Joel Wherley
Presidente at Chief Operating Officer
Si Joel L. Wherley ang presidente at chief operating officer (COO) ng VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa. Pinamumunuan ni Joel ang pinaplanong direksiyon ng kumpanya at pinangangasiwaan ang pang-araw-araw na pagpapatakbo, mga klinikal na serbisyo, pag-unlad ng negosyo, at pamumuno ng mga doktor.
Naging bahagi siya ng VITAS noong 2016 bilang Senior Vice President ng hospice operations at na-promote bilang EVP at COO noong 2017. Sinimulan niya ang kanyang kasalukuyang tungkulin bilang presidente at COO noong 2024.
Sinimulan ni Joel ang kanyang karera bilang isang respiratory therapist at mayroon siyang malawak na karanasan sa ehekutibong pangangalagang pangkalusugan sa karera ng pamumuno sa pagpapatakbo ng sales, klinikal, at iba pang mga aktibidad sa labas ng opisina, kung saan ang 2024 ay nagsisilbi bilang ang kanyang ika-15 taon sa larangan ng hospice. Dahil sa kanyang malawak na karanasan at dedikasyon sa pananagutan, pagsulong ng kumpanya, kahusayan, at pamumuno sa pamamagitan ng pagbibigay-inspirasyon, nakatanggap siya ng mga papuri at karangalan.
Bago siya naging bahagi ng VITAS, may karanasan si Joel sa mga pang-ehekutibong antas na mga posisyon sa kilalang mga kumpanyang kaugnay sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng American HomePatient, Gentiva, at Hospice Advantage.
Naglingkod rin si Joel sa Board of Directors ng South Florida Hospital & Healthcare Association, na may layuning pagbutihin ang paghahatid ng de-kalidad na healthcare services sa mga lokal na komunidad. Noong 2022, itinalaga siya bilang miyembro sa pangunang Lupon ng Tagapayo para sa Home Care Innovation + Investment Conference (HI2), na binuo sa paligid ng misyon ng pagbibigay-halaga sa tahanan bilang ang hinaharap ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.
Si Joel ay may Bachelor's Degree sa Business Management at Organizational Design mula sa University of Illinois sa Springfield.