Ang Apat na Dekadang Karanasan Namin Bilang Nangunguna sa Hospice
Ang VITAS Healthcare ay nagsimula noong 1978, at itinatag ito ni Hugh Westbrook na isang Methodist minister, at ni Esther Colliflower na isang nurse, kung saan parehas silang naniniwala na ang America ay nangangailangan ng isang mabisa at compassionate o makataong end-of-life care.
Inilarawan ng mga empleyado ng VITAS na nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho sina Hugh at Esther sa panahong sinisimulan pa lang ang VITAS, kung ano ang mga pag-hamon o paghihirap na hinarap nila, ang lakas at kaluguran sa pagbuo ng isang healthcare specialty mula sa simula at makita itong lumaki at yumabong sa bawat dekadang dumadaan.
"Apatnapung taon ang nakalipas, kakaunti lang ang nakakaalam ng salitang hospice," ayon kay Grace Fernandez, Senior National Patient Care Administrator at ayon rin sa kanya, mas malawak ang kaalaman ngayon ng publiko ukol sa kung ano ang hospice at kung paano ibinibigay ang serbisyong ito. "Mas maraming pasyente ang pinaglilingkuran namin, ngunit ang totoo, kung ano ang ginagawa namin noon, ito pa rin ang ginagawa namin ngayon... May kilala akong mga empleyado na 30, 35 taon nang naglilingkod sa VITAS …ito ay isang calling o bokasyon."
VITAS: Pioneer at Innovator ng Hospice
Ipinagmamalakit ng mga matagal ng empleyado ng VITAS ang dati pa at tuluy-tuloy na dedikasyon ng kumpanya sa mga pasyente nito at sa kanilang pamilya, sa mga empleyado nito at sa pag-unlad ng hospice care at paglawak ng serbisyo nito para sa lahat ng mga Amerikano.
"Ito ang dahilan kung bakit kami naririto upang maglingkod," ayon kay Bob Miller, dating chaplain ng VITAS na ngayon ay Executive Vice President at Chief Compliance Officer. "Gusto naming pangalagaan ang mga pasyente at ang kanilang pamilya."
Sa ngayon, ang VITAS ay may mahigit 10,000 empleyado na nagsusulong ng hospice at nag-aalaga sa mahigit 19,000 pasyente araw-araw sa 15 states at sa District of Columbia.
Isang Pamana ng Dedikasyon sa mga Pasyente at Pamilya
Sa loob ng mahigit na 40 taong kasaysayan nito, nasaksihan ng mga empleyado ng VITAS ang paglawak ng kumpanya sa bagong market, ang pagtanggap nito sa paggamit ng teknolohiya, ang paglawak ng mga serbisyo sa pagsuporta sa pasyente at pamilya upang matugunan ang pabagu-bagong pangangailangan ng pasyente, ang paggawa ng protocol ng pangangalaga batay sa specific na sakit para sa mga sakit sa puso, chronic lung disease, Alzheimer's disease/dementia, HIV/AIDs at iba pang progressive na sakit o lumulubha sa pagdaan ng panahon.
"Sadyang mga pioneers o nagpasimula ng lahat at kami rin ang nagbigay-daan para sa napakaraming programa at healthcare institution at iba pang hospice," ayon kay Nancy Auster, RN, isang admissions nurse. "Ang sistema nila ay hango mula sa amin. Ipinagmamalaki ko ang VITAS dahil dito."