Joel Wherley

Chief Operating Officer

Si Joel L. Wherley ang Executive Vice President (EVP) at Chief Operating Officerr (COO) ng VITAS Healthcare, ang nangungunang provider ng end-of-life care sa bansa. Si Joel ang nangangasiwa ng mga operasyon ng 47 hospice programs ng kumpanya sa 14 states at sa District of Columbia.

Joel Wherley

Naging bahagi siya ng VITAS noong 2016 bilang Senior Vice President ng hospice operations at na-promote bilang EVP at COO noong 2017.

Nagsimula ang career ni Joel bilang isang respiratory therapist at nagkaroon ng malawak na executive healthcare career sa clinical sales at operational management, kabilang na ang 10 taon niya sa hospice. Dahil sa kanyang malawak na karanasan at dedikasyon sa accountability, pagsulong ng kumpanya, kahusayan at motivational na leadership, nakatanggap siya ng mga papuri at karangalan.

Bago siya naging bahagi ng VITAS, naglingkod sa iba't ibang executive-level positions sa iba't ibang healthcare companies. Naglingkod siya bilang Division Vice President sa Hospice Advantage at nagsisilbi bilang namumuno sa mga pang-araw-araw na clinical operations at sales divisions at nagrereport sa Board of Directors. Bilang Regional Vice President ng Gentiva Health Services, pinangasiwaan niya ang pinakamalaking division sa hospice ng kumpanya at dalawang beses siyang pinarangalan bilang Regional Vice President of the Year.

Naglingkod rin si Joel sa Board of Directors ng South Florida Hospital & Healthcare Association, na may layuning pagbutihin ang paghahatid ng de-kalidad na healthcare services sa mga lokal na komunidad.  

Si Joel ay may Bachelor's Degree sa Business Management at Organizational Design mula sa University of Illinois sa Springfield.