Pagpanaw ng Kapatid
Suporta para sa Pagpapagaling
Ang pagkamatay ng isang kapatid ay ang pinakapinababayaang pagkawala sa buhay ng nasa hustong gulang. Ang pagpanaw ng kapatid ay maaaring maituring na pagkawala ng taong nakakakilala sa iyo habang lumalaki ka. Maaari itong magdala ng mga pakiramdam ng paninisi sa hindi nalutas na isyu sa kapatid o pakiramdam ng pang-iiwan.
Ang pagkamatay ng kapatid na nasa hustong gulang ay napapailalim sa kategorya ng "disenfranchised na pangungulila." Tradisyunal na ipinapaabot ang pakikiramay sa naiwang magulang, asawa o mga anak, ngunit ang mga naiwang kapatid, kung minsan ay inaasahang "malampasan ito" kaagad para magbigay ng comfort sa iba o "mapalitan" ang pumanaw na kapatid. Maaaring hindi matanggap ng mga kapatid ang suportang kailangan nila para maghilom, at maaari nilang itago ang kanilang mga saloobin mula sa iba.
Nagbabago sa Isang Iglap ang Buhay
Kasama sa mga karaniwang isyung hinaharap ng mga naiwang magkakapatid ang:
Paghahanap ng Bagong Pagkakakilanlan
Ang isang taong naging bahagi na ng buhay mo simula pagkabata ay maaaring isang malaking bahagi ng iyong background ng buhay mo, isang bahagi ng hindi masisirang kabuuan na nagpapakilala sa iyo.
Gayunpaman, ang pagkamatay ng isang kapatid ay nagbabago sa pagkakasunod-sunod ng kung sino ang pinakamatanda, at nawawala sa mga naiwang kapatid ang mga indibidwal na lakas, katangian, at pagkakakilanlan na nauugnay nang husto sa pagkakasunod-sunod ng kung sino ang pinakamatanda. Kailangan ng panahon para matutuhan kung paano mabuhay ulit. Kailangan mong lumago sa iyong sarili at matutuhan ang dating ginagawa ng iyong kapatid. Hindi ito "malalampasan" katulad ng "pag-sulong" mula dito.
Ang Pagkawala ng Hinaharap Kasama ang Iyong Kapatid
Hindi ka lang nawalan ng aktuwal na tao at ng kaugnayan sa kanya, nawala rin sa iyo ang bahaging dapat gagampanan niya sa iyong hinaharap. Magpapatuloy ka sa pagpapakasal, pagkakaroon ng anak, pag-bili ng bahay, pagtatagumpay o pagkabigo, pagreretiro. Sa bawat kaganapan, mararamdaman ang malupit na katunayan na wala roon ang iyong kapatid. Sa iyong nalalabing buhay, sa lahat ng kaganapan, gaano naman ito kasaya, magkakaroon ito ng kaunting pait. Ang mga tinatawag na reaksyon tuwing anibersayo ay maaaring mangyari sa mga kaarawan, holiday, at iba pang espesyal na okasyon.
Pag-aalaga
Ang pumipigil sa mga naulilang kapatid na iproseso ang sarili nilang pangungulila ay ang kagustuhang protektahan ang isang tao-maaaring ang kanilang mga magulang, asawa, o anak. Dahil pinagtutuunan nila ng pansin ang "pagsuporta" sa iba, nababalewala nila ang sarili nilang panahon ng pagdadalamhati. Hindi naman kakaiba para sa mga naulilang kapatid na tanggapin ang pangungulila ng iba o akuin ang tungkulin ng isang "biglaang tagapag-alaga," na palaging handa para sa ibang nangungulila.
Ang mga biglaang tagapag-alaga ay maaaring labis na magbigay ng enerhiya sa ibang bagay kaya sila ay labis na napapagod, labis na na-stress, at kung minsan ay nagkakaroon ng clinical depression. Maaari silang magmukhang "hindi mapakali," na nagsasalita sa maikli at mabilis na paraan habang itinatanggi ang kasalukuyang nararamdamang sakit. Ang kanilang mga pakiramdam na hindi nakikilala ay nagiging mabigat at masakit, kaya hindi sila nakakalampas at nakakakuha ng ideya ng pagkakakilanlan.
Para lutasin ang biglaang pag-aalaga, harapin ang iyong kalungkutan at sakit na nararamdaman, akuin ito at damhin ito hangga't kinakailangan. Ayon sa may-akdang si John Gray, "Ang nararamdaman mo ay kaya mong paghilumin." Maaaring kailanganin mong makipag-usap tungkol sa bawat detalye ng pagkamatay at ipahayag ang mga nauugnay na pakiramdam nang paulit-ulit hanggang sa mawala ang sakit.
Suportahan ang Iyong Sarili
Huling komento: Huwag mahiya kung ang isa sa iyong mga inaalala o iniisip ay, "Ako na ba ang susunod?" Kapag may namamatay na nakakatandang kapatid, natural na kwestyunin ang sarili mong kamatayan. Magkakasama ang mga magkakapatid, kaya naaayon at normal na mag-isip sa ganitong paraan.
Maaaring hindi kilalanin ng lipunan ang tindi ng pagkawala ng kapatid, ngunit alam ng mga naulilang kapatid na totoo ang pagkawala, at kung minsan ay mayroon itong nakakapinsalang epekto. Kailangan mong paliwanagan ang mga tao sa paligid mo at hingin ang kanilang kinakailangang suporta. Suportahan ang iyong sarili at tanungin ito kung ano ang kailangan mo.