Ang Pag-unawa sa mga Yugto ng Pangungulila

Ang pangungulila ay isang natural na tugon sa pagkawala o inaasahang pagkawala. Para sa mga pasyente at pamilya na nahaharap sa isang malubhang karamdaman at ang posibilidad ng hospice care, madalas na nagsisimula ang pangungulila bago pa man mangyari ang pagkamatay. Ang limang yugto ng pangungulila ay maaaring magsimula kapag nakatanggap ka ng terminal diagnosis at maaaring umusad habang ikaw at ang iyong pamilya ay dumadaan sa mga paggamot, pagbabago ng katayuan sa kalusugan at mga hindi alam na mga sitwasyon.

Ang pag-unawa sa iyong damdamin ay isang mahalagang unang hakbang. Ang limang yugto ng pangungulila-hindi pagtanggap, galit, pakikipagpalit, depresyon at pagtanggap- ay nagbibigay ng balangkas para sa kung ano ang maaari mong maranasan. Bagama't karaniwan ang mga yugtong ito, iba-iba ang paglalakbay ng bawat tao. Maaaring hindi mo maranasan ang lahat ng limang yugto ng pangungulila, o maaari mong maranasan ang mga ito sa ibang pagkakasunud-sunod. Kapag naunawaan mo ang mga sintomas ng pangungulila, mas magiging handa ka para makipag-ugnayan sa team ng hospice care para sa suporta.

Ano ang limang yugto ng pangungulila?

Bagama't hindi sunud-sunod ang mga ito, ang limang yugto ng pangungulila ay kinabibilangan ng: Hindi pangtanggap, Galit, Pakikipagpalit, Depresyon, at Pagtanggap.

  • Hindi pagtanggap
  • Galit
  • Pakikipagpalit
  • Depresyon
  • Pagtanggap

Hindi pagtanggap

Kapag unang nakarinig ng malubahang diagnosis at pag-iisipan ang hospice care, karaniwan ang pakiramdam na manhid o hindi makapaniwala. Maaaring maisip mong, "Hindi ito pwedeng mangyari" o "Siguradong may mali."

Ang hindi pagtanggap ay isang natural na mekanismo ng pagtatanggol na tumutulong sa iyong isip na iproseso ang masasamang balita. Ayos lang na mangailangan ng oras. Ang team ng hospice care ay maaaring mag-alok ng mahinahon at tapat na presensya, na nagbibigay ng malinaw na impormasyon at suporta kapag handa ka nang makipag-usap.

Galit

Ang galit na damdamin ay maaaring lumitaw nang hindi inaasahan. Maaari kang makaramdam ng pagkabigo sa karamdaman, pakiramdam ng walang katarungan, o pagkairita sa iba.

Ito ay isang normal na bahagi ng pangungulila at isang pagtatangka upang makamit ang kontrol sa isang sitwasyon na parang hindi makontrol. Makakatulong ang paghahanap ng maayos na mga paraan upang maipahayag ang mga damdaming ito. Ang pakikipag-usap sa isang tagapayo, pagsali sa isang support group, o simpleng pagtukoy ng iyong mga damdamin ay maaaring makatulong na mabawasan ang tindi ng mga ito.

Pakikipagpalit

Sa yugtong ito, maaari mong mahanap ang iyong sarili na gumagawa ng mga pahayag na "kung maaari lang" o sinusubukang gumawa ng mga kasunduan sa isang mas makapangyarihang nilalang. Halimbawa, "Kung gagawin ko ito, baka mawala ang sakit."

Ang pakikipagpalit ay isang pagsisikap na mabawi ang kontrol at ipagpaliban ang hindi maiiwasan. Madalas kasama rito ang mga damdamin ng pagkakasala o pag-iisip ng "paano kung." Ang team ng VITAS hospice care, kabilang ang mga chaplain at social worker, ay nagbibigay ng isang lugar na walang panghuhusga upang ipahayag ang mga kaisipang ito at mag-alok ng comfort.

Depresyon

Habang nagiging mas malinaw ang katotohanan ng karamdaman, maaaring lumitaw ang matinding kalungkutan. Ito ay isang normal at inaasahang bahagi ng proseso ng pangungulila. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Madalas na pag-iyak
  • Mga pagbabago sa pagtulog o ganang kumain
  • Pag-atras mula sa mga aktibidad at mga taong minsan mong kinagiliwan
  • Isang patuloy na pakiramdam ng bigat

Ang mga sintomas ng depresyon ay hindi palatandaan ng kahinaan. Ang depresyon ay isang natural na tugon sa matinding pagkawala. Kung ang mga damdaming ito ay nagiging labis, ang team ng hospice care ay maaaring magbigay ng gabay at idirekta ka sa naaangkop na mga mapagkukunan at suporta.

Pagtanggap

Ang pagtanggap ay hindi nangangahulugang "ayos lang" ka sa pagkawala o na nawala na ang sakit. Ibig sabihin nito ay natututo kang mamuhay sa katotohanan nito. Maaari kang makaranas ng mga sandali ng kapayapaan, magsimulang magplano para sa hinaharap o maging bukas sa paggawa ng mga bagong alaala. Iba-iba ang anyo ng pagtanggap para sa bawat tao.

Pagharap sa pangungulila at paghahanap ng suporta

Ang paglalakbay na ito ay hindi nagtatapos sa sandaling matapos ang mga yugto. Kung mahahanap mo ang iyong sarili na lumiligid pabalik sa mga damdaming akala mo ay nakalimutan mo na, o kung may mga bagong pakiramdam, tandaan na available ang patuloy na suporta. Tuklasin ang aming mas malawak na mapagkukunan tungkol sa pagharap sa pangungulila at kung saan makakahanap ng suporta para sa pangungulila. Hayaan ang komunidad sa iyong paligid-pamilya, kaibigan, iba pang pamilya sa hospice, at ang VITAS team na ipaalala sa iyo na hindi ka nag-iisa sa anumang bahagi ng prosesong ito, mula sa unang diagnosis hanggang sa mga araw pagkatapos ng pagkamatay.

Alamin kung ang hospice care ay makakatulong sa iyong mahal sa buhay:

Tumawag sa VITAS sa800.582.9533.

Naghahandog kami ng iba't ibang mga libreng remote na bereavement support groups.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.