Kapag Nagiging Mapanganib ang Pangungulila

Kapag namatay ang isang tao na ating minamahal, ang pakiramdam natin ay parang nagka-bali-baliktad na ang buong mundo. Ang mga pagbabago ay maaaring hindi makaya. Oras na naunawaan na natin ang pagkawala, nakakaramdam tayo ng matinding kalungkutan. Ang mga pakiramdam na ito ay bahagi ng normal na pamamaraan ng pagluluksa. Sa paglipas ng panahon, sinisimulan na nating tanggapin ang pagkawala at nakakaranas ng muling pagsibol ng kalakasan at pag-asa.

Ngunit papaano kung ang ating mga reaksyon ay nakababahala sa atin? Papaano natin malalaman kung kailan dapat humingi ng tulong?

Maging Alerto sa mga Babala

Kung nakaranas ka ng mga pakiramdam na napakatindi o kaya napakatagal na ikaw na mismo o ang ibang tao ay nagsisimula nang mabahala dahil sa iyong reaksiyon, kinakailangan mong humingi ng propesyonal na tulong.

Kilalanin ang mga babala ng panganib:

  • mga hindi nakokontrol na kaganapan ng pag-iyak
  • hindi makatulog o makakain
  • labis na pag-iisip sa namatay
  • hindi na pinapansin ang personal na kalinisan
  • lumiliban sa trabaho at/o iba pang mga kaganapan na dapat puntahan
  • inihihiwalay ang iyong sarili sa lahat sa tahanan sa isang matagal na haba ng panahon
  • labis na gawi na nakakasira ng sarili (pag-abuso sa paggamit ng substance, pag-iisip ng pagpapakamatay)

Kung nagsisimula kang mag-isip na hindi mo kayang magpatuloy nang ganito, kung pinag-iisipan mong saktan ang iyong sarili (o ibang tao), o kung nagsisimula kang gumawa ng plano na patayin ang iyong sarili, tumawag sa 411, hilingin ang numero ng iyong lokal na suicide hotline at tawagan ito kaagad. O kaya ay direktang pumunta sa emergency room ng isang malapit na ospital. O kaya ay tumawag sa 911 para sa madaliang tulong.

Ang paghingi ng tulong ay hindi palatandaan ng kahinaan. Sa totoo lang, ito ay isang palatandaan na naiintindihan natin ang saklaw ng mga problema na ating hinaharap at ninanais nating bigyang tuon ang mga ito kaagad-agad.

Humanap ng mga grupo, klase at kaganapan ng VITAS na malapit sa iyo.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.