VITAS Healthcare, Ipinagdiwang ang Ika-40 Anniversary sa Pamamagitan ng Pagbubukas ng Ilaw ng MDC Freedom Tower
01/16/2019
MIAMI - Ipinagdiwang ng VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa, ang kanilang ika-40 anibersaryo sa ceremony Miami Dade College (MDC) Freedom Tower noong Martes, Jan. 15., para sa mahalagang papel ng kumpanya sa health care industry sa South Florida at sa impluwensiya nito sa national hospice movement. Ang National Historic Landmark ay inilawan ng kulang lila bilang pagbibigay-parangal sa apat na dekada ng VITAS sa pagsulong sa American hospice movement at sa paraan ng pag-aalaga sa mga pasyente ng hospice at pamilya nila, na puno ng awa at pag-unawa.
Ang VITAS Healthcare ay itinatag ng dalawang miyembro ng MDC faculty noong 1978, ang mga ito ay isa sa mga pinakaunang hospice program sa bansa. Tumulong ang VITAS na ipasa ang hospice licensure law ng Florida, na pinakauna sa buong bansa at ito ay agad-agad na naging modelo o huwaran para sa ibang states at sa federal government. Sa mahigit na 40 taon simula nang alagaan ng VITAS ang pinakauna nitong pasyente, patuloy na nanguna ito sa hospice movement sa America at patuloy ang commitment nito sa paghahanap at pagsasarado ng mga gap sa end-of-life care. Sinisugurado ng VITAS na ang mga pasyente na may taning na ang buhay, anuman ang lifestyle o uri ng pamumuhay nila, at ang kanilang pamilya ay may access sa compassionate o uri ng pag-aalaga na may awa at pang-uunawa, at de-kalidad na hospice care.
Simula nang itatag ang VITAS sa Miami, nakapag-alaga ang VITAS sa 1.5 milyong mga pasyente. Ngayon, ang VITAS ay may 12,000 professionals na nag-aalaga sa humigit-kumulang na 18,000 pasyente araw-araw, sa 14 states at sa District of Columbia.
Ang President ng MDC na si Dr. Eduardo J. Padrón, at ang VITAS Healthcare CEO na si Nick Westfall ay dumalo sa ceremony at nagbigay ng maikling pahayag sa illumination ceremony.
"Ang VITAS ay maihahalintulad sa Freedom Tower," ayon kay Westfall bago ilawan ang tore. "Isang iconic na landmark sa komunidad na magsisilbing simbolo ng daan at pag-asa. Noong 1960s at '70s, ang tore ay isang beacon o liwanag na malungod na tumatanggap sa halos kalahating milyon na refugees na dumating sa United States sa pagdaan sa South Florida para kanilang paglalakbay sa paghahanap ng mas magandang buhay. Tama lang na nakatayo tayo ngayon sa building na ito at ipinagdiriwang ang nakaraang 40 taon ng commitment ng VITAS para sa aming mga pasyente, sa mga pamilya, sa mga empleyado, at handang tahakin ang landas sa ating hinaharap.
"Ang pagdiriwang kagabi ay tungkol sa pag-asa, sa ating sama-samang pag-asa na patuloy nating pagbubutihin ang kalidad ng buhay ng ating mga mamamayan. Sa MDC, kinikilala namin ang epekto na dala ng VITAS sa buhay ng hindi na mabilang na mga tao at pamilya na tumanggap ng pangangalaga at awa at pang-unawa ng hospice care sa huling bahagi ng buhay nila," dagdag ni Dr. Padrón.
Larawan sa itaas: Ang VITAS CEO na si Nick Westfall kasama sina Commissioner Eileen Higgins at Ken Russell at ang President ng Miami Dade College na si Eduardo Padron pagkatapos na buksan ang mga lilang ilaw.
Larawan sa itaas: Ang MDC Freedom Tower na naiilawan ng lilang ilaw bilang pagbibigay-parangal sa 40th anniversary ng VITAS Healthcare.