Paano Tulungan ang Isang Taong Naging Nakakabahala na ang Reaksyon sa Pangungulila

Kung naniniwala kang kailangan ng isang tao ang agarang tulong, mangyaring tumawag sa 911.

Ano ang magagawa mo, ano ang masasabi mo, at paano ka makakatulong kung ang isang taong malapit sa iyo ay nahihirapan sa pangungulila sa mga paraang talagang nakakabagabag?

Ang pagsasalita at pagmamagitan ay dapat palaging priyoridad kung ang isang miyembro ng pamilya o kaibigan ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagiging masyadong nababagabag ng matinding pangungulila na posible na silang magkaroon ng psychological breakdown, o mas malala, masasaktan na nila ang kanilang sarili, ayon kay Robin Fiorelli, direktor sa mga serbisyo sa pangungulila at pagboboluntaryo para sa VITAS. 

Kahit ang pamamagitan ay magdudulot ng pansamantalang tensyon sa iyong ugnayan, "mahalagang pagkatiwalaan ang iyong pasya, makipag-ugnayan kaagad, at kumilos para tulungan ang isang taong malapit sa iyo," sabi ni Robin. 

Magsimula sa pamamagitan ng paggamit sa inyong ugnayan sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyong kapamilya o kaibigang nag-aalala ka, kung gaano ka kahandang tumulong, at kung gaano mo kagustong makita ang kanyang pagbuti at pagbalik sa kaligtasan at pagkakaroon ng pakiramdam ng pagiging normal.  

Paano Malaman Kung ang Pangungulila ng Isang Tao ay Ganoon na Kaseryoso na Kailangan nang Mamagitan

Magsagawa ng mga hakbang para mamagitan kung nakikita mo ang mga palatandaan o gawing ito:

  • Malinaw na indikasyon ng posibilidad ng pananakit sa sarili (hal., pag-aabuso sa paggamit ng substance, kawalan ng kakayahang alagaan ang sarili) 
  • Mga pahayag tulad ng "Mawawala na rin naman ako sa dalawang linggo," "Hindi ko ito kaya," o "Hindi ko matagalan ang linggong ito"
  • Ebidensya na ang iyong kapamilya o kaibigan ay may paraan para saktan ang sarili (hal., may makukuhanan ng mga armas, gamot, atbp.)
  • Anumang dating pag-iisip ng pagpapakamatay, personal man o sa pamilya

Ano Ang Masasabi sa Isang Tao na Nakakaranas ng Nakakabagabag na Pangunguilila

Kausapin ang iyong kapamilya o kaibigan tungkol sa iyong taos-pusong pag-aalala. Simulan ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagsasabi na, "Dahil talagang mahalaga ka sa akin…," o "Mahal kita at nag-aalala ako sa iyo, at sa tingin mo ay kailangan mo ng tulong…," o "Nag-aalala ako sa nakikita ko sa iyo, at gusto kong malaman mo na tutulungan kitang malampasan ito."

Ilarawan ang mga partikular na gawing ipinakita nila, ang mga nabanggit nilang iniisip nila, o ang mga sinabi nila para eksaktong matukoy ang dahilan ng iyong pag-aalala at ng iyong pamamagitan, tulad ng:

  • "Buong araw kang natutulog hanggang 6 ng hapon, at nag-aalala ako sa iyo."
  • "Ilang beses mong sinabi noong isang linggo na hindi ka mabubuhay nang wala si (ang taong kamamatay lang), at nag-aalala ako."
  • "Dahil mahal kita, nahihirapan akong makita kang ganito, at sa tingin ko ay kailangan mo ng tulong."

Kapag nakumusta mo na sila at nakapag-alok ka na ng tulong, maging handang sundan ito sa pamamagitan ng mga malinaw na resource o sa iyong presesya para tulungan silang isagawa ang mga susunod na hakbang. Mga halimbawa ng malinaw na tulong: 

  • Magbigay ng listahan ng mga lokal na grief therapist, tagapayo, programa sa hospice at tiyaking magagawan nila ito ng paraan sa pamamagitan ng tawag sa telepono, appointment, o personal na pagbisita 
  • Kung may nauugnay na pagpapakamatay, magbigay ng listahan ng mga numero ng suicide hotline 
  • Tawagan ang VITAS sa 800.723.3233 anumang oras, kahit sa oras pagkatapos ng opisina, mga weekend at holiday, para sa suporta sa pangungulila sa pagpanaw ng isang tao, o suporta mula sa mga grief professional
  • Hikayatin ang iyong kaibigan/mahal sa buhay na tawagan ang kanyang personal na doktor para sa agarang tulong

"Ang pinakamahalagang bagay ay muli siyang kumustahin sa pamamagitan ng paniniguro sa iyong kaibigan o kapamilya na hindi mo siya iiwan at handa kang samahan siyang para malampasan niya ito," ayon kay Robin. "Maaari mo siyang bigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng pagsasabi na, 'Naniniwala akong malalampasan mo ito at magbabago ang iyong sitwasyon. Maaaring hindi ganoon ang nararamdaman mo ngayon, ngunit darating ka doon. At narito ako para sa iyo.'"

Humanap ng mga grupo, klase at kaganapan ng VITAS na malapit sa iyo.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.