Mga Normal na Pisikal at Mental na Palatandaan ng Pangungulila
Sa pagpanaw ng ating mahal sa buhay, nakararanas ang tao ng mga pisikal na sintomas o sakit kasabay ng mental at emosyonal na pagdadalamhati na nararamdaman nila. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring tumagal ng ilang araw, buwan o maging taon. Narito ang ilan sa mga pangkaraniwan at normal na sintomas o palatandaan ng pangungulila:
Pisikal na Sintomas
- Pagkahilo at pangangapos ng paghinga; pakiramdam na parang sinasakal o pagsisikip ng dibdib.
- Mas mahinang immune system na nagiging dahilan upang maging mas madaling magkaroon ng sakit o impeksyon.
- Sobra o kulang sa pagtulog.
- Sobrang lakas o sobrang hina sa pagkain.
- Sobrang pagkabalisa, papalit-palit ng mga gawain, o kaya naman ay ang kabaligtaran nito-nakaupo lang at walang ginagawa sa loob ng ilang oras.
Mental na Sintomas o Palatandaan
- Pagkalito, pagiging mairita, pagkabalisa at kawalan ng kakayahan na mag-concentrate.
- Pagbabago sa metabolismo na humahantong sa depression at maging paranoia.
- Hirap sa pantanda ng mga bagay o nakararanas ng gap o puwang sa memorya.
- "Paghahanap ng tao"-paghahanap sa kanilang mahal sa buhay nang halos hindi nila napapansin na ginagawa nila ito, kahit na alam nila na pumanaw na ang mahal nila sa buhay.
- Hallucination o naririnig at/o nakikita nila ang kanilang mahal sa buhay na pumanaw na.
- Pagkakaroon ng mga kakaiba at nakakatakot na panaginip kasama ang kanilang namatay na mahal sa buhay.