Karaniwang Mitolohiya tungkol sa Pangungulila at Pagdadalamhati

Kahit na ang pangungulila ay isang pangkalahatang reaksyon sa anumang uri ng pagkawala, maaari itong mapalibutan ng maraming maling akala at mitolohiya. Narito ang ilan sa mga karaniwang mitolohiya tungkol sa pangungulila, at ang mga pagpapaliwanag na makatutulong sa iyo na maintindihan ang mga kaibahan at mga saklaw ng pangungulila.

Kailangan Mo Lang na Bumuti

Sa maraming mga kumpanya, ang karaniwang patakaran sa pagkuha ng bakasyon kapag nangulila dahil sa pagpanaw ng tao ay tatlong araw. Ang ibig bang sabihin nito ay tatlong araw pagkatapos kang namatayan, ay handa ka nang makabalik sa dati mong kalagayan? Sigurado namang hindi. Binibigyan ka ng tatlong araw na maasikaso ang anumang kaagad na kinakailangang gawin pagkatapos na mamatay ang isang tao, ngunit ang pagbalik sa dating kalagayan mula sa pangungulila ay maaaring abutin nang mga linggo, buwan at kahit taon pa. Magkakaiba ang paglalakbay sa pangungulila ng bawat isang tao.

Tayong Lahat ay Magkakapareho ang Kalungkutan

Hindi totoo. Mayroong napakalaking mga kaibahan sa mga paraan ng pagiging malungkot, kabilang ang mga kultural na kaibahan na may kaugnayan sa pangungulila at mga tradisyon, at mga kaibahan sa kung gaano katagal at kung gaano kalakas malungkot ang mga tao. May ilan sa mga tao na madaling makabawi sa kanilang mga kalungkutan kung ikukumpara sa iba, habang may iba naman na maaaring makaranas ng maraming taon na kahirapan.

Inaabot ng mga Isang Taon Bago "Makabawi" Mula sa Isang Mahalagang Pagkawala

Hindi totoo, dahil ang karanasan ng bawat tao ay kakaiba. Halimbawa, ang isang tao na namatayan ng isang mahal sa buhay matapos ng isang mahabang kasaysayan ng sakit na Alzheimer ay maaaring makaranas ng isang maiksi lamang na panahon ng kalungkutan bilang reaksiyon sa kamatayan kung ikukumpara sa iba. Posible na nakaranas na siya noon pa ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng personalidad ng kanyang minamahal sa maraming taon na patuloy na paglala ng kalagayan hanggang sa humantong ito sa kamatayan. Gayunpaman, ang isang magulang na biglaan na lamang na namatayan ng isang batang anak noong marami nang taon na nakalipas ay maaaring hindi na kailanman kumpletong makabawi sa kanyang pangungulila. Sa pangkalahatan, inaakala na tumatagal ang matinding kalungkutan nang mula tatlong buwan hanggang sa isang taon at may ibang tao na patuloy na makararanas ng kalungkutan sa panahon ng dalawang taon o mahigit pa. Para sa maraming mga tao, ang kalungkutan ay basta lamang na nagbabago at nagiging kaikaiba sa paglipas ng panahon, at ipinahihiwatig nito ang kanyang sarili sa kakaibang mga pamamaraan habang lumilipas ang panahon.

Mas Mabuting Huwag na Lang Pag-isipan o Pag-usapan ang Tungkol sa Sama ng Loob

Sa totoo lang, napatunayan na maaaring magkaroon ng mga negatibong mga kinahihinatnan kapag iniiwasan ang sama ng loob na may kaugnayan sa kalungkutan, kabilang ang pisikal na mga problema, pagkabalisa at depression. Kinakailangang parangalan ng mga tao na nangungulila ang panahon na kanilang kinakailangan upang kanilang makumpleto ang panahon ng kalungkutan, at hindi magtangka na mamuhay base sa kanilang sariling mga panloob na inaasahan o base sa mga panlabas na mga inaasahan ng ibang tao.

Ipinapakita Kung Gaano Mo Kamahal ang Namatay na Tao Base sa Kung Gaano Katindi at Gaano Katagal ang Iyong Kalungkutan

Ito ay hindi totoo. Walang paligsahan sa kalungkutan at walang ipinapahayag na panalo. Kailangan mong damdamin ang kung ano man na iyong nararamdaman at magsimula na muling ipatuloy ang iyong buhay kapag handa ka na, sa iyong sariling takdang oras. Ang iyong kalungkutan ay walang kaugnayan sa kalungkutan ng ibang tao, o kaya sa kung gaano kalakas ang iyong pagmamahal sa namatay na tao.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.