Nangunguna sa lahat

Mula pa noong 1978, nagbibigay na ang VITAS Healthcare ng pinabuting end-of-life care na available sa industriya. Ito ang aming layunin at debosyon. Ngayon, kami ang hospice provider na pinakamalaki at may pinakamalawak na karanasanan sa America: may 12,000 empleyado na nagsusumikap sa pag-aalaga sa mahigit 17,000 pasyente araw-araw.

Pagtatakda ng De-Kalidad na Hospice Care 

Kumpara sa ibang service provider, mas marami ang nagawa ng VITAS upang itakda ang kalidad sa hospice care. Isinulat ng retired na Chief Medical Officer ng VITAS at Executive Vice President na si Barry Kinzbrunner, MD, FACP, FAAHPM at Senior Vice President of Medical Affairs ng VITAS na si Joel S. Policzer, MD, FACP, FAAHPM ang itinuturing na pinakamahusay na teksto ukol sa hospice, ang End-of-Life Care, A Practical Guide, kasama ang mga kontribusyon ng 20 doktor ng VITAS.

Ang librong ito ang ginagamit ng mga hospice, healthcare organizations at mga unibersidad sa buong United States ngayon. Bukod dito, bumuo rin ang mga hospice professionals ng VITAS ng sarili nitong pain prescription drugs, at ang gabay sa pag-aalaga sa sugat para sa mga pasyente na nasa hospice, conversion ruler ng analgesic dosage, iba't ibang libro at handbook ukol sa kalungkutan at pangungulila sa pagpanaw ng mahal sa buhay at malaking library ng mga educational materials para sa mga pamilya at healthcare professionals.

Ang Pamumuhunan ng VITAS para sa Hinaharap 

Walang tigil ang pamumuhunan ng VITAS Healthcare sa teknolohiya na kumokonekta sa record systems ng aming mga partners upang maging mas mabilis at maayos ang pangangasiwa ng mga referral at care transition o pagbabago ng pangangalaga. Sa pamamagitan ng mga mobile apps namin, nagiging madali sa mga doktor ang paggawa ng mga referral at nananatili sila na naka-connect sa amin. Sa aming transition-to-care platform sa iPad o platform para sa pagbabago ng pangangalaga, nagiging mas maayos ang karanasan ng mga pasyente, pamilya at mga healthcare professionals sa admission o pagsisimula nila ng hospice at sinisigurado na ang mga pasyente ay naii-refer at natatanggap sa aming pangangalaga sa tamang panahon at mabilis na paraan.  

Nang malaman namin na may napakaraming pasyente sa mga komunidad na hindi gaanong nabibigyan ng serbisyo ang hindi nakakatanggap ng hospice care, ginawa namin ang sarili naming Access Initiative upang masiguro na ang lahat, ano man ang kanilang kulay, kultura, lahi, relihiyon o kasarian, ay nakakatanggap ng mga benepisyo ng hospice services at alam nila ang tungkol sa Medicare hospice benefit. 

Meron kaming mahigit sa 130 truck na bumibiyahe ng higit sa 200,000 miles kada buwan at nagde-deliver ng pinaka-up-to-date na medical equipment at mga supplies sa bahay ng mga pasyente. 

Ang VITAS ang Pangunahing Utak ng Industriya 

Walang tigil na kumikilos ang VITAS Healthcare upang pagbutihin ang pag-aalaga na nakatuon sa pasyente sa pamamagitan ng mga bagong proseso at bagong paraan ng pag-iisip, at ginagamit nitong gabay ang mga pioneering o nangungunang pananaw at pagpapahalaga o mga pinahahalagahan ng mga nagtatag ng aming kumpanya Ang dedikasyong ito ay nangangahulugan na ang VITAS ay patuloy na nag-e-evolve o nagbabago bilang isang organisasyon upang matugunan ang mga pabagu-bagong pangangailangan ng mga life-limiting illnesses o sakit na nagpapaikli sa buhay ng tao. Ngunit gaano man kami lumaki o magbago, ang aming mga pinapahalagahan at layunin ay hindi magbabago: ang mga pasyente at pamilya pa rin ang laging una sa amin.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.