Pagharap sa Bagong Taon kapag Ikaw ay Nagdadalamhati

Pagtanggap sa Bagong Taon

Kapag tayo ay nangungulila, mahirap harapin ang bawat araw habang dumaraan ito. Maaaring mahirap na harapin ang isang buong bagong taon na nangyayari sa harap natin. Maaari tayong matakot sa kung ano ang dala ng bagong taon. Maaari tayong mag-alala kung magagawa nating humarap sa anumang iba pang pagsubok o hindi na. Dahil sa ating kasalukuyang karanasan ng kawalan at kalungkutan, maaaring hindi tayo maging handa sa pagharap sa bagong taon.

Maaari nating sabihin sa ating sarili, "Noon, marami akong ginagawa. Nararamdaman kong kinakailangan ako, at nakakatulong ako. Ngayon, parang ang lahat ay bakanteng espasyo at bakanteng oras." Matindi nang magising sa umaga nang hindi alam ang gagawin sa buong araw; ngunit ano ang gagawin natin sa buong taon?

Kung minsan, ang kagustuhang ibalik ang nakaraan ay maaari ding pumigil sa atin sa pagtanggap ng bagong taon. Sa nakaraan, tayo ay kumportable, nakaramdam tayo ng kaligtasan, at masaya noon. Iniinda natin ngayon ang pangungulila at natatakot tayong walang mangyayaring bago sa atin sa bagong taon. Nangungulila tayo sa taong wala na at inaalala natin ang nakaraang pinagsamahan natin. Iniisip natin kung ano ang nangyari, at hinihiling nating bumalik doon.

Ang pagdating ng bagong taon ay maaaring mangahulugan ng iba-ibang bagay para sa iba't ibang nagluluksa. Ang ating pagsalubong, galit, at pagbabalewala sa bagong taon ay malamang na depende sa kung nasaan tayong level ng pagdadalamhati. Ang tanong ay hindi paano, ngunit kung papaano magpapakita ang pangungulila, at kung paano natin ito maiibsan.

Isang Proseso ng Pagkakatuto

Kung ang iyong pagkawala ay kamakailan, biglaan, o hindi inaasahan, maaari mo itong maranasan bilang isang pagkabigla, kung saan para kang nabubuhay sa isang hindi magandang panaginip o nabubuhay sa katauhan ng ibang tao, habang pilit na sinusubukang bumalik sa iyong "dating buhay". Ang huling bagay sa iyong isip ay maaaring ang pagsubok ng bagong taon. Kapag paulit-ulit kang nagsusulat o nagkukwento tungkol sa pagkamatay ng iyong mahal sa buhay, maaari mong maramdaman na ikaw ay manhid o malayo. Habang tumatagal, maaari mong maisip na ang buhay mo ay hindi ang inisip mong buhay, at nagbago ang iyong mundo.

Inilalarawan ni Therese Rando, isang kilalang grief therapist at may-akda, ang pangungulila bilang proseso ng pagkakatuto. Ang bawat minuto kasama ang isang mahal sa buhay ay gumawa ng gawi ng kung paano kumilos at kung ano ang aasahan. Ang bawat bagong paghamon, tulad ng paggawa ng buwis, pagkukumpuni ng mga bagay, at pagpasok sa isang bagong taon, ay nagiging bagong okasyon para tanggapin ang pagkawala ng iyong mahal sa buhay at makahanap ng bagong paraan para umusad, kahit ang mga bagong hamon ay nagbibigay ng bagong sakit.

Habang matapang mong hinaharap ang pangungulila sa paglipas ng panahon, makakahanap ka rin ng lakas upang tingnan ang bagong taon nang may interes at pagkamangha sa maaaring ibigay nito. Maaaring maging masaya ka na salubungin ang pagbabago, ngayong naiibsan na ang pangungulilang nararamdaman mo.

Maaari kang makaramdam ng comfort at kaligayahan na malamang ginawa mo ang lahat ng makakakaya mo at nagmahal ka nang husto. Puno ng pagmamahal na dating ikinasasaya mo, makakapagpakita ka na ngayon ng mas malalim na pakikiramay sa mga taong nagdurusa. Habang tumatagal, malalaman mong ang buhay ay isang regalo na dapat ikatuwa kasama ng sinumang makakasalubong mo sa iyong landasin. Sa paglipas ng panahon, maaaring gustuhin mong gawin nang mag-isa ang bagay na ginusto ninyong gawin nang magkasama.

Kahit na natatakot at nalulungkot ka, at kahit na hinahanap mo ang nakalipas, maaari mo pa ring buksan ang pinto nang kagyat sa bagong taon na ito.

Mga tip sa pagharap ng bagong taon:

  • Magsimula sa pamamagitan ng pagkuha ng kinakailangang pahinga. Kung pagod ka pa rin sa pag-aalaga o labis na pangungulila, pagtuunan ang iyong pisikal na pagbawi. Isaalang-alang ang pakikipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung paanong pisikal na mapapanubalik ang iyong sarili.
  • Bigyan ang iyong sarili ng pahinga ng pag-iisip. Palitan ang mga negatibong bagay ng mga positibong bagay tungkol sa iyong sarili, at pakalmahin ang iyong sarili gamit ang musika, pagdarasal, nakakagaan ng pakiramdam na panitikan, pagluha, at pagtawa.
  • Bigyang-pansin ang pag-asa at kagustuhan. Maghanap ng maliliit na praktikal na paraan para bigyan ang iyong sarili ng bagong kagustuhan.
  • Dumalo sa isang support group o makipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya na makakapaglista at makakapagbahagi ng mga alaala.
  • Humingi ng espiritwal na suporta mula sa isang lokal na ministro, rabbi, pari, imam.
  • Maghanap ng lakas ng loob para mabuhay sa hinaharap sa pamamagitan ng pamumuhay sa kasalukuyan, nang paunti-unti. Gawin ang lahat ng kaya mong gawin para alagaan ang iyong sarili at ang iba ngayong araw.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.