Patty Husted
Ehekutibong Bise-Presidente ng mga Serbisyong Pansuporta sa Pasyente at Pamilya
Si Patty Husted ay ehekutibong bise-presidente ng mga serbisyong pansuporta sa pasyente at pamilya sa VITAS Healthcare, ang nangungunang provider sa bansa ng end-of-life care. Mayroon siyang mahigit sa 34 taong karanasan sa hospice nursing, mga serbisyo sa klinika at pasyente, pagpapatakbo, at pamamahala.
Sa kanyang kasalukuyang tungkulin, pinangangasiwaan ni Patty ang mga serbisyo ng boluntaryo at mga nangungulila, na siyang nagpapataas sa pangkalahatang karanasan sa pangangalaga ng pasyente sa VITAS.
Naging bahagi si Patty ng VITAS noong 1989 bilang hospice nurse sa isang inpatient unit, at nakapaglingkod na siya sa mahigit sa isang dosenang pampamunuang tungkulin sa kabuuan ng pagpapalawak ng kumpanya sa 12 karagdagang estado at sa District of Columbia.
Bago siya naging bahagi ng VITAS, nagtatrabaho si Patty bilang oncology nurse. Mula sa kanyang mga naunang karanasan sa hospice nursing, nalipat siya sa mga tungkulin ng pagiging manager sa mga VITAS home care team, outreach team, pediatric care team, inpatient unit, at bilang patient care manager para sa VITAS sa Broward County, Florida.
Nagsilbi rin si Patty bilang pambansang tagapangasiwa ng pangangalaga ng pasyente, direktor ng mga serbisyo sa pasyente, direktor at bise-presidente ng mga klinikal na serbisyo, bise-presidente ng pagpapatakbo para sa VITAS sa Northeast, bise-presidente ng pagpapatakbo para sa Central/North Florida, senior na bise-presidente ng pagpapatakbo, at bilang ehekutibong bise-presidente para sa Florida at Georgia.
Sa kanyang buong karera, naglingkod siya bilang lider sa pagtukoy at pagtugon sa mga oportunidad sa negosyo, pagsasagawa ng pagtiyak ng kalidad at panregulatoryong pagsunod sa buong kumpanya, at paggawa ng mga patakaran ng kumpanya na nagpapahusay sa pangangalaga sa pasyente.
Si Patty ay miyembro ng lupon ng Florida Hospice & Palliative Care Association (FHPCA) at ng California Hospice & Palliative Care Association (CHAPCA).