Alexander Fernandez
Chief Financial Officer
Si Alexander Fernandez ang executive vice president at chief financial officer ng VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa. Pinangangasiwaan ni Alexander ang mga tungkulin ng pinansiya, accounting, at pakikipag-ugnayan sa mga namumuhunan sa kumpanya at nagsisilbi bilang ang estratehikong kasosyo sa buong organisasyon.
May dalang mahigit sa dalawang dekada ng karanasan si Alexander sa pananalapi, administratibo, at pamumuno sa industriya ng pangangalagang pangkalusugan sa kanyang tungkulin. Bago siya naging bahagi ng VITAS, marami siyang mga tungkulin na pinagsilbihang kaugnay sa ehekutibong pananalapi, pinaka-kamakailan bilang ang senior vice president at CFO ng Broward Health Medical Center at Salah Foundation Children's Hospital.
Kabilang sa kanyang dating pamumuno sa pananalapi ang mga pangunahing tungkulin sa Tenet Healthcare sa Good Samaritan Medical Center at North Shore Medical Center. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang accountant ng St. Mary's Medical Center sa West Palm Beach, Florida.
Bilang isang lisensiyadong CPA sa Florida at Georgia, nagsisilbi si Alexander bilang miyembro ng Board of the Healthcare Financial Management Association, Fort Lauderdale Alliance, Broward College Foundation, South Florida Health at ng Broward Regional Health Planning Council, FSU Healthcare Executive Advisor Group, South Florida Hospital Association, Broward Regional Emergency Medical Services Council, at isang miyembro ng Leadership Florida Cornerstone Class 40.
Nakamit ni Alexander ang kanyang master's degree sa business administration mula sa Florida Atlantic University at dual bachelor's degree sa accounting mula sa Florida Atlantic University at finance at multinational business mula sa Florida State University.