sa United States.
Sa paglipat namin sa for-profit status, nagawang dalhin ng VITAS ang makabagong modelo nito sa pangangalaga sa mga pasyente at komunidad na dating hindi nakakatanggap ng benepisyo ng hospice.
Bilang kumpanya na may matatag na pinansyal na katayuan at patuloy na lumalago, nangangako kami na tutugunan namin ang aming mga pananagutan sa pamayanan sa iba't ibang mahahalagang lugar:
Pananagutan na mag-alaga
Ang VITAS ay naghahatid ng milyun-milyong halaga ng charity care bawat taon, at ito ay higit na mas mataas kumpara sa ibang hospice provider. Inaalagaan namin ang mga pasyente na angkop sa hospice, anuman ang kanilang diagnosis o sakit at kung may kakayahan man o silang magbayad o wala. Tinatanggap namin ang mga pasyente na hindi tinatanggap o hindi kayang tanggapin ng mga maliliit na hospice, kabilang na ang mga pasyente na may magastos o kumplikadong diagnosis o sakit, at mga pasyenteng nasa lugar kung saan maraming krimen na nagaganap. Ang mga pagsisikap na ito ang nagdala sa amin upang maging leader sa pagpapalawak ng hospice care at alisin ang paniniwala na ito ay isang serbisyo para lang sa mga mayayaman at para sa mga may sakit na cancer.
Pananagutan na mamuno
Sa simula ng 1980s, namuno ang VITAS sa isang bipartisan effort na isama sa federal Medicare program ang reimbursement para sa mga serbisyo ng hospice, at patuloy naming isinusulong ang kapakanan ng pasyente. Kaming tanging major hospice provider na merong full-time na state at federal public affairs professionals na nakikipagtulungan sa mga mambabatas, regulators at eksperto sa patakaranng pampubliko, upang pagbutihin at palawakin ang end-of-life care. Ipinagmamalaki din namin ang pagsuporta sa mga organisasyon tulad ng National Hospice and Palliative Care Organization at ang prestihiyosong Duke Institute on Care at the End of Life, na gumagawa ng mahahalagang proyekto para sa pananaliksik, edukasyon at outreach o paglapit sa mga tao na may iba't ibang edad, lahi at background.
Pananagutan na magbigay ng edukasyon
Kumpara sa ibang service provider, mas marami ang nagawa ng VITAS upang itakda ang kalidad sa hospice care. Gumawa ang mga doktor namin ng malawak na library at mga training materials para sa mga doktor ng hospice at pati na rin sa mga healthcare provider, sa mga pasyente at pamilya nila. Ibinabahagi rin ng mga executives namin ang kanilang expertise sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga kurso at pamumuno sa mga session at workshop sa iba't ibang national hospice conference.
Pananagutan na ingatan ang kapaligiran
Determinado kami na mabawasan ang epekto namin sa kapaligiran sa pamamagitan ng iba't ibang gawain-maliit man o malaki. Ang papel na ginagamit namin sa karamihan sa mga marketing materials namin ay certified green na ngayon; ginagawa ito sa pabrika na hindi nagdudulot ng polusyon sa tubig o hangin, at nagtatanim ng dalawang puno sa bawat puno na pinuputol nito. Pinalitan din namin ang mga styrofoam na plato at baso sa aming opisina ng biodegradable na produkto, at hinihikayat namin ang staff namin na gamitin nang mahusay o efficient ang mga materyales sa printing at photocopying.